[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN]
Paano na 'yan? Baka gawan niya na talaga ako ng hindi maganda. Paano ako makaka-sigaw kung tatakpan niya ang bibig ko-hindi puwede!
Echos lang. Feelingera lang talaga ako.
"Anastasia?" tawag niya sa akin.
Pinag-pawisan ako ng malamig dahil sa kaba. Ayokong manakit ng tao dahil natural akong mabuting human being. Naks.
Napa-ngiwi ako nang maramdaman ko ang pawis kong tumutulo sa gilid ng aking mukha.
Tapos shet na mainit, sobrang lapit niya pa. Nasa harapan ko na ang matipunong dibdib niya. 'Yong dibdib niyang ang kyot-kyot. May umbok kasi.
Bigla akong na-conscious. Buti pa ang kaniya, may umbok. Sa akin, wala.
Napa-iling ako ng ilang beses. Teka, natutukso ako.
"Lumayo ka nga!" taas-kilay na sigaw ko sabay tulak sa-ehem, dibdib niya.
Naks naman, Ana, ang galing mong um-acting!
Ngumisi lang siya tapos marahan niyang hinablot sa akin ang damit na kanina ko pa hawak.
"Uhmm... How?" inosenteng tanong niya.
Sumimangot ako. Pati ba naman 'yan, eh, ituturo ko pa sa kaniya? Utang na loob naman, oh!
Asar na inirapan ko siya.
"Kainin mo." Salubong na ang mga kilay ko at nawala na ako sa mood na makipag-usap ng matino sa kaniya.
Tumango-tango ang gaga. "Okay."
Wait, what?
Itinapat niya ang brief sa kaniyang bunganga saka siya malawak na ngumanga.
Hala ka riyan! Kakainin niya nga!
"HOY! JOKE LANG!"
****
"Ang weird niya..." bulong ni kuya sa akin.
Umungos ako dahil sa sinabi niya.
Sows, nag-salita ang hindi weird.
Kanina pa kami naka-sandal sa lababo habang tini-titig-an namin ang lalaking naka-upo sa hapag-kainan namin.
Titig na titig siya sa kanin na naka-lagay sa ibabaw ng lamesa. Maya maya ay bigla siyang kumuha ng isang butil at pa-simpleng kinain 'yon.
Para talaga siyang ipis. Utak-ipis at kilos-ipis. Kanina nga ay tumalon siya sa hagdan. Kala niya siguro ay makakalipad siya. Ang nangyari? Ayon. Iyak ang bobo. Pinapanindigan niya kasi sa amin na ipis daw siya. Gago.
Pero hindi, imposible talaga, eh! Ang laki niya namang ipis kung gano'n!
Isang malaking pala-isipan din sa akin kung saan siya nanggaling. Sigurado akong hindi siya sa bintana dumaan. Hindi rin siya makaka-daan sa pinto namin dahil sigurado akong naka-lock iyon. Ni wala ngang bahid ang bahay namin na may ibang "tao" ang pumasok, eh. Bigla nalang siyang lumitaw.
Mahirap man aminin, pero parang naniniwala na rin talaga akong ipis siya. Which is, bullshit. There's no such thing as cockroaches turned into humans or other effing insects. Maybe he has mental issues.
"Oi," tawag ko sa kaniya.
Mabilis siyang humarap sa akin habang ngumu-nguya. Parang ako ang nahi-hirapan sa kaniya. Pa-isa-isang butil, eh.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hmm?"
"48 hours ka na rito sa bahay ko at 48 hours mo na ring pina-pasakit ang ulo ko, pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagpa-pakilala. Ano bang pangalan mo?"
Inirapan ako bigla ng lalaki. Ngunit hindi rin nag-tagal ay nag-salita siya, "My name is..."
"Antonio?" biglang singit ni kuya sa usapan namin. Napalingon kami sa kaniya. Yak, nangungulangot! Binilog-bilog niya muna ang nakuha niyang cake sa kaniyang ilong bago niya iyon ipinahid sa gilid ng sinasandalan niya. Yuck!
