Chapter 1
“Sinasabi ko talaga sa iyo, Georgina. Bawal ka munang magkaboypren anak ha? Baby ka pa namin at tsaka, ang pag-big, makakapaghintay iyan!”
Nakapamewang at duro-duro ng tatay ni George na si Georgi at pinagsasabihan ang kaniyang kaisa-isang anak. Nasa 50’s na ang ama nito subalit wala pa naman itong puting buhok,marahil ay hindi naman ganoon kapasaway si Georgina noong bata pa ito.
Kaka-hire lamang sa kanya sa in-applyan niyang Magazine Company dito sa Maynila. Hindi naman sa wala sila ritong tiwala subalit paalala lamang naman ito. Bata pa nga naman si Georgina. Dalagang dalawangpu't-limang taong gulang lang naman.
Mayroong morenang kutis si Georgina. Maninipis na labi, mahabang pilik-mata, maninipis at bagsak na itim na itim ang buhok. Hindi siya gaanong katangkaran at nasa 5’2” lamang ang tangkad nito subalit maganda siyang magdala ng damit kahit pinakasimple pa iyan. Sa madaling salita, napakagandang dalaga ni Georgina, lalo na kapag nag-ayos pa ito. Pero dahil wala siyang balak na pumasok muna sa relasyon dahil na rin sa araw-araw na bilin sa kanya ng kaniyang mamsy at papsy ay wala siyang panahon sa pagpapaganda para ma-impress ang mga kalalakihan.
“Papsy, naman! Twenty-five years old na ang dalaga ninyo. I can handle myself already." Naka-cross arms at nagmamaktol pa si Georgina.
“And one more thing, stop calling me Georgina, Papsy. George na lang po," dugtong pa nito.
“Huwag mo nga kaming ine-english diyan, Georgina. Ang magkamaling manligaw sa iyo ay padadaanin ko muna sa butas ng panty ko nang makita niya ang hinahanap niya," natatawang sabi ng kaniyang napaka pilyang ina habang pinapakita ang panty nitong kulay pink na may polka dots pa.
Kasalukuyan kasi silang nasa kwarto ng kaniyang mamsy at papsy at nagtutupi ng damit ang mamsy nito. Alas otso y’medya na rin naman ng gabi at huni na lamang ng mga kuliglig ang kanyang naririnig.
“Ang mabuti pa, anak, matulog ka na nang makapag handa ka na para sa unang araw mo sa trabaho bukas."
Niyakap na lamang siya ng kanyang mamsy. Alam na nito ang ibig sabihin ng kaniyang mainit na yakap. Ibig sabihin lamang nito ay nandito lamang sila para sa kanilang anak, kaisa-isang anak.
“Goodnight, anak, mabuti pa at lumabas ka na rito sa kwarto namin ng Mamsy mo at baka puwede ka pa naming sundan, alam mo na."
Natatawang kumindat ang Papsy nito sa kanya.
“Yak Mamsy at Papsy! Kadiri kayo! Singkwenta na kayo pareho, ano ba." Medyo nahihiya pa si Georgina na marinig iyon mula sa kanyang Papsy.
“Hindi ka naman mabiro, anak. O sige na nga at pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga." Napakamot na lamang sa ulo ang dalagang si Georgina sa kapilyahan ng mga magulang.
Sa isipan nito ay sinasabi niyang napakaswerte niya sa kanyang Mamsy at Papsy dahil pinalaki siya at sinuportahan hanggang sa edad nito ngayon at iyon ay napakalaking bagay na hindi lahat ay mayroon dahil kahit kailan ay hindi mo puwedeng piliin ang iyong pamilya. Kung sino ang kinamulatan mo ng mata mo ay 'yon na. Final na and there’s no turning back.
“Oras na para matulog, goodnight, crookie!” Niyakap ni George ang kaniyang palakang stuff toy na si Crookie.
Mahigit pitong taon na ito sa kanya. Regalo pa ito ng kaniyang kababata sa probinsya noong 18th birthday niya. Isang linggo, pagkatapos noon ay lumipat na sila sa syudad kaya't ilang taon na rin naman na hindi sila nagkikita ng kaibigan.
