Chapter 29 Chance Naipaliwanag na sakin ni Daddy na ayos lang kung maghiwalay na kami ni Aiden. Nakakabawi na rin ang kumpanya pero syempre tatanawin pa rin niyang utang na loob sa mga Suarez ang kumpanya namin. Kung hindi rin dahil sa kanila, baka wala na kami ngayon sa business industry. Umupo ako sa bench, buti nalang nakasilong ito sa puno. Ganon na rin ang ginawa ni Aiden. "How are you?" Deretso lang ang tingin ko. Hindi ako tumingin sa kanya. "Ayos lang." Tama lang sa tanong niya ang sagot ko. "Ang baby?" He asked. "Ayos lang din." Kung ano lang ang tanong niya ganon lang din ang isasagot ko. "I'm sorry." Panimula niya. "It's okay. I understand. You love her." I said. "Back then, yes." Tumango ako sa sinabi niya. "I just don't leave her because he need me." Frustrate

