Chapter 5

1180 Words
Sierra Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig kong muli ang anunsyo nung emcee. “Graduates, please, rise. You may now move your tassels from the right side to your left side, as a symbol of your accomplishment.” Tumayo kaming lahat at sinunod ang sinabi nung nagsasalita. Tanging malakas na hiyawan at kasiyahan ang narinig ko sa buong paligid at ang iba sa amin ay umiiyak pa sa tuwa. Niyakap ko si Hannah pati ang iba pa naming mga kaibigan at binati ko sila. “Guys!! Tara picture!!” Rinig kong sigaw nila Hannah kaya nagpakuha muna kami ng litrato habang tumutugtog ang graduation song namin. Pagkatapos no’n ay nagsimula na din ang closing ceremony. “Hannah, matagal pa naman yang closing speech ni Dean, samahan mo muna ako, naiihi na ako eh.” Bulong ko kay Hannah sa tabi ko, pumayag naman siya kaya lumabas kami. “Teh, kamusta?” Biglang tanong nito nung makalabas kami kaya napataas ang kilay ko. “Kamusta ang alin?” Maang maangan kong tanong sa kaniya. “Si Rafael!” Sambit niya sa akin kaya napailing ako at napangiti. “Okay naman, he congratulated me and Tita, nakakatuwa nga at naalala niya pa ako.” Nakangiting kuwento ko kay Hannah. “Ay sus, Ms. A! Grabe ka na ah! Ibang level na yang connections mo ah!” Pang aasar pa niya sa akin kaya inirapan ko siya. Hindi pa man ako nakakapag-reak ay humarap siya sa akin at tinasaan ako ng kilay. “Eh nakita ko kayo kanina ni Tita, mukhang nagtatalo kayo pagbaba ng stage. May problema ba?” Mausisang tanong niya kaya napasimangot ako. “Nakilala nga kasi ako ni Rafael, hindi ba? So, akala niya eh nag uusap kaming dalawa o nagkikita kami.” Nakangusong paliwanag ko pa sa kaniya. “Eh ano naman kung gano’n? Kung friends kayo ni Rafael?” Kunot noong kuwestyon niya kaya napailing ako dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya. “Ewan ko ba. Hindi ko din alam bakit gano’n lagi ang reaksyon ni Tita sa tuwing napag uusapan ang first family o ano.” Problemado ko pang sabi sa kaniya. “Hhmm.. si Tita naman! Napaka-KJ!” Reklamo pa ni Hannah habang palabas kami sa rest room. Nasa may hallway na kami at pabalik na sa loob nung biglang may humarang sa amin na isang lalaki at palagay ko eh isa sa mga security ni Rafael dahil nakita ko kasi na same sila ng suot nung mga nakasunod sa kaniya kanina eh. “Ms. Valencia?” Salubong nitong tanong sa akin kaya nagtataka akong tumanggo. “A..ako nga po.. may kailangan ho ba kayo?” Kunot noong tanong ko. “Ahh, wala naman po. Pinapabigay ho ni Sir Rafael.” Sagot nito tapos tapos inabot niya ang isang bouquet ng bulaklak sa akin. Napatingin ako kay Hannah sa tabi ko na kilig na kilig nung makita ang bulaklak. “P..para saan po ito?” Mausisang tanong ko habang pinagmamasdan ko ‘yung bulaklak tapos nakita ko ‘yung note na may nakasulat na “congratulations, Ms. A.” Mag aangat pa lang ako ng tingin do’n sa nagbigay ng bulaklak at ibabalik ko sana pero pag tingin ko eh bigla naman siyang nawala. “Mukhang hindi ka lang niya basta naalala, he prepared for this because he knew that you are studying here and you’d be part of the ceremony.” Nakangiti at pang asar na komento ni Hanmah sa gilid ko. “Gusto mo ba ng bulaklak.” Kunot noong tanong ko sa kaniya