Chapter 05

2197 Words
 [ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Ayoko ng ganito. Nabu-buwisit ako! Kung bakit ba naman kasi ganito ang hitsura ni Caleb? Para kasing hindi talaga siya tao. Pinag-ka-kaguluhan tuloy siya ng mga mahaharot rito sa school! Wala lang naman sa akin na pag-ka-guluhan siya, ang kaso, nada-damay ako ng bongga! Argh, buwisit! "Hello, Caleb!" sigaw ng isang engkanto. "Hi," bati pabalik ni Caleb. Yumuko siya at nahi-hiyang tumingin sa akin. Ayoko talaga ng ganito. Hindi naman puwede na siya lang ang palakarin ko nang mag-isa. Lagi kasi siyang nali-ligaw. Take note, PALAGI. "Ang gwapo mo talagaaaa!" "Uhh... Thanks," sagot niya muli roon sa pumuri sa kaniya sa gilid ng hallway. Ipinag-krus ko ang aking mga braso at naka-simangot na nag-patuloy sa pagla-lakad. Hindi lang kasi si Caleb ang pinag-ti-tinginan ngayon---pati ako! "Ang sarap mo!" sigaw pa ng isang hindot. "Eh?" "'Wag mo 'yon pansinin." Nata-tawang siniko ko si Caleb. Tiningnan niya ako na may halong pagta-taka. "Masarap daw ako," inosenteng bulong niya. Napa-iling muli ako saka ko inayos ang mga libro na bitbit ko. Medyo dumu-dulas na kasi. Oo nga pala, uwian na ngayon. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat, at siyempre kahit sino naman siguro ay paborito ang uwian. Isinukbit ni Caleb ang bag niya at gano'n din ako. Unti-unti nang kumu-konti ang mga estudyanteng nada-daanan namin. At isa pa, hindi pa rin ako maka-paniwala na famous agad itong kasama ko. May fans club agad ang walang'ya. At dahil inosenteng mongoloid 'tong si Caleb, wala siyang ka-alam-alam sa nangyayari sa paligid niya. Mga kababaihan talaga ngayon, eh, 'no? Maka-kita lang ng gwapo kahit utak-ipis ay talagang papatusin. "Let's go," sabi niya saka mabilis na lumakad. Tumango ako at agad na sumunod sa kaniya. Pagka-liko namin sa kabilang pasilyo ay wala nang katao-tao at medyo madilim na rin. Ang bilis nilang nawala. From students to ninja, real-quick. "Kamusta 'yong mga subjects mo? Anong ginawa sa 'yo ng mga kaklase mo?" tanong ko habang nagla-lakad kami ng tahimik. Ngumiwi siya at tumingin sa akin. Meron kasi siyang mga subjects na hindi niya ako kasama kaya naman hindi ko namo-monitor kung anong mga ka-weirdo-han ang ginagawa niya. "They keep on asking me about... you know, certain things." Natigilan ako. "Anong things?" "Uhh... brief size, about my d**k's size and colou--oh," Nag-angat siya ng tingin sa akin. "By the way, what is a d**k? Is that a pet or something?" Pet daw, ampupu. Pero put--tinanong sa kaniya ng mga kaklase niya 'yon?! Napa-busangot ako. Sasaksakin ko talaga ang mga pempem ng mga nambu-bully dito sa alaga ko. Teka, bully nga ba? Saka bakit nila itina-tanong kay Caleb ang mga bagay na 'yon? Mga bastusing bata! Ayokong mabahiran ng berde ang utak ng ipis na ito! "Hey, I'm asking you. What is a d**k?" Tinitigan ko ang mukha niya. Curious talaga siya. At base sa expression niya ay... hindi niya talaga alam ang tawag sa lawit niya! Napa-ngiwi na lamang ako. "Wala 'yon. Kapag tinanong ka ulit nila kung anong size ng d**k mo, sabihin mo, magagalit ako. Nagkaka-intindihan ba tayo?" Napa-isip muna siya, bago tuluyang ngumiti. "Yes, ma'am." "Very good, my friend." Napa-ngisi ako. Yumuko siya bigla at yumakap sa akin. Pabiro ko siyang sinapok kaya naman tatawa-tawa siyang lumayo sa akin. "Hey, wait for me," paalam niya. Mabilis siyang pumasok sa CR ng boys na katapat lang namin. Sumandal ako sa pader para hintayin sana siya pero bigla niyang nilitaw ang ulo niya sa uwang ng pinto kaya napa-kunot ang noo ko. "Ano?" "Baka may multo." 