"How did you know my name?" tanong niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
Antonio...
'Yong sikat na ipis sa Peysbuk. Ang pogi kaya no'n. Sarap nga gawing boypren no'n, eh. Ang dami pang abs.
Binulungan ko si kuya na nasa tabi ko. "Paano mo nalaman na Antonio ang pangalan niyan?" takhang tanong ko. Nangunot ang noo ni kuya saka siya nagkibit-balikat.
"Amoy ipis, eh."
Wow... literal na ipis pala ang iniisip niya. Kung sabagay, tumama siya ro'n, ah?
Napa-iling na lamang ako. Kung ano-anong kalokohan ang nalalaman ni kuya----
"I'm Antonio Caleb," sambit muli ni... Antonio Caleb saka pati pangalan niya... bagay na bagay sa kaniya. Lalaking-lalaki. Pang macho.
Bumalik siya sa pag-titig sa kanin. Pa-simple siyang kumuha muli ng isang butil ng kanin saka niya iyon muling sinubo at nginuya.
My goodness... Para siyang ipis na nagnanakaw ng pagkain sa lamesa. Mukhang tuwang-tuwa rin siya dahil hindi ko siya pina-pa-galit-an. Kanina kasi ay nag-paalam siya sa akin. Gusto niya raw ng kanin. Panay nga ang tingin niya sa kaldero namin kanina.
Lumingon ako kay kuya na nando'n na pala sa pinto habang nagka-kamot siya ng pwet. Lumapit ako kay Caleb at umupo sa tabi niya. Inurong ko ang upuan tapos humalumbaba ako sa lamesa para makita ko nang klaro ang kaniyang mukha.
Ang inosente. Oo, mukha siyang f**k boy pero halata talaga sa kaniya na inosente siya.
Tumikhim ako. "Ipis ka ba talaga?" naa-awkward na tanong ko.
Like, duh? Sinong may matinong utak ang sasabihin na isa siyang ipis? Sa dinarami-rami ng insekto, eh, ipis pa?! Pwede namang butterfly, 'di ba? Masagwa, pero at least, hindi masyadong weird? Uh..
"Yeah," simpleng sagot niya sa tanong ko. Sakto ring may dumaan na ipis sa lamesa namin.
Napa-ngiwi ako.
Eww.
Paniguradong galing sa kuwarto ni kuya ang ipis na 'to. Parang smokey mountain kasi ang silid no'n! Hindi rin uso sa kaniya ang salitang "paglilinis."
Agad na kinuha ko ang isang tsinelas na suot ko. Hahampasin ko na sana 'yong ipis ngunit biglang ngumiti si Caleb.
Tinabig niya ang kamay ko para pigilan ako sa bina-balak ko.
"What's up, Roachy?" mahinang tawag niya ro'n sa ipis na nagla-lakad. Nako, nahihibang na talaga siy---
Hala, putcha!
Naloka ako nang biglang tumayo 'yong ipis sa harapan namin! Napa-nganga ako at hindi makapaniwalang napa-titig sa maliit na nilalang na naka-tayo sa harapan ko.
Shet! May ipis na ba na nati-train ngayon?! Parang German Shepherd?!
"Really?" mahinang bulong ng katabi ko. Tumatawa-tawa pa siya na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ng nilalang sa harapan namin.
Pero shet! Hindi na normal 'to! Parang pet niya lang 'yong ipis, eh! Kapag kina-kausap niya ito ay parang nakikinig pa ito sa kaniya!
Hindi nag-tagal ay muling nag-lakad 'yong ipis palayo sa amin, pero bago pa siya maka-layo ay binigyan muna ni Caleb ng isang pirasong kanin 'yong ipis.
Wtf!
"A-ano raw sabi no'ng ipis?" naka-ngangang tanong ko.
Mahinang tumawa si Caleb. Humarap siya sa akin at ngumiti. Medyo nawala ang mga mata niya, dahil sa pag-ngiti niyang iyon.
Chinito? No. Hindi siya mukhang chinito. Kung titingnan kasi, mukha siyang may lahing Amerikano. Sa height niya pa lang, mapag-ha-halataan nang may lahi siya.
"Ang gwapo ko raw."
Ang sarap talaga sa tainga ng pronunciation niya ng Tagalog words.
Napa-lunok na lamang ako ng laway saka ko kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa.
Magla-laro na lang ako para hindi na ako masyado ma-wirduhan sa kaniya. He is not a cockroach, damn it. I'm being skeptical here. Alam ko at nababasa kong wala siyang gagawing hindi maganda, but this ain't normal, you know!
Binuksan ko ang laro sa cellphone ko na Cockroach Smasher para malibang ako. Ito 'yung laro na may mga ipis na duma-daan sa screen mo tapos papatayin mo sila sa pamamagitan ng pag-i-smash sa kanila.
Wala pang isang minuto ang pagla-laro ko nang magsisisigaw bigla si Caleb sa gilid ko. Nakiki-nood na pala siya.
"Why did you kill them?!" naiiyak na sigaw niya habang naka-titig sa screen ng cellphone ko.
Nando'n kasi sa screen guma-gapang ang mga ipis na pina-patay ko kanina.
Napa-tanga ako sa kawalan.
Tumayo ako at naba-baliw na lumapit sa pinto kung saan naka-tayo ang kuya ko.
Ayoko na... Suko na ako... Jusko. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Literal na utak-ipis na talaga siya!
"So just turn down the door, and close the lights! Ooohh! Tiklop it por me, por me, por me, por me, now na gerl! Versace on the flour!"
Biglang bumirit ng malakas si kuya habang naka-tayo siya sa harapan ng nakabukas naming pinto. Nag-takbu-han tuloy 'yong mga taong duma-daan sa harapan ng gate namin dahil sa gulat.
Versace on the flour daw sabi ng kuya ko. Kailan pa naging harina ang sahig?
Tapos just turn down the DOOR and close the LIGHTS daw.
Baliktad yata?
Tuluya nang gumuho ang mga pangarap ko.
Suko na ako...
Ayoko na!
May sapi ang mga kasama ko!
****
TOK TOK!
Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig ng kwarto ko. Kanina pa ako nandito dahil ang dami kong iniisip. Ngunit sa pagkaka-taong ito, hindi na nakaka-depress na mga bagay ang iniisip ko.
Naka-simangot kong binuksan ang pinto.
"Ano na naman ba, kuya?" tanong ko nang tumambad sa 'king harapan ang naka--ngisi kong kuya. Nakangisi siya na para bang papatay siya ng tao.
"Kilala mo 'yong nag-comment sa f*******: ko?" Kinabahan ako nang mas lumawak pa ang ngisi niya. Jusko, nakaka-takot talaga siya! Para talaga siyang papatay ngayon!
Pero teka? Ano raw? Comment na ano?
"Anong comment?"
"'Ngina, do'n sa profile pic ko na kasama ko si Antonio! Mas utak ipis pa raw ako kesa do'n sa shota mong may tililing," nang-gi-gigil na sambit niya saka itinapat sa mukha ko ang cellphone niyang basag.
Nagpalit kasi siya ng profile picture na may caption na; J3j3j3 b0nDiNg w/ IpIszx.
Nakita ko 'yong isang comment.
'Hahaha! Mas utak-ipis pa kuya ni Ana kesa sa kasama niyang lalaki,'
Napa-takip ako sa bunganga ko para pigilin ang tawa ko. Isa sa mga kaklase ko ang nag-komento. Haha!
Kinuha ulit ni kuya 'yong cellphone niya saka naka-ngising inilagay 'yon sa bulsa niya.
"May nag-sabi rin na tukmol daw ako."
Napa-sandal ako sa pader habang kagat-kagat ng mariin ang ibabang labi ko. Gusto ko mang tumawa ay 'di ko magawa, baka mamaya, eh, ako ang saksakin nito, eh.
Kawawa naman itong kuya ko. Nakaka-ranas na ng Cyberbullying. Hahaha.
Nag-simulang mag-lakad si kuya palayo sa akin. Humakbang siya pababa ng hagdan habang huma-halakhak.
Maya maya ay sumunod ako kay kuya. Wala akong na-datnan na Judiel (pangalan ng kuya ko) sa ibaba kaya naman, ini-libot ko ang paningin ko sa buong sala para hanapin siya.
At halos maloka na naman ako nang makita kong kina-kagat ni Caleb ang remote ng TV namin!
"What is this hard thing?" tanong niya sa kaniyang sarili habang naka-upo siya sa sahig. Jusme, hard thing na naman!
Ang hilig niya sa matitigas, ah.
Lol.
Mabilis akong lumapit sa kaniya. Napa-tingala naman siya sa akin nang mapansin niyang nasa harapan ko na siya.
"What is this?" inosenteng tanong niya.
Napa-buntong hininga ako at kinuha ang remote sa kamay niya. Umupo ako sa tabi niya saka ko pinindot ang red button ng remote kaya bumukas ang TV. Agad akong nag-punta sa YouTube at nag-play ng kahit anong video na nasa Newsfeed.
I've been watching you
For some time
Can't stop staring
At those oceans eyes
Burning cities
And palm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyes
Napa-ngisi ako nang mag-play ang music video na Ocean Eyes ni Billie Eilish. Ang ganda no'ng kanta, ang sarap sa tenga. Hindi ako mahilig sa ganiyang genre pero ang kyot-kyot kasi talaga no'ng kanta.
"What is that?" Itinuro niya ang screen ng TV.
Napa-titig ako sa kaniyang mukha. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko pa rin siya pina-paalis sa bahay namin. Alam kong pangit tingnan lalo na't hindi ko siya kilala... pero kasi...
Si kuya rin ay ayaw siyang paalisin. Nag-usap kasi kami kanina ni kuya at pinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari. Kahit medyo may toyo iyon sa utak ay maka-kausap naman siya ng matino. At hayun nga, ayaw niyang dalhin namin si Caleb sa barangay o sa pulis para sana malaman namin kung sino talaga siya.
Malay mo may kamag-anak pala siya na nagha-hanap sa kaniya, 'di ba?
Pero... mas ayaw ko ring paalisin siya. Meron kasing something sa kaniya na hindi ko mawari. Parang may something akong nakikita sa kaniya.
No fair
You really know how to make me cry
When you gimme those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes
"Is that your favorite song?" tanong muli ni Caleb.
Hindi ako sumagot sa kaniya kaya yumuko siya sa 'king gawi at inulit ang tanong niya sa tapat ng tainga ko. Tumama ang mainit na hininga niya sa balat ko.
Hindi mabaho ang hininga niya, ah.
Amoy mint.
Mint...
Teka, oo nga pala, tinuruan siyang mag-toothbrush ni kuya kanina. Oo, close na sila, bwiset.
Mahina akong natawa. "Ah, medyo gusto ko. Hip-Hop ang genre ng mga gusto kong kanta, eh."
Tumango lamang siya tapos ay bigla siyang yumuko pa lalo sa gawi ko.
Na-ngunot ang noo ko.
Anong ginagawa ng isang ito?
Ngunit nagsi-tayuan ang balahibo ko nang maramandaman kong bigla niyang pinisil ang kaliwang dede ko. Pinindot-pindot niya pa 'yon na para bang na-wi-wirduhan siya roon.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng katinuan. Napanganga ako at natulala sa katotohanang pinipisil niya ang dede ko.
"What is this soft thing? It's so small," kunot-noong itinapat niya pa ang mukha niya sa dibdib ko para titigan ang bagay na pinipisil niya.
Unti-unting na-i-yukom ko ang aking mga palad.
Hanggang sa nasapak ko s'ya sa panga. Tumalipon siya sa sahig. Agad din siyang bumangon at naiiyak na tiningnan ako habang hawak-hawak niya ang kaniyang panga. May nakapaskil din na pagta-taka sa mukha niya.
Walang hiyang ito! Nakiki-pisil na nga lang, nag-reklamo pa!
****