MEGHAN's POV Nagising ako, kaya bumangon na lang ako para makapag-ayos at maglakad-lakad. Matapos kong maghilamos at toothbrush, muli akong tumapat sa salamin na nandito. Pinagmasdan ko ang hubog ng katawan ko, halata na talaga ang nakaumbok na tiyan ko, pero makikita mo pa rin ang hubog nito. Kahit na buntis ako, hindi pinabayaan ang katawan ko. Tinignan ko ang mga pasa na nasa likod ko. Grabe ang dami at laki pala ng pasa ko, talagang nanggigil siya sa akin kagabi. Sobrang pula rin ng mga kiss mark na iniwan niya. Natuon ang paningin ko sa mukha ko, haggard na ako. Ganito talaga pagbuntis, natural lang daw. Kaya nga ayoko nang lumabas dahil feel ko ang pangit-pangit ko na. Bawal pa naman sa buntis ang mga pampaganda. Kaya medyo iwas din ako sa skincare ko. May eye bugs ako na maitim,

