Chapter 06

1924 Words
[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Naaalala ko pa no'ng mga panahong malakas ang ulan. Mga buwan yata ng June iyon. Maraming nagla-labasang mga ipis galing sa kung saan-saang lugar. Tapos doon sa may gilid ng kama ko noon, may nag-chu-chukchakan na ipis. In-ignore ko, siyempre. Nakaka-awa naman kasi kapag pinigilan ko sila. Baka kasi strict ang parents nila. Hindi lang iyon. Meron pa, sa banyo. Sa tapat ng tiles, malapit sa bandang inidoro. Iyong lalaking ipis, mukhang desperado nang maka-score kay girlaloo na ipis. Hinahabol kasi siya no'ng male cockroach. Pero gano'n din ang ginawa ko, hindi ko sila pinigilan. Baka kasi mala-w*****d ang storya ng dal'wang ipis na iyon. s*****a 'yong lalaki sa s*x tapos si girlaloo naman, takot kay boy kasi baka saktan siya. Haha, gagu. Hindi lang dal'wang beses na may na-aktuhan akong mga ipises na nag-chu-chukchak. Kaya naman... Nilingon ko si Caleb at tinitigan ko siya ng matalim. "Hmm..." nakaka-lokong himig niya. "'Nyeta naman, Caleb! 'Wag kang puro ganiyan! Sagutin mo ang tanong ko! Kaloka ka!" inis na singhal ko. Naka-upo na kami parehas sa kama, magka-harap na kami pero panay ngisi niya lang sa akin. Masyado siyang pa-suspense! At ayoko ng suspense masyado. Umiinit ang ulo ko! At saka, curious ako kung birhen pa siya, eh, bakit ba? Marami na akong nasaksihang ipis na nagse-s*x at baka isa siya sa mga scandal na napanood ko. Jusko. Kinikilabutan ako. "What if my answer is yes?" mahina pero natatawang sagot niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya, pero iyan nga ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Napa-mura ako. Lahat ng mga natutulog na kaalamang nalalaman ko tungkol sa mga ipis ay biglang nag-labas-an. Nag-po-pollute na ang utak ko. Hinapas ko siya sa braso. "Kung gano'n, lumayas ka sa pamamahay ko. Hindi kami tumatanggap ng laspag na!" hiyaw ko muli. Humalakhak siya saka pabirong kinurot ang tagiliran ko. Agad ko ring tinampal ang kamay niya. No. Ayoko. Baka masapak ko na talaga siya niyan! Bwisit! He smiled mischievously, "Chill! I'm still virgin! Fresh and young!" natatawang dipensa niya naman bigla. Kinindatan niya ako, kaya naman mas lalong sumimangot ang mukha ko. Yes, he looked sexy right now. He's slowly transforming into a man. Because for him, mating season ngayon. Kailangan niyang magpa-"guwapo" sa babaeng gusto niyang maging mate. (Ipis siya, eh.) At alam niyo ba ang ibig sabihin no'n? He's horny and he wants s*x. (in a cockroach way. Lol.) Well, hindi niya lang siguro alam kung ano 'yong horny. Wala naman siguro siyang gagawing hindi maganda. "Wanna take my virginity, Anastasia?" biglang seryosong tanong niya. No. Mali ako. Mukhang alam niya ang kaniyang ginagawa at hindi ko iyon nagugustuhan. Sinimulan niyang tanggalin ang butones ng kaniyang pantalon habang tinataas-baba ang kilay niya. Aba, tarantado! Binaba niya ng tuluyan ang zipper no'n kaya naman muling naglaglag ang panga ko. Saan niya natutunan 'yan?! Tumayo ako saka ko siya hinambalos. Tawa siya nang tawa habang sinasalag ng braso niya ang kaniyang mukha. Hayup! "Lang'ya ka! Doon ka makipag-s*x sa pader! May butas din 'yon! O baka naman gusto mong putulin ko 'yang hard thing mo at isahog ko sa Pancit?! At saka, teka..." Napatigil ako. Wait, may napag-tanto kasi ako ngayon-ngayon lang. Tiningnan ko siya muli. "Teka hoy, saan ka natuto ng mga virgin-virgin na yan?" dire-diretsong tanong ko. Inirapan niya ako saka niya ako binelatan. Ang cute niya sanang tingnan pero inaasar niya kasi ako! "Secret bleeh!" sabi niya, sabay labas ulit ng kaniyang dila. Nabi-beastmode na hinila ko ang kaniyang tainga. "Aba, sumi-secret ka na ngayon sa amo mo?!" Napa-angat ng tingin ang mga mata niya sa akin. "Ahh! Ouch! Okay! Okay! Stop! Sasabihin ko na!" naiiyak na sigaw niya akin. Agad na tinanggal ko ang pagkaka-pingot sa tainga niya. Heh. Kala mo, ah. "My classmate told me about... you know..." nahihiyang sambit niya sabay himas sa namumula niyang tainga. Classmate? CLASSMATE?! Sino ro'n?! "Sinong classmate?