Matthew's P.O.V. Yong mukha ko ngayon ay di maipinta. Ang sakit pa rin kasi ng pwet ko sa pagkakahagis ni Hyung sa akin. Sabi kong paki-swing total bitbit niya naman ako eh hinagis ako palabas ng restaurant. Kaya ang kinalabasan ay ang pwet ko ang unang naglanding sa semento. Kung kailan enjoy na enjoy ako sa pagbitbit niya sa akin eh. Ang brutal nga naman. Kaya hito ako ngayon sa kotse ni Hyung hilot ng hilot sa pwetan ko. Namamaga ata. "Matt, Call Lee and ask him where is he." Tingnan niyo?! Kung makapag-utos ang gurang na to ay wagas! "Ayaw! Tampo ako sayo." Nakangusong sabi ko kay Hyung sabay iwas dito ng tingin. Tiningnan ko lang ang mga ilaw na nadadaan namin. "Problema mo Matt?" Nakatingin pa rin sa daang tanong ni Hyung sa akin. Yan! Mag-concentrate ka. Ayaw ko pang mamatay

