Rafael
I can’t help but to take a glimpse of Sierra who were seating at the back seat of my car with her friend Hannah while I was seating at the passenger seat. We were all silent the whole travel, no one bothered to speak even her friend.
“Kayo lang ba ang magn-night out?” Tanong ko sa kanila at basag ko sa katahimikang nababalot sa buong paligid.
Ilang segundo pa ang lumipas bago sila sumagot. “Supposedly no, kasama namin sana mga ibang naming friends pero nag cancel kaso sila last minute so kami na lang ang tumuloy.” Si Hannah ‘yung sumagot sa tanong ko habang si Sierra naman ay tahimik lang sa tabi niya.
“Oh, that’s.. a celebration for your graduation ba?” Magiliw na tanong ko pa pero mukhang pati si Hannah ay hindi din mapakali at pakiramdam ko eh hindi rin siya komportable sa mga tanong ko.
“Sorry..”
“For asking too much, I’m being too talkative at times. I just.. want to talk so you two don’t feel awkward while we are heading to where we are going.” Nakangiti pero nahihiyang sabi ko pa sa kanila kaya biglang nagbago ang mood nila.
“Na’ko! Hindi ah! Ako nga ‘yung dapat mag sorry kasi..”
“Hindi ko talaga sinasadya yo’n..”
“Iyong break malfunction kasi-“
“Hannah, Hannah..” I repeatedly called her name to calm her down because I can feel her nervous voice.
“It’s okay, wala naman masyadong damage sa sasakyan. Isa pa, it was dangerous not for us or for the car, but.. for both of you.” I said while my eyes were looking at Sierra in the side view mirror. She looked away and didn’t bother to speak.
Napailing ako at napangiti sa naging reaksyon niya, she look so cute. Damn! I couldn’t believe I would’ve crush on girl! I mean, yeah! It’s a normal thing but not for me?!
“Sir, nandito na po tayo.” Rinig kong sabi nung driver sa tabi ko. Dali dali na sanang baba sina Sierra pero naka-lock pa ‘yung pintuan sa backseat kaya binuksan ko yo’n tapos nauna akong bumaba para pagbuksan si Sisrra.
“Salamat, Sir..” Mahina at nahihiyang sambit nito sa akin.
“Rafael na lang, Sierra.” Nakangiting pagtatama ko sa kaniya. Tumango lang siya at ngumiti tapos ay hinila niya na ang kaibigan niya papasok sa loob ng bar at hindi na nila ako hinintay.
I took a deep sigh and shook my head. Sierra is so different from the others. It seems like she’s avoiding me.
“Kuya, mauna ka na. Give me the keys.” Baling ko do’n sa driver kaya bumaba siya at inabot sa akin ang susi.
Papasok na ako sa loob ng club nung makasalubong ko si Renzo, my friend and also Lance’s brother.
“Why took you so long?” Bungad na tanong nito sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa loob.
“Kanina ka pa ba?” Balik kong tanong sa kaniya.
“Yeah, everyone is waiting for you. I just get something in my car.” Sambit nito pero maloko siyang ngumiti.
“Get something?!” Sarkastiko at kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Oh, come! I’m not you!” Pagtatanggi pa niya. Tanging ingay ang sumalubong sa amin sa loob. Napahinto ako sa paglalakad nung mapansin ko sina Sierra sa di kalayuan na may hinahanap. “Is everyone there?” Baling kong tanong kay Renzo. Umiling siya at bumuntong hininga. “Nope, only me, Lance, Lara, and Kyle were there.” Nakangusong sambit niya habang tinitignan ang mga kaibigan namin sa vip area sa second floor.
“Do you think is it fine with them if others join us?” Mausisa kong tanong kay Renzo at saka ko nilingon muli sina Sierra.
Renzo laugh at me and shook his head. “May pino-pormahan ka na naman ano?” Sarkastiko at mapang asar na hirit niya sa akin. Umling ako at hindi ko siya sinagot sa halip ay hinabol ko sina Sierra.
