Gumagawa si Jesse ng cake para sa kanyang anak isang weekend. Tinutulungan siya nito sa kusina na nagresulta ng kalat. “Jesse, anak? May bisita ka,” balita ng ina niyang pumasok sa kusina. Nakita na lang niya sa likuran nito ang matangkad na binata. Napamaang siya rito. Nakasuot ito ng kaswal na jeans at T-shirt. Naalala niya tuloy na pareho ang reaksyong ito nang sinabi ni Drew sa kanyang ito ang magiging consultant ng kanilang isang project na kasalukuyang sinisimulan ang pagpaplano. Titingnan nito ang disenyo bilang architect. Siya naman bilang engineer ay titingnan kung ko-complement iyon sa budget ng kanilang kliyente. “Oh, Trevor! Nandito ka?” aniya. “O, siya. Titingnan ko muna si Chester, ha?” Mapanukso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tumango siyang pilit inignora ang