'Lah siya, oh? "'Pag may nakita kang multo, ipakita mo sa kaniya 'yang hard thing mo, aalis 'yon," pang-uuto ko sa kaniya. Tumango lang ang gaga saka agad na isinara ang pinto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Iilang ilaw na lang ang naka-bukas. Uso kasi rito sa mga estudyante na pag-trip-an ang mga ilaw kapag uwian na. Dinaig pa ang mga elementary. 'Nga pala, tinuruan ko na rin si Caleb na gumamit ng banyo. Baka kasi bigla siyang pumasok sa CR ng girls. Edi, na-r**e siya ng wala sa oras? Saka ang galing niya, ang bilis niyang matuto, tinuruan ko kasi siyang mag-sulat kagabi. Sa loob ng isang oras, natutunan niya kaagad from A-Z. Inabot kami ng ala-una y medya dahil tinuruan ko siyang mag-basa. Englisherong hindi marunong mag-basa. Pero atleast, natuto kaagad siya. Sabi niya kasi sa akin, pamilyar daw ng lahat ng itinu-turo ko sa kaniya. Bumuntong-hininga ako, ngunit agad ding nangunot ang noo ko nang may maamoy akong kakaiba. Amoy... usok. Hinanap ng paningin ko ang pinag-mumulan ng usok na 'yon. At napa-simangot ako nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto ng isang matangkad na lalaki. Naka-tago siya sa dilim. "Hoy! Bawal mag-drugs rito!" sita ko sa lalaki. Agad siyang napa-tigil sa paninigarilyo at agad na sumilip sa akin mula sa kaniyang puwesto. "What?! Naninigarilyo ako, oi!" sigaw niya sa akin pabalik. Nag-echo ang tinig niya sa paligid. Napa-ngisi ako. Siya nga. Si Rod Beriña. Hindi ko siya kaibigan. Ni minsan hindi kami nag-kasundo. Lagi kaming nagba-bangayan at hindi ko alam kung bakit. Mag-kapitbahay kami noong maliliit pa kami. Simula noon ay lagi na talaga kaming nagsu-suntukan, nagsi-sigawan at nagmu-murahan. "What the f**k?" inis na mura niya. Lumabas siya mula sa dilim at hayun, lumi-liwanag tuloy ang hallway dahil sa balat niyang maputi. "Anong what the f**k?" tanong ko. "Ikaw ba 'yan, Dimakatarungan?" iritadong tanong niya saka bumuga ng usok. At dahil hindi ako maka-tarungan, nginisihan ko siya ng nakaka-loko. Nanatili akong naka-sandal sa puwesto ko habang tinititigan ko siya. Narito siya sa building naming, which is, napaka-layo sa kanila. What is he doing here? "Miss mo na ako, par?" parang bata na pang-aasar ko. Nag-igting ang panga niya. Itinapon niya ang sigarilyo sa sahig saka niya 'yon tinapakan. "Gusto mong mapuruhan, ha?" Napa-ismid na lamang ako. Kahit masarap siyang asarin ay nata-takot na ako kapag lumi-linya na siya ng ganiyan. Ilang beses ko na kasing na-saksihang nam-bugbog siya ng babae. He's a trash when it comes to women. May nanay at mga kapatid siyang babae pero trip niyang manakit ng mga babae—emotionally, kadalasan. Tumikhim siya. Namalayan ko nalang na malapit na pala siya sa puwesto ko. "By the way, kumusta na kayo ni Jepoy?" Tumabi siya sa akin at sumandal din sa pader. Sabi na nga ba, ita-tanong niya ito. Kaya siguro siya nag-ta-tago sa dilim kanina para tiyempu-han akong kausapin. At talagang sinadya niya pa ang building naming para lang abangan ako? Tiningnan ko ang mga sapatos ko. "Ewan ko sa kaniya. Hindi niya na nga ako pinapansin, eh." "Limang taong pagkakaibigan 