She turned on her alarm and closed her eyes.
“GEORGINA PALLEZ, welcome to the writing team!” Ito ang nakasulat sa whiteboard sa loob ng kuwartong pinasok ni Georgina.
Nagsipalakpakan ang iba pang mga staff writer sa loob ng opisina nang pumasok na siya. They all welcomed the newbie under the name of Georgina Pallez.
“Salamat po talaga sa oportunidad na ibinigay ninyo sa akin. I hope to get along with you, guys, well!” Nakangiti ang kaniyang mapupulang labi. Bagsak na bagsak ang matitingkad nitong buhok na sumasabay sa kaniyang bawat galaw. Isa-isang kinamayan siya ng kanyang mga kasama.
Isang babae lang sa pinakadulong mesa ang biglang humagalpak ng tawa na tila ba nasisiraan ito ng bait.
"And you think writing is easy to begin with just getting along with us first, huh? newbie?” sarkastikong sabi ng babae.
Nakasuot siya ng isang kulay abo na coat na may mamahaling mga butones. Hapit na hapit naman ang kanyang balakang sa kanyang kulay puting mini skirt at halos makita na ang bungad papunta sa kanyang bulaklak.
“Ah, hindi naman po sa ganoon, Ma'am. Ang akin lang naman po ay sana maging maayos ang pakikitungo natin sa isa’t-“ subalit hindi siya pinatapos magsalita ng babae sa halip ay sininghalan agad siya nito.
“Oh, please, shut it. Everyone, go back to your tables. We have no time for socialization." Malamig ang tono ng pananalita nito.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng kuwartong iyon. Nagbulungan naman ang iba pang mga writers sa loob. Mabigat man sa pakiramdam na iyon agad ang bubungad sa unang araw ng kanyang trabaho ay hindi niya na lamang ito ininda.
“Hey, newbie, these are the sample magazines of the previous months. Use this as a reference at kung puwede sana ay ikaw ang unang kumilos. Hindi iyong ako pa ang magbibigay sa iyo. What’s the use of your hands and feet? You’re really getting into my nerves!”
Bahagya nitong inihagis ang mga samples sa mesa ni Georgina na siyang naging dahilan kung bakit ito nagkanda hulog sa sahig. Hindi nakaimik ang dalaga at napatingin na lamang sa mga samples na nakakalat sa sahig. Pinipigilan nito ang luhang ano mang oras ay papatak na.
“Well, kaya mo na iyang pulutin isa-isa. I want your work done by tomorrow. If not, you can leave. I don’t have time training a dog in my team.” She flipped her hair in the air at nagtapon ng napakatalim na tingin kay Georgina, pagkatapos ay padabog siyang lumabas sa opisinang iyon.
Walang nagsalita at tahimik lamang ang lahat hanggang sa makalabas ito sa silid. Napahinga na lamang si George ng malalim.
“Kaya mo to, George. Habaan mo ang pasensya mo." Paulit-ulit na sabi nito sa sarili upang kahit papano ay mabawasan ang bigat niyang nararamdaman.
Nagsilapitan naman sa kanya ang iba pa niyang mga kasamahan.
“Uy, girl, okay ka lang ba? Ako nga pala si Sandra. Pasensya ka na, ganoon lang talaga si ma’am. Sobrang strikta noon, palibhasa ay walang nobyo sa edad niyang dalawangput-walo." May bahid ng concern ang tono ng isang babaeng lumapit sa kanya.
Napahagikhik ito sa ideyang wala pa nga talagang nobyo ang boss nila kaya siguro ganoon na lamang ito kasungit.
“Ano ka ba, wala lang 'to. Ayos lang ako." Pilit na lamang na ngumiti si Georgina sa isang kasamahan habang inumpisahang pulutin ang mga samples. Kahit papano naman ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
“Siya si Ma’am Monique. Unfortunately, Chief Editor siya ng team na napasukan mo—natin. Masungit talaga iyon. Hindi lang masungit —masama pa ang ugali. Sanay na kami riyan. Gawin mo na lang ang best mo. Impress her, para hindi ka niya mapag-initan. Ganiyan kasi talaga iyan sa mga newbie.” Mahabang pagpapaliwanag ni Sandra sa kanya habang tinutulungan itong pulutin ang mga nagkalat na sample magazine sa sahig.
“Thank you, ha. Sana makilala pa natin ang isa’t isa." Todo at totoong ngiti ang ibinigay ni Georgina kay Sandra. Pakiramdam niya ay makakasundo agad nito ang dalaga lalo pa't halos kasing edad lamang niya.
Buti na lang talaga at mayroon na siyang kakilala sa loob upang hindi na siya mahirapan sa pag-a-adjust.
“Sure! Just tell me when you need me," masayang tugon ni Sandra sa kanya at bumalik na nga ito sa kanyang gawain.
Isa na sa mga regular na staff writer si Sandra at medyo alam na rin nito ang pamamalakad sa loob ng writing department kaya’t malaking tulong talaga it okay Georgina na nag-uumpisa pa lamang sa kanyang karera.
TUMUNOG na ang bell at hudyat na ng breaktime. Sinuklay ni George ang mahaba niyang buhok at naglagay ng kaunting press powder sa kaniyang makinis at mamula-mulang pisngi. Naglapat rin siya ng lipstick sa mga maninipis nitong mga labi na sakto lamang para bumagay ito sa kanya.
“Hey, George. Let’s grab some snacks downstairs!” Pumapalakpak na yaya ni Sandra kay Georgina. Napakalapad ng ngiti nito at mukhang sabik na sabik na kumain.
“Sunod na lang ako, Sandra. Bukas na kasi ako hinihingan ni Ma’am Monique ng first output ko eh. Alam mo na, ayaw ko siyang magalit muli," medyo pursigidong tugon ni ng dalaga sa bagong kaibigang si Sandra.
Gusto man nitong mag-break subalit madami-dami pa nga itong dapat pag-aralan.
“H'wag mo naman masyadong galingan, sis, sayang iyang powder at lipstick mo. Ganito na lang, samahan mo na ako ngayong break time to grab some snacks. Kung gusto mo ilibre pa kita and then after this break, I’ll help you with that thing! I’m good with the basics." Masiglang sagot ni Sandra sa kaniya at para namang nabunutan ng tinik si Georgina sa narinig dahil pabor na pabor ito sa kanya.
Napakabait naman talaga ni Sandra. Siguro ay alam niya ang pakiramdam ng isang baguhan dahil una rin siyang nag simula sa mababa. Lumiwanag naman ang mukha ni Georgina dahil sa in-offer na tulong nito.
“Uy, grabe ka talaga. Ang bait mo! Salamat talaga, Sandra. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Sa sobrang kagalakan ay napayakap ito kay Sandra.
Sa apat na staffs sa opisina nila ay si Sandra lamang ang unang nag lakas ng loob na pakisamahan siya. Siguro ang iba ay nahihiya pa o marahil ay ayaw rin sa kaniya. Isa lamang iyan sa mga naglalaro sa kanyang utak ngayon.
“So, tara na?” Umakbay siya kay George at tumungo na agad sila sa baba.
Habang pababa sila ay masayang tino-tour naman ni Sandra si George sa iba’t-ibang department ng kumpanya. Dahil nga break time, busy ang lahat sa pagbili ng kani-kanilang snacks. Hindi nila maiwasang mapatingin sa dalawang dilag na naglalakad patungo sa cafeteria.
“OMG, Georgina! You just snatched the crowd’s attention! Nakakainggit ka," usal ni Sandra habang niyuyugyog ang balikat ni Georgina. Bahagya namang naguluhan ito.
“Huh? Ano ka ba, nakakahiya. Ayaw kong mag feeling. Normal lang iyan dahil bago ako. New face gan'on," tugon pa nito sa kanya.
“No, it’s different. Kakaiba kaya ang mga titig nila,” sagot naman ni Sandra na siya namang ayaw parin makumbinsi si George.
“Gutom lang iyan, Sis! Ikain mo na lang." Napailing si Georgina at bahagyang napangiti. Saglit nitong tiningnan ang ayos niya. Wala namang bago. Wala namang kaakit-akit sa kanya kung siya ang tatanungin.