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Marahan siyang umayos ng upo. Yumuko siya at kinagat ang kaniyang labi. "Jet. Sa English subject," mahinang sagot niya. Wait... Jet... Jet? As in, Jet Mariano na kasali sa volleyball team ng school namin? Napa-kurap ako ng ilang beses. Nalalapitan ni Ipis 'yon? As in, naka-kausap niya 'yong Jet na iyon? Iyong Jet na mukhang daga at sobrang cute? Napa-ngiwi ako at napa-kagat sa labi ko. Hindi ko kayang gulpihin 'yon. Basagulero kaya ang lalaking 'yon. Cute siya, oo. Pero 'wag kang magkaka-maling inisin siya dahil magu-goodbye Philippines ka. Puwera lang kung sexy at maganda ka. "Peymus ka na nga talaga," tanging nasabi ko. Napa-kamot siya sa kaniyang ulo saka mas lalong yumuko. Pero kalaunan ay bigla siyang nag-salita na hindi ko naman narinig. Para bang may iniisip na naman siya na kung ano. Mangha rin ako sa isang 'to, eh. Kung anu-ano ang naiisipan. "Can I ask you something?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumuha siya ng kumot sa gilid. Binuklat niya iyon at itinaklob sa uluhan ko. Nangunot ang aking noo. "Ano 'yon?" Tinitigan niya ako. Bigla siyang umiling at tumawa. "Why, Ana?" Ha? Pinagsasabi nito? Ikiniling ko ang ulo ko habang kunot ang aking noo. "Anong why?" "Bakit nandito ako?" tanong niya muli. Ha? I was just looking at him, clueless. Pero hindi nag'tagal ay nakuha ko ang pinu-punto niya. Napa-iling ako saka ko ginulo ang buhok niya. Tinatanong niya kung bakit daw siya nandito sa amin, eh, hindi naman namin siya ka-ano-ano. Nyork. "I am weird and stupid," he whispers. "And you're a cutie," dugtong ko sa sinabi niya saka ako ngumisi. Namula ang mga pisngi niya kaya naman agad siyang napa-yuko. "Really?" maliit na boses na tanong niya. "Yes, you're cute." Sobra. Sa sobrang cute mo parang ang sarap baliin ng hard thing mo. Ahekhek. Bigla ay nag-angat siya ng tingin sa akin. May naka-paskil na pag-aalala sa kaniyang mukha. "Uhmm... how about your mom and dad? I am sure they'll ge---" "Shut up," putol ko sa sasabihin niya. "What?" "I said, shut up. Hindi sila magagalit kapag si kuya na ang nagsabi. Gustong-gusto ka ni kuya rito kaya shut up ka na lang." Maliit ko siyang nginitian. "But..." Sakto namang may kumatok sa pinto kaya napatigil siya. Agad kaming napa-lingon doon sa pinto. Grabe naman maka-katok. Malamang si kuya yon. "Kapatid! Buksan niyo 'to! I nid yor hilp!" Bumangon ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama. Dumiretso ako sa pinto at agad iyong binuksan. Ano na naman kaya kailangan ni kuya sa akin? Akala ko ba matutulog na siya? Gabing-gabi na pero naisipan niya pa talagang guluhin kami. Bumusangot ako nang ma-buksan ko na ang pinto. "Oh?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya ng malawak. "May bisita ako. Lutuan mo naman kami, plis!" Nagpa-cute siya sa akin. Natawa ako sa hitsura niya. Ewan ko ba, madalas namang uma-akto ng "normal" ang kuya kong ito pero natatawa talaa ako kapag humihirit siya ng ganiyan. Pero... Bisita ng ganitong oras? Kunot-noo na lang akong tumango. Nag-please na si kuya, eh. Nakaka-konsensiya kung hindi ko pagbibigyan. "Pero wait, bakit ka muna nagpa-kalbo?" nagta-takha pa ring tanong ko habang naka-titig sa makintab niyang ulo. Alagang-alaga niya kasi ang buhok niya. Nakaka-pag-takhang nagkapa-kalbo siya. Lumikot ang kaniyang mga mata, pero sa hilatsa ng ukha niya, mukhang natatawa siya na ewan. "Ah, eh... naglayas ang buhok ko." Huh? Tsk, bahala na nga! Humarap ako kay Caleb. "Oy, Ton-Ton, luto lang ako, ah," paalam ko bago lumabas. Hmm... May stocks pa naman sa ref. Naka-pamalengke pa naman ako noong nagpadala si papa ng pera. Hindi rin naman kami malakas kumonsumo ng pagkain. "Sino 'yong bisita mo, kuya?" tanong ko sa kaniya nang maka-baba na kami. "Barkada ko. Hehe." Barkada? Ngayon lang