'yon, Ana," aniya. "So, gano'n na lang 'yon? Hindi ko naman siya maka-usap ng tungkol sa 'yo kasi baka bangasan ako no'n. Ano ba kasing dahilan kung bakit kayo nagka-galit?" Nagkibit-balikat lamang ako para tapusin na ang topic namin. Sakto namang lumabas sa banyo si Ipis. "Ah... Ana?" kunot-noong tawag sa 'kin ni Caleb. Nilapitan niya ako at saka niya tiningnan si Rod. Nag-titig-an sila. Tapos hayun, biglang ngumisi 'yong si Rod. "So, ikaw ang bago ni Ana, ha?" Ni-lingon ko si Rod at tinitigan ng masama. Pero hindi niya ako pinansin. "Who are you?" tanong ni ipis. Napa-titig ako kay Caleb. Seryoso ang mukha niya. At nang ilipat ko 'yong paningin ko kay Rod, bigla akong nag-taka dahil biglang kumunot ang noo niya na para bang nagta-takha siya. Hindi niya pinansin 'yong tanong ni Caleb. "Wait, you look... familiar," biglang sambit ni Rod. Nanlaki bigla ang mga mata niya at bahagyang napa-nganga. Huwat? "AC? AC Amberson?" tanong niya bigla. AC? Sinong AC? Nasisiraan na ba 'to? "s**t, dude. You're freaking me out!" ngiwing asik niya saka mabilis na nag-walk out. Sumigaw ako. "Hoy! Sinong AC?!" Humarap siya muli sa amin. "AC Amberson is dead. And guess what? Kamukhang-kamukha niya 'yang lalaki mo." Kamukha? Itong lalaki ko? "Sino ba kasi 'yong AC na 'yon?" tanong ko. Tumalikod si Rod at akmang aalis na sana siya nang bigla siyang nag-salita. "He's my dad's boss. Sa kaniya nag-ta-trabaho noon ang papa ko." Then dire-diretso na siyang nawala sa paningin namin. Ha? Napa-tingin kami ni Caleb sa isa't-isa. "Mas takas pa yata sa mental 'yon kesa sa 'yo, eh," sambit ko saka tinapik siya sa braso. Nag-kibit-balikat lang siya. Pero AC, tapos Antonio Caleb naman itong kasama ko. Hm... It must be a big coincidence. Well... ***** "I hate water! I hate it! I hate it!" paulit-ulit na sambit ni Caleb. Malakas ang ulan at talaga namang basang-basa na kami. Sheteng ulan naman kasi 'to! Kung bakit ba naman kasi hindi niya muna kami pina-uwi! "Damn it!" sigaw ni Caleb nang mas lalong lumakas ang ulan. Hinampas ko siya sa braso. "Why?!" inis na sigaw niya muli. Aba, ayos 'to, ah? Sigawan daw ba ako?! Tinitigan ko siya ng matalim habang hawak-hawak ko ang isang payong kung saan kami nagsi-siksikan. "ANG INGAY MO! Nasa tapat na na'tin ang bahay, oh!" sigaw ko sa kaniya saka inirapan siya. Natigilan siya at napa-tingin sa kaniyang harapan, "Oh." In-ismid-an ko siya saka ko binuksan ang gate namin. Pa-takbo kaming pumasok sa loob dahil mas lalo pang lumalakas ang ulan. Naabutan kong naglu-luto ang pinaka-ma-mahal kong kuya ng itlog. "Pota! Pati ba naman bayag ng manok, eh, tuma-talsik pag pini-prito?!" inis na sigaw ni kuya. Na-tawa kami sa hitsura niya. Naka-goggles siya tapos ay naka-suot din siya ng armor na costume niya rati no'ng high school siya. Wahaha! Potek! But wait... bakit kalbo na si kuya? Nasaan na ang buhok na ina-alagaan niya? Bakit ang kintab ng ulo niya?! 