Chapter 9

1817 Words
Rafael Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Pagdilat ng mata ako eh nasa kotse ako katabi si Sierra?! Nandito kami nakapuwesto sa backseat, nakasandal siya sa akin habang mahimbing ang tulog niya. Napasinghap ako habang pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kagabi pero wala akong maalala. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si Sierra habang mahimbing pa din ang tulog niya, ni hindi ako makagalaw dahil baka magising ko siya. I found myself smiling while looking at her. She looked even more angelic when she’s sleeping. Damn, Rafael?! Nagkakagusto na ba ako sa kaniya?! Marahan kong inangat ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng buhok niya nung bigla siyang gumalaw kaya napabalik ako sa puwesto ko kanina at sumandal ako sa kinauupuan ko, ramdam ko ang paggalaw at nung nilingon ko siya ay nakita kong dumilat siya. s**t! Baka kung anong isipin niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nung makita niya ang set up naming dalawa at agad siyang umaayos ng upo at hinanap ang bag niyang nasa tabi niya lang naman din. “OH MY GOD! ANONG ORAS NA?! Kailangan ko nang umuwi!” Natataranta niyang sabi tapos akmang baba na sana siya sa kotse pero dali dali ko siyang pinigilan at hinila ko siya balik. “Sandali, sandali..” Pigil ko pa sa kaniya. “Ano?!” Mariin at irita niyang tanong habang hawak hawak ko ang pulso niya. “I-ihahatid na kita.” Nauutal kong sambit sa kaniya pero agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nung sinabi kong ihahatid ko siya. “H-hindi na, okay lang.” Pagtanggi niya pang muli tapos ay bumaba na siya ng sasakyan pero agad din akong bumaba para sundan siya. “Sierra, kung nagmamadali ka na, mas mapapabilis ka kung ihahatid na kita. Isa pa, I cause too much of your time last night.” Pagkumbinsi ko pa sa kaniya habang sinasabayan ko ang napakabilis niyang lakad. “Rafael, ayos lang ako. Mauna ka na. Mas mapapabilis kung hindi mo na ako hahabulin at pipilitin pa. May interview pa kasi ako eh. Bye.” Nagmamadaling sabi niya tapos ay hinarap niya ako at kita ko sa mukha niya ang pagkairita. “Natatakot ka ba na makita ka ng Tita mo na kasama ako?” Natigilan siya at natahimik sa tanong ko. Umiling siya at huminga ng malalim. “Hindi, pero ang hirap ipaliwanag, Rafael. Hindi ito ang tamang oras at lugar para pag usapan yo’n.” Mariin niyang sabi sa akin tapos ay muli niya na akong tinalikuran. “I know.” “Ganito na lang, kung talagang ayaw mo magpakita sa tita mo na hinatid kita, edi ibabq na lang kita sa kanto niyo. Tapos hihintayin kita do’n at ihahatid na din kita sa kung saan ka man papunta.“ Suhestyon ko sa kaniya pero bakas pa din sa kaniya ang pag aalangan. “Para quits na tayo?” Kunot noong sambit ko pa sa kaniya tapos ay kinindatan ko siya. Bumuntong hinga siya at sumimangot. “Fine.” “Salamat. Malapit lang kami dito mga 15 minutes away lang.” Alanganing sabi pa niya tapos ay sabay na kaming bumalik sa kotse. Pinagbuksan ko siya ng passenger seat at ako ang magnamaneho. Hindi siya nagsasalita habang pasakay kami ng sasakyan.” Sierra, bakit nga pala tayo dito natulog sa kotse?” Mausisa kong tanong sa kaniya nung makapasok kaming muli sa loob ng sasakyan. “You were so drunk last night and your friends go home, I think they had an emergency. Si Hannah, kasama natin siya natulog dito kanina kasi lasing din siya kagabi pero she already left kasi may lakad siya. I was left here to look after you, I can’t just leave you here and I fell asleep again.” Seryosong paliwanag niya habang inalala ang mga pangyayari kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. “But you can driver, why here? Sa parking lot talaga nagpalipas ng gabi?!” Pabirong hirit ko sa kaniya pero tinignan niya ako at tinasaan ng kilay. “At least sa loob ng kotse, kesa naman sa kalsada tayong tatlo! Mas nakakahiya yo’n!” Sarkastikong hirit niya tapos ay inirapan niya ako. “Hannah is drunk too, I can’t let her drive and.. I don’t know how to drive.” Nakasimangot niyang sabi. “Sus, gusto mo lang ako makasama eh.” Pang aasar ko pa sa kaniya tapos nagulat ako nung hinampas niya ako sa braso. “Ang kapal mo! Hindi ka namin type noh!” Singhal at mariing depensa niya pa kaya tawang tawa ako. “Depensive ah!” Pang aasar ko pa tapos ay nainis yata si Sierra at akmang baba sana siya ng sasakyan pero pinigilan ko siya. “Biro lang, ito naman!” Pigil ko sa kaniya tapos ay inirapan niya ako. “Tara na, late na ako!” Nakangusong reklamo niya tapos ay nag iwas siya ng tingin sa akin kaya halos buong biyahe eh tahimik siya. “Sierra.” Tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. “Hhmm?” “M-may boyfriend ka na ba?” Biglang siyang nasamid dahil sa tanong ko kaya sandali kong hininto ang kotse sa tabing kalsada. “Ako?!” Turo pa niya sa sarili niya matapos kong hinto ang sasakyan. “Okay ka lang ba?” Alalang tanong ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin. “O-oo.. ikaw, kung may