Napailing si Trevor. “Iyan dapat ang linya ko, Sloan. Alam ko kung bakit gusto mong mapasaiyo si Jesse. You’re on a tight schedule, hindi ba?” he mocked. Napasimangot itong lalo sa kanya. Napatingin muna ito sa likuran nila bago ito nagsalita nang nagkiskis ang bagang. “Ano’ng ibig mong sabihin niyan? Ano’ng alam mo? Ha?” Nag-aapoy rin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. His nostrils flared in anger. “Hindi malalaman ni Jesse kung lalayo ka sa kanya, Sloan. Binibigyan kita ng clear exit. Iyan kung may konsensya ka pang natitira diyan sa puso at kaluluwa mo,” tugon naman niya nang marahan. Bigla itong napatawa sa kanya. “Huh! Tsk! Pakialamero ka pa rin hanggang ngayon, Trevor.” Mas lumapit pa ito sa kanya. “Alam mo bang may trump card ako laban sa ‘yo?” mahinang sabi nito pero puno

