Sierra
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung graduation namin at hanggang ngayon eh hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na ako at iba na ang tatahakin kong landas. Ngayon lang nag sink in sa akin lahat, ngayon na nag aasikaso na ako ng requirements for job applications.
I hope that anytime soon, I get the job that I dreamed of. Nakatulala ako sa harap ng screen ng laptop ko habang pinagmamasdan ang isang job application form nung biglang mag ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Hannah.
Napailing ako at napahingang malalim nung makita ang tawag niya. Nanlaki din ang mata ko nung makita kung anong araw at oras na ngayon. “s**t! Ngayon nga pala ‘yung celebration namin. Nag aya kasi sila kumain sa labas nung nakaraan tapos no’n eh napag usapan naman namin na mag clubbing ni Hannah para naman daw masaya. Ayoko sana pumayag kaso naisip ko na baka ito na din muna huling pagkikita namin dahil magiging abala na kami sa kaniya kaniyang buhay.
“Hello, teh-“
“Hoy, teh! Ano? Ready ka na ba?! Susunduin na lang kita diyan sa inyo. Total on the way naman ako.” Mariing bunga niya sa kabilang linya kaya medyo nakaramdam ako ng pagkataranta.
“Oo, ito na. Magr-ready na!” Natatawang sambit ko pa sa kaniya. Tapos no’n ay binaba ko na ang tawag at nagmamadali na akong umakyat papunta sa kuwarto ko.
Napailing ako nung makita ko ang closet ko na napakagulo, mayroon akong damit na angkop naman sa pupuntahan namin pero ang problema lang eh ang laki nung sizes na nabili ko kaya I never get to wear them.
Parang nagningning ang mga mata ko nung makakita ako ng isang black satin dress na backless. Parang ang tagal na yatang nakatambak to sa akin at ngayon ko lang siya maisu-suot.
Nilabas ko ang damit at agad akong dumiretso sa may mini wooden shoe cabinet ko na makikita lang din sa entrance ng kuwarto ko.
“Oh, a black stiletto.” I whispered to myself. Kinuha ko yo’n tapos ay naupo na ako sa vanity mirror ko. Buti na lang at kakatapos ko lang maligo kaya magbibihis na lang ako at mag aayos.
Habang nag aayos ay biglang nag ring ulit ‘yung cellphone ko. Si Hannah ulit yo’n at this time may sinend siya sa akin na video ng isang balita. Tungkol yo’n sa first family particularly kay Rafael.
“So, he has plans on joining politics too.” I whispered to myself after watching the news. Napailing pa ako nung biglang tumawag ulit si Hannah sa akin.
“Girl, nakita mo ‘yung sinend ko sa’yo.” Bungad niya sa akin sa kabilang linya.
“Oo, ikaw ha, feeling ko crush mo yang si Rafael, send ka ng send sa akin ng video tungkol sa kaniya eh.” Pang aasar ko pang sambit sa kaniya habang nagkukulot ako ng buhok ko.
“Weh? Ako ba ang may crush o ikaw?” Panunukso pa niya kaya napailing ako at natawa.
“Hindi noh! Never! Hindi ko siya type at saka malabo din naman na maging kami kahit crush ko pa siya. Hello?! Anak ng presidente yo’n! Ako?! Simpleng mamamayan lang.” Real talk ko pa sa kaniya kaya natawa siya dahil sa sinabi ko.
“Ay sus, kaya pala, nung graduation eh binigyan ka ng flowers tapos gusto pang kunin ang number mo! Halata naman na-“
“Hannah, ano ka ba! Malay mo naman he’s just being polite kasi she met me twice and I got known for receiving international award. Iyon lang yo’n.” Pagka-klaro ko pa sa kaniya dahil ayoko namang bigyang malisya ang kabaitan ni Rafael. “It’s just a bouquet, nothing special about it.” Mariin ko pang paliwanag sa kaniya habang sinisimulan ko na mag-make up.
“Sa bagay, mahirap din naman mag-assume lalo na sa katulad ni Rafael.” Nanghihinayang pang pag sang ayon ni Hannah.
“Sige na, ibaba ko na ‘to. On the way na ako diyan sa inyo ah.” Sambit niya bago ibaba ang tawag kaya pagkatapos no’n ay nagmamadali na akong nag ayos at nagbihis.
Shucks, the dress looks good on me naman pero ‘yung heels. It’s a bit mataas, baka mamaya di ako makalakad ng ayos dito at saka baka sumakit paa ko. Hays! Bahala na nga!
Nataranta ako nung marinig ko ang busina ng sasakyan ni Hannah. Tignan mo tong babaitang ‘to! Malapit na pala siya eh di pa ako ini-informed! Kala ko kakaalis niya lang sa kanila.
Dali dali kong kinuha ‘yung hand bag na lagi kong gamit at may lamang essential ko pag umaalis at bumaba na ako.
“Oh, saan ka pupunta at ayos na ayos ka yata?” Bungad na tanong ni Tita na papunta sa kusina bibit ang mga pinamili niya.
“Ah, magliliwaliw lang po kasama mga friends ko.” Nakangiting sambit ko sa kaniya kaya napataas siya ng kilay.
“Aba, ngayon ba ‘yung pinapaalam mo nung nakaraang araw na magn-night out kayo?” Kunot noong tanong niya sa akin kaya napatango naman ako at napangiti.
Tinaasan ako ng kilay ni Tita. “Eh, bakit hindi ka nagsasabi? May pocket money ka ba? Aba, baka puro ka lang inom do’n, wala ka naman mai-ambag.” Natatawang biro ni Tita sa akin tapos ay kinuha niya ang wallet niya sa bag at inabutan ako ng pera.
