MEGHAN's POV Months Passed... Tahimik kong dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Heto na naman ako, feeling ko nag-iisa na naman. Mula noong araw na pumunta rito si Jace, at nalaman niya ang lahat, hindi na siya nagpakita sa akin. Ilang beses ko na nga bang kinukukit si Jeremy? Pero hindi naman ako susuko, kukulitin ko siya hanggang sa sabihin niya kung asan talaga si Jace. Medyo malaki na rin ang tiyan ko, nasa two months pa lang pero umbok na. Nang makuntento, nagbihis ako. Pupuntahan ko sila Sapphire. Nagsuot ako ng maluwag na tshirt at nag leggings ako. Natuto na akong magsuot ng ganito. Akala ko kasi kapag nagsanay ako magsuot ng ganito, titigilan na ako ni Lucas. Pero hindi, kahit buntis ako, hindi pa rin niya ako tinitigilan. Mas lalo pa siyang lumala. "Hoy girl! Tulaley

