Sebastian's P.O.V. Na-miss ko na sila. Nakakabakla mang pakinggan pero totoo yon. Namimiss ko na ang Black Skull. Yong kulitan ng dalawa, Si Jared at Lee. Yong mukha ni Matt na ang dungis dahil sa kakain ng chocolates. Yong short-tempered at masungit naming leader. Yong bawat paglabas niya ng b***l para patahimikin ang tatlo. Yong pagbabangayan ni Lee at Jared kung sino ang ma's gwapo. Yong pang-aasar ni Lee kay Matt sa pamamagitan ng pang-aagaw ni Lee ng chocolate nito. Lahat-lahat namimiss ko. Pero tangna! Ang hirap lalo mamili. Tinuring ko na silang kapatid. Nangako akong kahit anong mangyare ay hindi ako aalis sa tabi nila. Na hindi ko sila kailanman magagawang traydorin. Hawak ng dad ko ang buhay ng pamilya ko. Pinagbantaan niya akong papuputukin niya ang ulo ni mom. Pupulbusin