“Sierra!” Tawag ko sa kaniya at saka ko siya hinila sa pulso kaya napahinto siya at napalingon sila sa akin.
“R-Rafael?” Gulat na sambit niya nung makita ako ulit na parang hindi kami nagkita kanina.
“If you guys are looking for tables. Ah, you can join us.” Nakangiting alok ko sa kanila kaya nagkatinginan si Hannah at Sierra na para bang nagdadalawang isip silang tanggapin ang alok ko.
“Okay lang-“
Kita ko na mabilis hinawakan ni Sierra si Hannah para pigilang magaalita tapos ay sumingit siya. “Hindi na, hinahanap lang namin ang mga friends namin.” Nakangiting pagtanggi niya pa sa akin.
“Teh?! Dalawa lang tayo, hindi papupunta sina Marie.” Dismayadong reaksyon ni Hannah tapos ay tinignan siya ng masama ni Sierra kaya naman namagitan na ako.
“Kalma guys, no worries if you don’t want to join us. But.. if you change your mind.. nasa taas lang kami sa may vip area.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
“Salamat sa pag alok, Rafael pero okay lang kasi talaga kami. At saka masyado na din kaming nakakaabala sa’yo ngayong gabi, ayaw na naming dagdagan pa yo’n.” Nahihiya at nag aalangang paliwanag ni Sierra sa akin tapos ay hinila niya papalayo ang kaibigan niya.
“Oh, rejected ka, dude.” Rinig kong pang aasar ni Renzo sa likuran ko nung makaalis sina Sierra kaya tinignan ko siya ng masama.
“No, I won’t let this night end without Sierra by my side.” Nakangisi at sarkastikong sabi ko sa kaniya tapos ay nauna na akong maglakad papunta sa table ng friends namin.
“Dumating ka pa, pre.” Sarkastikong salubong ni Kyle sa akin, hindi ko siya pinansin at naupo ako sa tabi ni Lance.
“Gago, badtrip na nga ‘yung tao, aasarin mo pa.” Rinig kong Sarkastikong sambit ni Renzo na kasunod ko lang din at naupo sa tabi ni Kyle.
Umiling si Kyle at natawa. “Bakit? Hulaan ko, babae yan noh?!” Pang aasar na sabi pa niya tapos ay nagtawanan sila. Hindi ko sila pinansin at kinuha ko ‘yung alak na nasa table para magsalin sa shot glass. Nilagok ko yo’n at hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa baba kung nasaan ang dance floor. I saw Hannah and Sieera.
“Rafael, sinong babae na naman yan ha?!” Sarkastikong tanong ni Lance sa tabi ko.
“Sierra, Sierra yata ang pangalan.” Si Renzo ang sumagot sa tanong ng kapatid niya tapos ay sabay silang humalakhak.
“Sierra? Si Miss author? She’s here?” Natatawa at gulat na tanong ni Lance sa amin.
“OMG! Babe, I wanna meet her.” Rinig ko namang komento ni Lara, girlfriend ni Lance.
“Don’t worry, si Rafael na bahala. Pustahan mamaya nasa table na natin yan.” Pang aasar at natatawang tukso pa ni Renzo sa akin.
“Gago, hinihingi nga ni Rafael number no’n, hindi niya binigay eh.” Tukso pa ni Lance sabay halkahak.
“Kanina, he’s inviting her here pero tumanggi din.” Dagdag pa ni Renzo. Napailing na lang ako. Hindi ko ba alam bakit ko naging kaibigan ang magkapatid na to, lalakas mang alaska eh.
“Mukhang mahihirapan ka diyan, pre.” Nakangising komento ni Kyle. I took a deep sigh and grabbed one of the bottle then stood up.
“Oh, saan ka pupunta?!” Gulat na tanong nila sa akin.
“Dance floor, the hell?! We’re here to party and enjoy.” Sarkastikong sambit ko sa kanila.
“Gago! Sabihin mo susundin mo lang si Miss author mo eh.” Sarkastiko at pang aasar na hirit pa ni Kyle sa akin.
