Napanganga ang ina ni Jesse nang malaman ang buong kuwento kung paano naging ama ni Chester si Trevor. Sangkatutak na mga salita ang narinig nila mula rito sa gabing iyon pero sa huli ay natuwa naman ito at masayang niyakap ang binata. “Buti na lang mahal mo pala ang anak ko, iho. Salamat!” anito sa huli na hinawakan sa magkabilang pisngi ang lalaking nakaupo sa sofa at ito ay nakatayo. Bigla namang lumabas mula sa kuwarto ang anak nilang si Chester at kinusot-kusot ang mga mata. “Daddy Trevor?” Bigla itong ngumisi nang makita ang binata at yumakap. Uminit ang sulok ng mga mata ni Jesse nang makita ang eksenang ito. Pinaupo naman ito ni Trevor sa isang hita at niyakap nang mahigpit ang anak saka hinalikan ito sa pisngi at noo. “I love you, son!” His eyes were misty. Napaiyak na nga ri
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


