How i met you
It's summer break and I'm just laying on my bed, i was so bored to even install this dating app called tantan. my best friend Rochelle suggested it to me. i still remember what she told me,
"Anu ba bes, ang tanda na natin NBSB ka parin, why don't you try dating app? since ayaw mo nmn ng physical contact, ayan bagay sayo yan maghanap ka nung malayo, just try it bes wala namang mawawala diba?"
"Ayoko nga, tsaka i don't need someone to make me happy, i can do it myself ", i replied to her.
But look at me now, waiting for this app to be successfully installed hahahah, after a few minutes, nainstall na yung app, nag register ako then naglagay ng pic, syempre yung mga bonggang pic yung ilalagay natin, and infernes, gwapo yung mga guys dito sa app, pero feeling ko poser yung iba, swipe ako ng swipe until such time may nakapukaw ng attention ko, grabe dai, iba yung smile niya, singkit siya, matangos yung ilong, medyo chubby, and ang ganda talaga ng smile niya, hindi kona napansin na naswipe right ko na siya then nagulat ako, kasi lumabas sa screen ko "it's a match!".
naglakas loob akong ichat siya, and ganito naging convo namin..
'Hi'
a few minutes, nag reply siya..
'Hello ?'
kinakabahan ako na kinikilig, bago lang sakin yung mga ganito kasi NBSB ako at the age of 20.
nagpatuloy lang yung convo namin, nalaman ko na 18 palang pala siya namali lqng daw siya ng lagay sa profile niya, 20 kasi yung nakaappear dun. medyo may harot siya kung makipag usap hahah, bumabanat panga. isa pang nakapagpakilig sakin is kinantahan niya ako and nakapa ganda ng voice niya, he told me na may banda sila and vocalist/ bassist siya. ngayun lang nangyari sakin to, ang gaan gaan ng loob ko sa kanya, he gave me his number kasi hindi naman daw siya laging online sa tantan, i also gave mine hehe.
Btw, his name is Jared Reyes and he's from bulacan, while I'm from Bataan.
natapos yung araw na yun na magkausap kami, sinabi niya yung mga hobbies niya, kinantahan niya ko, umabot pa kami ng anung oras ng gabi at hindi namin yun namalayan. and that was the day, I've met my first love.