I didn’t bother to say anything and left them. Maraming tao sa dance floor kaya pag lbaba ko ay napalingon ako sa buong paligid pero hindi ko nakita si Sierra doon. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa may malapit sa bar counter, nakita ko siyang mag isang umiinom ng alak kaya dali dali ko siyang nilapitan.
Magsasalin sana siya ng alak sa baso niya nung hinablot ko yo’n at nilagok ang alak na hawak hawak niya. Nakita ko ang gulat niya mung makita ako sa harapan niya.
“Ikaw na naman?!” Sarkastikong ngunit pabirong hirit nito nung makita ako sa harapan niya.
“Hi, Ms. Author?” Nakangising bati ko naman sa kaniya tapos ay muli kong nilapag ‘yung bote ng alak sa table.
“Alone? Where is Hannah?” Mausisa tanong ko sa kanila tapos ay ngumuso siya sa akin.
“Ayon oh, nagsasayaw sa dance floor.” Nakangusong turo niya sa kaibigan.
“Why you didn’t join here?” Kunot noong tanong ko pa at kita ko ang bahagya niyang pagsimangot.
“Wala.”
“Hindi lang ako komportable. Ganito pala dito noh? Maingay at halos hindi na ako makahinga sa siksikan ng tao.” Pagbabahagi pa niya ng nararamdaman niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. She looks like a child ranting to me.
“Hindi ka sanay?”
“Is this your first time going to a place like this?” Mausisa ko pang tanong sa kaniya kaya tumanggo siya at inagaw niya sa akin ang boteng hawak hawak ko.
“You can join us upstairs if you like.” Alok ko pang muli sa kaniya.
“Pero si Hannah, I need to look after her and-“
Umiling ako at bahagyang humalakhak. “Don’t worry about her, mukha namang sanay na siya aa ganitong lugar. Look at her, she’s enjoying.” Sarkastikong sambit ko kay Sierra habang pinagmamasdan namin ang kaibigan niyang masayang sumasayaw at nakikihalubilo do’n sa dance floor.
“Rafael, salamat. Pero kasi.. nakakahiya sa mga kaibigan mo kaya.. okay lang talaga. I will just drink here and look after Hannah.” Pagtanggi niya pang muli sa alok ko tapos ay lilipat sana siya ng table pero agad kong hinawakan at hinila ang mga kamay niya dahilan para matalisod siya sa sa dibdib ko.
“Oh, sorry.” I whispered to her ears.
“What’s wrong, Sierra? You keep on avoiding me. May nagawa ba akong mali o ano?” Mahina at pabulong na tanong ko sa tenga niya. Nung nagbaba ako ng tingin sa kaniya ay bakas sa mukha ang hiya at pagkataranta kaya dali dali niya akong tinulak papalayo at hinawi niya ang kamay ko.
“Wala, hindi naman sa gano’n-“
“Then go with me. Come on.” I gently convince her but she shook her head and refused then she walked away.
Ilang segundo akong natulalla dahil sa nangyari pero agad akong natauhan nung makita ko na may humarang na tatlong lalaki sa dinadaanan ni Sierra kaya naman agad akong tumakbo papalapit sa kaniya.
“Hi, Miss, anong pangalan mo?” Nakangisi at malokong sabi nung isa.
“Wala ka bang kasama? Puwede ka sa table namin.” Malokong sabi nung mga lalaki sa kaniya. Kita kong bahagyang napaatras si Sierra dahil sa takot kaya nung umatras siya ay agad ko siyang hinila sa likuran ko.
Nagulat ‘yung mga lalaki nung makita ako pero hindi sila nagpatinag. “Ako ang kasama niya, may problema ba mga pre?” Mariin at sarkastikong tanong ko sa kanila.
“Hindi ikaw ang tinatanong namin. Sino ka ba?!” Irita at maangas na tanong ng isa sa kanila.
“Boyfriend niya, bakit?”