tapos ay Inabot ko sa kaniya ang bulaklak. “Teh?!” “Ano ka ba! Binigay nga sa’yo eh, sayang naman! Nag-effort ‘yung tao oh.” Reklamo at nangongonsensya sermon niya pa sa akin tapos ay pilit niyang binalik sa akin ‘yung bulaklak. “Kasi.. kapag nakita yan ni Tita-“ “Edi sabihin mo, may nagbigay lang na classmate.” Nakangusong suhestyon niya. “Classmate?!” Kunot noong kuwestyon ko tapos ay winagayway ko ‘yung note na kasama sa bulaklak. “Edi itago mo yan.” Suhestyon niya tapos hinablot niya ‘yung note mula sa akin. Huminga ako ng malalim tapos ay sinunod ko ‘yung sinabi niya at nilagay ko ‘yung note sa bag ko. Nung pagpasok ulit namin sa venue ay nakita ko si Rafael na nagawi ang tingin sa amin at napangiti siya nung makita niya ang bitbit kong bulaklak. Tumango lang ako ngumiti habang ito naman si Hannah may patulak tulak pa sa akin at mas kinikilig pa siya kesa sa akin. Nagbigay lang naman ng bulaklak ‘yung tao. Tss. Tapos na din pala ang ceremony nung makabalik kami kaya nagsisimula na mag alisam ang mga tao kaya nagdesisyon kaming hintayin na lang namin dito sa entrance si Tita at ang parents ni Hannah kesa makipagsiksikan pa kami sa madaming tao. “Sierra-“ “Thank you sa bulaklak.” Salubong ko kay Rafael nung makalapit siya sa amin. “Welcome, congratulations ulit. I hope that this wouldn’t be the last time?” Nakangiting sabi niya sa akin. “Ah, mauna na kami.” Naiilang kong paalam sa kaniya. “Sierra, wait!” Pigil nito sa akin kaya napahinto ako at napalingon. “B-bakit?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. “C-can I have your number?” Nag aalangang tanong niya sa akin kaya natulala ako. “Sierra!!” Para akong nakahinga ng maluwag nung marinig ko ang boses ni Tita at Diego na tumatawag sa akin at paglingon ko sa kabilang entrance ay nando’n sila nakatayo. “Sorry, Rafael. Nagmamadali na kasi ako.” Pagdadahilan ko kay Rafael sabay hila kay Hannah papalayo. “Bakit hindi mo bini-“ “Ayoko, at sana ito na din ang huling pagkakataon na makikita ko siya!” Mariin kong sambit sa kaniya habang papalapit kami kina Tita. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Diego at Tita nung makita ang bulaklak na hawak hawak ko. “Kanino galing yan?” Mausisang tanong ni Tita kaya napalingon ako kay Hannah na tahimik lang. “Sa ka-klase ko po.” Pagaisinungaling ko sa kanila. “Kaklase o manliligaw.” Pabirong hirit ni Diego sa akin. “Sus, nagseselos ka ba, Diego!” Pangangantyaw naman ni Hannah kay Diego kaya nakita ko ang pamumula niya. “Hindi ah!” Tanggi naman ni Diego. “Ay na ako! Tama na yan, tara na! Kakain pa tayo sa labas eh. Hannah, nasaan ang mama mo?!” Singit pa ni Tita at hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa likuran ko. Nakita ko si Rafael na naglalakad na palabas ng lobby kasama ang security niya. Nagtama ang mga mata naming dalawa, nakita niya akong nakatingin sa kaniya kaya ngumiti siya habang ako naman eh natulala lang. Nagpatuloy na siya at sinundan ko lang siya ng tingin habang papaalis siya. “Can I have your number?” Ulit ko pang sambit sa sarili ko. Ayoko mag-assume pero bakit naman niya ako bibigyan ng bulaklak at gusto pa niyang hingin ang numero ko??!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD