Chapter 28 Explanation Lumipas ang isang linggo pagkatapos ng check up ko. Wala akong pinagsabihan. I trust Doc also that she won't tell anyone. I am determine to give birth to my child. Sa isang linggo iyon, lagi lang ako sa bahay lumalabas lang kapag niyaya ako ni Ate kung minsan ay sinasamahan niya ako sa bahay magdamag. Naglalakad-lakad naman ako sa mini garden ni mommy dito sa likod ng mansion. Mas nakakabuti daw kung maglalakad-lakad t'wing umaga para sa mga buntis kaya naman ginawa ko. Nasa kusina si ate at nagpapaturo na magluto sa kasambahay namin. Ipagluluto ata si Kuya John. Sa susunod na buwan na rin ang kasal nina ate, ako parin naman ang ginawa niyang maid of honor, aside from iyon ang talagang plano namin ever since, nagkalabuan na rin sila ni Bea because of her post.

