“Oo. Sinabi mo, eh,” pilosopong balik ni Jesse sa binata. “Pero… gusto kong malaman talaga kung ano ang nangyari sa pagitan n’yo ni Sloan. Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi mo sasabihin sa ‘kin.” “Kanina atat na atat kang lumabas. Ngayon naman, ayaw mo nang lumabas dito?” panunukso nito. Tinampal niya ito sa noo. “Ano? Hindi mo ba talaga sasabihin sa ‘kin? Iiwan na kita rito!” “Hmm… sige na nga. Sasabihin ko na lang.” He paused for a moment; his expression became serious. “Noong high school pa kami, graduating kami noon. Nabuntis niya ang pinsan ko. Hindi niya pinagutan ‘yon. Nagkaroon ng miscarriage ang pinsan ko, muntik nang mamatay. Sinisi ko siya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na kami magkaibigan. Doon nagsimula ‘yon. At… noong gabing nag-away kami… ang pinakaayaw ko no’n ay

