Namangha si Trevor nang makita ang video feed ng CCTV na naka-record limang taon na ang nakalipas. Kitang-kita niya mismo ang date ng feed. Hindi siya halos makapaniwalang si Jesse pala ang babaeng pumasok sa kuwarto niya sa gabing iyon bago siya umalis patungong Australia. Naalala pa niya. Nang dahil sa design ng kuwarto na pagkapasok ng guest, nasa kaliwang bahagi ang banyo bago ang kama. Kaya natural lang na hindi niya nakita ang dalagang nakakubli noon sa ilalim ng cover. Ang ilaw lang ng banyo ang ginamit niya noon at dahil hindi siya mahilig matulog nang may liwanag kaya sa gitna ng dilim ay nagtungo na siya sa kama. Noon na lang niya nadiskubreng may babae na palang naghihintay sa kanya roon at nangyari nga ang bagay na iyon sa pagitan nilang dalawa nang hindi niya inakala. “I tri

