Kanina pa nakaabang sa may parking lot si Trevor. Naghihintay siyang lumabas ng gusali si Jesse at imbitahan itong kumain sila sa labas. Iyon kung papayag ito. Kahit ibinigay na sa kanya ni Sarita ang numero ng babae ay hindi niya ito tinext o tinawagan man lang dahil natatakot siya kung ano ang magiging reaksyon nito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ng dalaga kapag nalaman ang bagay na ito. Para kasi siyang stalker. Sorta. But still creepy. Nakita na lang niyang magkasamang lumabas ng gusali sina Sloan at Jesse. Pinasakay ang dalaga sa kotse nito. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Bigla siyang nakaramdam ng paninibugho. Matindi. Bagay na ngayon niya lang naranasan. Ang ginawa na lang niya ay sundan ang mga ito. ‘f**k me! Naging stalker na talaga ako, ah,’ inis na aniya sa sar