'Di bale na, mamaya ko na lang siya tatanungin. "Aakyat na muna kami," nata-tawang paalam ko saka kami umakyat sa kwarto ko. Grabe, basang-basa kami! Pabago-bago naman kasi ang klima sa Pilipinas. Kaninang umaga, sobrang init, tapos ngayon namang gabi na, bigla-biglang bubuhos ang malakas na ulan. Argh. Nauna akong pumasok sa kuwarto ko. Lumingon ako kay ipis at halos mai-buga ko ang lahat ng kinain ko simula kaninang umaga nang makita kong naka-titig siya sa 'kin ng malalim. Jusko. Bakit kasi ganito kaguwapo ang lalaking 'to? Kung titingnan, nakaka-takot ang mga mata niya. Parang laging nay bina-balak na hindi maganda--I mean, sa sexy-ng paraan. His eyes are the real big deal here. Nakaka-akit titigan. "It's mating season," namamaos na bulong niya. Pero mukhang sa sarili niya iyon mismo binulong. Na-tameme ako sa katotohanang ang sexy ng boses niya ngayon. Teka, mating season? As in, kung saan nag-chuchugchugan ang mga ipis para maka-buo ng junakids? Naalala ko bigla iyong na-search ko sa Google; The male raises his wings and tegmina when courting the female, and exposes his tergum. The female responds to a pheromone (seducin), produced in the male's abdomen, and mounts and palpates or "feeds" on his tergum. The male initially courts without stridulating, and if the female is receptive, mating will occur quickly. Napa-kamot ako. "Hehe ganern ba?" Itinagilid niya ang kaniyang ulo ng kaunti, saka sumilay ang maka-laglag-panty na ngisi sa mga labi niya. Isa siyang tukso! "Yeah. Is there a mating season for humans, too? If there is, then what month is it?" curious na tanong niya. Masyado naman ang kuryosidad ng lalaking 'to! Hmm... Mating season? Che. Walang gano'n sa mga tao. Kung kailan nila ma-tripang gumawa ng baby, saka lang sila makikipag-chukchak. "Walang gano'n dito. Lols. Anytime, anywhere ka pwede makipag-- nakaka-loka ka namang ipis ka!" hiyaw ko nang inisa-isa niyang tanggalin ang butones ng polo niya. Napataas ang kilay niyang maganda ang pagkaka-hulma. "What? My clothes are wet," simpleng sagot niya sa akin at nag-kibit-balikat. Err. Umiwas ng tingin sa kaniya ang malandi kong mga mata. Buwisit na lalaking ito. Wala siyang kamalay-malay sa ginagawa niya sa 'kin! Pinalalabas niya ng kalandian kong taglay! Tinignan ko na lang ang sarili ko para kunwari ay abala ako. Basang-basa ang manggas ng uniform ko saka 'yong palda ko--- Napa-tigil ako nang may mala-lakas na braso ang pumulupot sa likuran ko. "I need warmth." Ramdam ko ang pag-ngiti niya. Hinayaan ko siya. Hindi niya naman alam ang ginagawa niya, 'di ba? "Ipis ka, 'di ba?" "Yes." "Nasaan na ang mga magulang mo?" "They're dead." Ha?! Shet, ngayon ko lang kasi naka-usap ng matino 'to, eh. Nag-taasan ang balahibo ko ng lumapat ang labi niya sa balat ko. Umiling lamang ako para libangin ang sarili ko. Humarap ako sa kaniya ng kaunti. "Bakit sila namatay?" Naging malungkot ang kaniyang tinig. "Someone sprayed Baygon to us. And... I'm the only one who survived. That is the reason why I hate humans. But I can't blame them though. There is a language barrier between our kinds... So..." Oh... Galit siya sa hoomans. Okeh, condolences. "Eh, may tanong pa ako..." Teka, kaya ko bang i-tanong 'to? Medyo sensitibo kasi, eh? Ay, ewan, bahala na nga. "What is it?" Napa-lunok ako saka napa-tawa ng pagak. "Nakipag-s*x ka na ba sa kapwa mo ipis?" namu-mutlang tanong ko. Agad akong napa-iwas sa kaniya ng tingin. Ay, depota, kung oo ang sagot niya ay talagang hihimatayin ako sa sindak! "Hmm..." Alam kong naka-ngisi na siya ngayon kahit na bahagyang naka-talikod ako sa kaniya. Iniisip ko lang na bina-bayo niya 'yong kapwa niya ipis ay talagang... eww! Tapos umuungol sila ng 'paster, cockroachyy! Paster!' Shet. Kadiri. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD