A/N: Ma-ge-gets niyo ang ending kapag binasa ng maayos ang Chapter 39. [ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Marami ang nag-request, eh!" iritableng sigaw ko kay Onion. Si Sherlock naman ay tawa nang tawa habang pinapalo niya ang sofa namin. "Sus!" Humalakhak si Onion. "Kunwari ka pa! Ang sabihin mo, hindi ka pa maka-move-on kay Caleb kaya gumawa ka ng storya ng anak niyo!" Napabuga ako ng malalim na hininga. Pumikit ako at pinilit kong mawala sa mukha ko ang pagka-irita. Ang ganda pa naman ng buhok ko ngayon. Nagpa-kulay ulit ako ng itim. Hindi ko akalaing mas babagay pala sa akin ang itim na kulay kapag medyo maikli ang buhok ko, hindi tulad dati na hanggang baiwang ang haba nito. Dumilat ako at tumitig ng kalmado sa kanila. Nanatili silang nakangisi. "Katulad ng sinabi ko..." simula ko. "