siya nagdala ng barkada niya rito ng ganitong oras, ah? Ayaw niya kasi ng may magulo rito. Medyo kakaiba kumilos si kuya, pero malinis naman siya sa katawan at sa bahay-- pwera sa kuwarto niya--- Ayaw niyang nakaka-kita sa sahig ng kahit katiting na dumi-- pwera lang ulit sa kuwarto niya. Na-unang bumaba sa akin si kuya. At hayun iyong barkada niya kuno. Naka-upo sa sofa. Prente itong naka-sandal at nanonood ng TV. Basketball yata dahil na rin sa ingay nito na naririnig ko. "Brad, a kapatid ko nga pala. Kilala mo na siya, 'di ba?" pakilala sa akin ni kuya. Umangat ng tingin sa akin ang barkada niya kaya nakita ko ang mukha nito. Siya si--- Hala? Si Rod? Paanong... Bored niya akong tinitigan. Parang hindi na siya nagulat na nakita niya ako. Oo, malapit lang ang bahay ni Rod sa amin pero... Paano? "Barkada mo 'tong kapreng 'to?" mahina at halos pabulong na tanong ko kay kuya. Muli kong nilingon si Rod. Bored pa rin ang mukha niya. Well, biglang nabago ang expression niya nang may mapansin siya sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata niya bigla. Ah. Nasa likuran ko kasi si Caleb. "Antonio? What... the f**k?" gulat na sambit niya nang makita niya si Caleb sa likuran ko. Nagta-tanong ang mga mata niyang tumingin sa akin. Nagkibit balikat ako. I don't need to explain. Bahala na siyang mag-isip kung anong hinala niya. Tumayo siya at tinitigan si Caleb. Caleb just shrugged. Nilingon ko si kuya pero bigla siyang nawala. Ewan ko kung saan na naman sumuot iyon. Nabaling naman ang atensiyon ko kay ipis na inosenteng nakatingin kay Rod. Nagpalit na siya ng damit. T-shirt at pajama na may designs na Oggy and the Cockroaches. Ang cute naman dis boy. Hehe. Natawa na lang ako. "Bahala kayo riyan, drama niyo, eh, 'no?" naka-busangot na sambit ko at iniwan silang nagkaka-titigan sa isa't-isa. May sparks na 'yatang namumuo sa dalawa. Nagka-inlaban na 'yata. Okay lang, fan ako ng BL, support ko sila. **** "Masarap, brad?" tanong ni kuya habang ngumunguya. Midnight snack ang peg namin. Naka-bukas ang TV at nanonood kami ng basketball. Naka-pagluto na rin ako ng ulam. Adobo lang para mabilis lutuin. Specialty ko rin kasi 'yon. Pinaka-unang ulam na natutunan kong lutuin noong gradeschool pa lang ako. Bumusangot si Rod at umirap. "Hindi. Ang pangit ng lasa." Wow, ha? Eh, ba't kay Caleb siya naka-tingin? Mukha bang Adobo 'tong katabi ko? Aba't paki-explain nga! Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi ako umangal. Ayoko siyang awayin sa harapan ng kapatid ko. Saka nasa hapag-kainan kami. Pangit naman kung aawayin ko siya. Pero pangit ang lasa? Sa pagkaka-alam ko kasi, magaling akong mag-luto. Saka bakit nakalimang balik na siya sa kusina? Ano iyon? Trip niya lang? Nadinig ko ang pagtawa ni kuya. "Bwahaha. Ang pangit daw, kapatid," pang-aasar ng medyo adik-adik kong kuya. Umirap ako at hindi nalang kumibo. Maka-layas lang 'tong kapreng ito at talagang tatadtarin ko talaga ng katanungan 'tong si kuya! Sa tinagal-tagal kong kakilala si Rod, ngayon ko lang nalaman na mag-barkada pala sila. "Anong lasa?" iritadong tanong ko. Hindi ko na natiis ang mag-tanong kasi okay naman ang lasa, eh! Ngumisi siya sa 'kin saka sumagot. "Lasang basura." Putsa---ano?! Basura?! Lasang basura?! Nadinig ko ang pag-tawa ni Caleb na nasa tabi ko lang. "Hahaha." Si Caleb. "Weird..." natatawa pa ring sambit ni Caleb. Napa-baling ang paningin namin ni Rod kay Caleb na katabi ko. "What?" ani Rod. "Alam mo pala ang lasa ng basura? Hahaha. Ako nga na ipis, hindi ko alam ang lasa no'n, eh," sabi niya sabay tawa ng malakas. Dire-diretso mag-Tagalog ang gaga. Pero sa kabilang banda, bigla rin akong natawa. Oo nga 'no? Hahaha! Naiiling na nagpa-tuloy na lamang ako sa pag-kain. "Naka 3-points si Tobleron James!" sigaw ni kuya na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Napa-lingon kaming tatlo sa gawi niya. Tobleron James? ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD