Chapter 4

1025 Words
Sierra Para akong nabibingi at hindi ko na nadinig ang huling sinabi ni Rafael bago tapusin ang talumpati niya. Ang tangi ko na lang narinig ay ‘yung announcement ng emcee for awarding tapos ay nagsimula na itong tawagin ang mga pangalan ng mga estudyente para umakyat sa stage at tanggapin ang diploma namin. Bigla tuloy akong kinabahan kasi makikita ko na naman ulit siya ng malapitan, maalala niya pa kaya ako?! Well, ayokong mag-assume kasi sa dami ng nakakasalamuha niya araw araw eh baka hindi na niya ako naalala. Napahinto ako nung marinig ko ang ilan sa kapwa ko estudyente na nagsasalita sa likuran ko. “Ang gwapo naman nung anak ni Mr. President.” Rinig kong bulungan nung mga estudyente sa likuran namin. “Balita ko, single daw yan eh.” Kinikilig na sabi pa nung isa. “Sus, single o hindi wala tayong pag asa diyan, anak ba naman ng presidente.” Bitter na komento pa nila habang ako tahimik lang at nakatulalang pinagmamasdan ang mga ina-awardan at nakikinig din sa mga komento nila sa likuran. Hindi ko namalayan na nasa litrang “G” na pala ang tinatawag nila kaya napalingon ako kay Hannah na patayo na sa tabi ko. Bente lang kami sa section namin kaya mabilis lang ang awarding. “Beh, ikaw na!” Nakangiting baling ko sa kaniya nung tinawag ang pangalan niya kaya dali dali naman siyang tumayo. “Gonzales, Hannah M.- c*m Laude.” Malakas na anunsyo nung nagsasalita. Kita ko ang galak kay Hannah nung matanggap niya ang diploma niya at nakita ko din ang masaya niyang pakikipag usap kay Rafael. Nung kumuha na sila ng litrato ay nagulat ako nung ituro niya ako kay Rafael tapos ay ngumiti naman ito sa gawi ko. Loko talaga to! Ano kayang sinabi niya?! Nakakahiya!! Nung makabalik si Hannah sa seat niya ay dali dali ko siyang hinila paupo. “Loko ka! Nakita ko yo’n! Anong sinabi mo sa kaniya?!” Natatarantang bungad ko kay Hannah na tinawanan lang ako. “Wala, tinuro lang kita. Tapos sabi niya naalala ka nga daw niya. Binasa niya nga daw ‘yung libro mo eh.” Natatawang sabi ni Hannah kaya ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at parang gusto ko na lang mapalamon sa lupa, now na! Totoo ba?! Binasa niya?! Nakakahiya!! May mga matured scenes pa naman do’n?! Ano na lang iisipin niya pag nakita niya ako?! Napalunok ako ng laway at napatingin ako kay Rafael. s**t! Puwede bang huwag na lang kunin ‘yung diploma?! Pakiramdam ko tuloy ko namumula ako? Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nung makita ko na papalapit na ako ng papalapit sa susunod na tatawagin. Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagdilat ng mata ko ay nangyari na ang kinakakaba ko kanina pa. Tinatawag na ang pangalan ko sa stage. “Sierra Louise Valencia, Magna c*m Laude.” Rinig kong anunsyo nung emcee kaya nag aalangan at kinakabahan akong tumayo at naglakad papalapit sa stage. Mas lalo akong nailang at kinabahan nung makita ko si Rafael na sinundan ako ng tingin at saka siya ngumiti na para bang nagagalak siyang makita ako. Tumanggo ako nakipagkamay sa kaniya tapos ay ibinigay sa akin ni Dean at president ng university ang certificate habang si Rafael ang nagsabit sa akin ng medal ko. “Here you are, Ms. A.” Nakangiting bungad niya sa akin. “Congrats, Ms. Valencia.” Pagbati nina Dean at president sa akin. “Congrats, Ms. A.” Nakangiting bulong niya sa akin tapos ay nakipag kamay ulit niya. Nakita ko amg seryosong tingin ni Tita kay Rafael nung siya na ang makikipagkamay sa dean, president at kay Rafael. “Congrats po, Ms. Marina for having such a talented and intelligent niece.” Nakangiting bati niya naman kay Tita na ngumiti naman pero halata na pilit at hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. Habang nagpapakuha ng litrato eh hindi ko maiwasang hindi siya makita sa peripheral vision ko dahil magkatabi lang kami kaya ramdam at kita ko na sumusulyap sulyap din siya sa akin. Matapos no’n ay ngumiti ako sa kanila at tumango tapos ay nagmamadali na akong bumaba. Akala ko eh makakaiwas ako sa mga tanong ni Tita pero hindi pala. “Sierra.. Sierra, sandali.” Mariin ngunit pabulong na pigil aa akin ni Tita matapos naming makababa ng stage. “Ano yo’n? Bakit gano’n makatingin sa’yo ang Rafael na yo’n?! Hindi ko nagugustuhan ang inasta niya! Parang nagpapapansin siya sa’yo.” “Sabihin mo nga.. bukod pa sa pagkikita niyo sa opisina ng presidente no’n eh nagkita ulit bago ang araw na ito?!” Sunod Sunod at Histerikal niyang tanong. Napasinghap ako at napahinga ng malalim tapos ay umiling ako. “Ito pa lang ho ‘yung pangalawang pagkakataon.” Halos pabulong na sabi ko kaya nakita ko ang paghinga niya ng malalim na para bang napanatag siya sa sagot ko. Alam kong maling magsinungaling pero ayoko na magtalo kami sa ganitong bagay sa napamahalagang araw na ito para sa’kin. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit si Tita sa first family pero alam kong magiging ganito ang reaksyon niya kung malaman niya na hinatid ako noon ni Rafael at nung kaibigan niya, kaya nga hindi ko sinabi no’n eh, dahil ayoko ng gulo. “Tita, sa tingin niyo ho ba, makikipag-close sa akin ang anak ng presidente? Hindi naman ho ako gano’n ka importanteng tao at high profile. Huwag na ho kayong mabahala.” Nakangiting sabi at paniniguro ko pa sa kaniya. Pang last na ako sa tinawag kayo bumalik na kami sa kaniya kaniya naming upuan para sa turning of tassels and closing remarks. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Rafael at nagulat akong makita na nakatingin din siya sa akin kaya agad akong nag iwas muli ng tingin. Bakit ba siya laging nakatingin sa akin? Baka mamaya kung anong isipin ng ibang makakita sa kaniya eh. Pati si Tita ay nahahalata na siya, ayokong maging sinungaling pero masaya akong makita siya ngayon at natutuwa ko na naalala niya ako. Shit! Ano ba nangyayari sa akin! Wala na akong bukangbibig kundi puro si RAFAEL!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD