HINDI na magkandaugaga si Sandra sa pagpilit sa kaibigang si Georgina na bumili ng bikini para sa birthday party ni Monique. Sa kadahilanang pool party iyon ay kailangan talaga nila ng maraming reserbang bikini. Habang atat na atat si Sandra ay gano'n na lamang ang pagkunot ng noo ni Georgina. Nakabusangot ito habang namimili si Sandra ng bikini sa isang botique dito malapit sa pinagtatrabahuhan nila. Ilang kanto lang ang layo nito sa opisina. "Sis, matagal pa ba? Nagugutom na ako, e," reklamo ni Georgina. "Ano? Hindi ka pa nga nakakapili, e. Makakaalis lang tayo rito kapag nakabili ka na ng bikini," nakangisi pang tugon ni Sandra habang nagpapatuloy sa pagtingin-tingin ng mga naka-hanget na paninda. "Sis, this is not really me. I don't wear bikini's! Gusto mo bang patayin ako ng Papsy

