Bago pa magising ang dalagang nakasandal sa upuan nito ay isinuot muli ni Trevor ang kanyang underwear at pantalon. Pinagmamasdan niya nang nakangiti ang babae. She was indeed so beautiful and desirable. Maliwanag na sa labas pero mukhang wala pa ring dumaan sa gawing ito. Nang magmulat na ito ng mga mata ay lumapad ang ngiti niya. Napakurap-kurap ito nang maramdamang T-shirt lang niya ang nakatakip sa kahubdan nito. Nakita niyang nag-blush agad si Jesse. “Good morning,” marahang bati niya. Napaiwas ito ng mukha habang kinakapa ang kasuotan. Tinulungan niya ito kaya hindi niya nakita ang tattoo ng dalaga dahil tumuwid ito sa pag-upo para hayaan siyang pulutin ang mga dapat ibalik nitong kasuotan. “Thanks,” mahinang sabi nitong mailap pa rin ang mga mata. Ilang saglit ang nakalipas ay n