“Tita, para saan po ‘to?” Kunot noo kong tanong sa kaniya at tukoy ko do’n sa inabot niyang pera sa akin.
“Aba, syempre! Pocket money mo.” Sarkastikong sambit pa niya.
“Deserved mo naman ang mag enjoy kahit paminsan, aba, mag u-update ka lang sa akin, ha?” Malambing na bilin pa niya. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya dahil bigla namang dumating si Hannah.
“Teh, are you read-“
Napahinto si Hannah na parang gulat na gulat siya nung makita niya ako.
“O.M.G!! Sisi? Is that you?!” Gulat at OA pa niyang reaksyon kaya napailing.
“Hala, si OA. Nag ayos lang naman ako.” Nakangusong sambit ko sa kaniya kaya humagikgik siya at lumapit sa akin.
“Exactly! Ngayon lang kita nakita mag ayos ng bongga at mag suot ng dress eh. Bagay na bagay sa’yo. Sigurado akong magiging center of attention ka do’n!” Natutuwang sambit niya tapos eto namang si Tita eh bahagyang hinampas si Hannah sa braso.
“Na’ko, ha! Bantayan mo yan si Sierra at baka magkalat kapag na lasing!” Pabirong paalala ni Tita kay Hannah.
“Tita, kaya hindi nag kakajowa itong si Sierra eh, bantay sarado mo pa din!” Kunot noon pero pabirong hirit ni Hannah.
“Graduate na po siya, hindi pa din po ba siya puwedeng mag-boyfriend?!” Sarkastikong tanong pa niya.
“Aba?!”
“Bakit ako ang tatanungin mo? Eh si Sisi tong mapili at puro bahay at school lang ang ginagawa!” Pabirong depensa pa ni Tita kaya nagtawanan kami.
“Na’ko, tara na nga at late na tayo!” Baling ko kay Hannah, sabay hila sa kaniya palabas ng bahay.
“Mauna na po kami, Tita! Mag u-update na lang po ako sainyo!” Sambit at paalam niya kay Tita bago kami umalis.
“Ano girl? Ready ka na ba?!” Nakangising tanong ni Hannah kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Ready saan?” Nakahalukipkip ko pang tanong sa kaniya tapos ay sumakay na kami sa kotse niya.
“To party! Aba, sa tinagal tagal na nating magkaibigan eh ngayon lang kita makakasama sa night out eh.” Kunot noong reklamo niya habang nagmamaneho.
Magr-reak pa sana ako pero muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nung biglang prumeno si Hannah ng malakas.
“Girl!” I shouted. Muntik na akong mauntog sa harapan at pag angat ko ng tingin ko ay nakita ko na muntik na kaming sumalpok do’n sa kotseng nasa harapan namin.
“OMG! I’m sorry. Iyong break kasi nagma-malfunction.” Tarantang sabi niya sa akin tapos sabay kaming bumaba para i-check iyong damage ng kotse niya at nung kotseng nasa harapan namin.
Napahinga ng malalim si Hannah at napabuntong hininga. “Kamalas malasan naman oh.” Rinig kong reklamo niya. Bumaba ‘yung driver nung kotse na galit na galit.
Nanlaki ang mata ko nung makita ko ‘yung plate number. 1? Hindi ba plate number ng president yo’n?!
“Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa kalsada?!” Reklamo nung driver sa amin habang si Hannah eh ramdam ko ang taranta at kaba niya.
“Pasensya na ho, hindi ko ho intensyon na banggain ang likuran ng sasakyan niyo. Bigla ho kasing hindi gumana ang brake ko.” Paliwanag ni Hannah tapos ay napahawak ako sa braso niya nung mapansin kong may pababa mula sa back seat nung kotseng nabangga niya.
“Rafael?” Bulong ko sa sarili. Tama, sa presidente nga ang sasakyan na ‘to.
“What happened, may sira ba-“ Napahinto siya nung makita niya kami.
“Sierra?” Kunot noong sambit niya sa pangalan ko habang nakatitig sa akin.
“Sir, napipi po ‘yung likuran ng sasakyan natin, ito kasing-“ Napahinto ‘yung driver sa pagpapaliwanag nung lumapit sa amin si Rafael. Tinignan niya ang likuran ng sasakyan nila tapos ay napailing na lang siya.
“Ano ba kasing nangyari?” Mausisa pero mahinahon niyang tanong sa amin.
“Pasensya na ho, Sir. Bigla ho kasing hindi gumana ang brake ng sasakyan ko.” Taranta at kinakabahang paliwanag ni Hannah sa kaniya.
“What?! Why are still using it?!”
“Having brake malfunction and still using it may cause more damage, it will be dangerous if you drive it again too.” Mahinahong sambit ni Rafael.
“Saan ba kayo papunta? Are you going somewhere?” Kunot noong tanong pa niya.
“Sa.. c-club po sana..” Halos pabulong na sagot ni Hannah sa kaniya.
“Uwi na lang tayo, teh.” Pabulong ko namang suhestyon sa tabi ni Hannah.
“Saang club?” Kunot noong tanong niya.
“Aurum Lounge.” Sagot ni Hannah. Kita ko ang bahagyang pagsinghap ni Rafael tapos ay napalingon siya sa buong paligid.
“Nice, do’n din ang punta ko eh. Sabay na kayo?” Nakangiting alok niya sa amin kaya nagkatinginan kami ni Hannah. Napaiwas ako ng tingin nung makita kong sa akin siya naka-focus. Damn! I hate being stared at.
“Iyong kotse niyo-“
“Don’t worry, about it, it can be fix later. Iwan niyo na ‘yung kotse mo here para maipadala sa repair shop.” Paniniguro at suhestyon pa niya sa amin.
Rafael look around but he look at me again and smiled at me. “Shall we?”