boyfriend ka na?!” Nakanguso kong ulit sa tanong ko sa kaniya kanina tapos narinig ko lang ang malakas niyang paghalakhak. “Problema lang yang mga ganiyan noh! Hindi ko kailangan ng boyfriend.” Sarkastiko at nay kompiyansa niyang sabi sabay sandal muli sa kinauupuan niya habang pailing iling pa siya. “May chance pa pala ako eh.” Bulong ko sa sarili ko tapos ay pinaandar ko na ulit ang makina ng sasakyan ko. “Ano?!” Kunot noong tanong niya pero ngumiti lang ako at umiling. Makalipas ang ilang minuto ay nasa kanto na kami na sinasabi niya kanina kaya huminto na ako. “Salamat, Rafael. Dito na lang ako.” Pasasalamat pa niya at akmang baba na sana siya pero pinigilan ko siya. “I’ll wait for you here.” Nakangiting bilin ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. “No, hindi na kailangan. Masyado na akong nakakaabala sa’yo. Kaya umuwi ka na at magpahinga.” Katwiran at pagtanggi pa niya bago bumaba ng sasakyan ko kaya napailing ako. Bahala siya diyan, hihintayin ko siya dito. Habang naghihintay ako sa kaniya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa nanay ko. Napahinga ako ng malalim at napailing, sigurado akong s-sermunan niya na naman kasi ako eh. “Ma.” Nag aalangang sagot ko pa sa kaniya. “Where the hell are you?!” Muntik na akong mabingi dahil sa sigaw niya mula sa kabilang linya kaya nilayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko. “I..I’m just busy.” Sagot ko pero mas lalo siyang nagalit. “Busy with what? Partying?!” Mariin at sarkastiko niyang kuwestyon kaya napailing na lang ako. “Ma, can you just scold me later, I have something important to do.” Katwiran ko pa sa kaniya tapos ay binaba ko na ang tawag. Tss. Pero tadtad naman siya ng messages sa akin. Napailing na lang ako habang binabasa ang mga iyon. Alas diyes na pala ng umaga, napa angat ako ng tingin nung makita ko si Sierra na papalapit. Kaya naman dali dali akong bumaba at sinalubong ko siya. She was wearing a long skirt and a white long sleeve then tied her hair up in a messy bun style, wearing a light make up. “Sierra!” Tawag ko sa kaniya kaya bakas sa kaniya ang gulat nung makita ako sa harapan niya. Nataranta siya at kaliwa’t kanang tumingin sa buong paligid. “H-hindi ba s-sabi ko-“ “Wala akong naka-schedule na lakad this morning kaya tara na! Isa pa, on the way naman.” Kumbinisi ko sa kaniya tapos ay hinila ko siya papalapit sa kotse at binuksan ko ang passenger seat. Sandali siyang lumingon muli sa buong paligid, tatanggi sana siya pero nakita niya na pinagtitinginan na kami kaya wala siyang choice kundi sumakay. “Nakilala ka ba nila? Kaya sila tumingin satin?” Mausisa at nag aalala niyang tanong sa akin nung makasakay siya sa sa passenger seat. “Not sure, I’m just glad if not.” Kibit balikat ko pang komemto tapos ay mabilis kong pinaandar ang kotse. “You look gorgeous today.” Pag iiba ko pa sa usapan habang nakatuon pa din sa kalsada daan ang atensyon ko. Hindi siya sumagot pero nakita ko sa rear view mirror ang pag ngiti niya pagtapos no’n ay nabalot na ng katahimikan ang buong paligid. “Saan ba kasi ‘yung interview mo?!” Basag ko sa katahimikan maming dalawa. “Santa Devilla Corporation.” Napapreno ako sa sinabi niya. “You applied there?!” Gulat at kunot noong tanong ko sa kaniya. Tumango siya at nagtataka akong tinignan. “That was owned by Lance and Renzo’s family, malapit na yo’n dito.” Paliwanag ko sa kaniya kaya bakas sa mukha niya ang pagkamangha at gulat. “Talaga? Well, that was recommended by my best friend kasi do’n din siya nagta-trabaho.”Magiliw at sabik na paliwanag naman ni Sierra at sakto no’n ang paghinto ko sa tapat ng Santa Devilla Corporation. “We’re here.” Nakangiting sambit ko tapos ay baba sana ako para pagbuksan siya ng pintuan pero dali dali na siyang bumbaba kaya sumunod na lang din ako. “Salamat, Rafael.” Nagmamadali niyang sabi at saka patakbo pumasok sa entrance. Along the hallway, huminto si Sierra at niyakap ang isang lalaki na sa tingin ko eh ‘yung tinutukoy niyang kaibigan. “Diego!! Puwede pa ba? Late na kasi ako.” Tanong niya do’n sa lalaki. Hindi ko narinig kung ano ang sinabi nung lalaki kaya binilisan ko ang lakad papalapit sa kanila. “Sierra.” Sabay silang napalingon nung tawagin ko si Sierra at bakas sa mukha nung lalaki ang gulat nung makita ako. “Na’ko, Sorry.” “Rafael, salamat talaga sa paghatid ah, bawi na lang ako! Pero mauna na muna ako.” Natatarantang paalam ni Sierra kaya naiwan kaming dalawa nung lalaking kaibigan niya daw. “Rafael.” Basag ko sa katahimikan naming dalawa at kalmado kong pagpapakilala sa kaniya. “Kilala ho kayo, Sir!” Nakangiting sabi niya. “It’s a pleasure to meet you po in person, Sir.” Nagagalak na sabi pa jiua sa akin. “Diego po.” Pagpapakilala niya pa tapos ay nakipagkamay siya sa akin. Napangisi ako habang tinitignan ko siya. He is really Sierra’s boy best friend? “Nice to meet you too, Diego. So, ikaw pala ang BEST FRIEND ni Sierra?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD