Sa conference room, kapwa nakadungaw sina Jesse at Trevor sa dalawang plano na ginawa ng civil engineer at architect ng Project Management Department. Nakapatong ang mga ito sa mahabang mesa. Tiningnan nilang mabuti ang mga detalye at kung puwede na ba nila itong i-present sa kanilang kliyente upang malaman nito ang kanilang progress. “Itong posisyon ng hagdan, siguro ay dapat itong i-move natin nang kaunti para mas magandang tingnan ang spare space. Puwede kasing may ide-decorate ang interior designer bandang dito,” sabi ni Trevor na itinuro ang tinutukoy nito. Napasulyap si Jesse sa mukha nito. Nakapokus ito nang husto sa kanilang trabaho habang siya ay medyo conscious na conscious sa kalapitan nilang dalawa ngayon habang nire-review ang dalawang plano upang walang mali kapag nasa pres

