Kabanata 1: Unang Himagsikan taong 155

1236 Words
Unang Himagsikan taong 155 Makalipas ang isang daan at limangpung taon... Masaganang kaharian, natatangi at makapangyarihan. Ganoon ilahad ng bawat taong naninirahan at nakapunta sa kaharian ng Sahathra na kilala sa fire, spells at lightning magics. Sila ay taniyag sa tawag na hilagang kaharian. Sa taong ito ay nakatakdang manganak ang unang Reyna ng kanilang kaharian na kung saan ay manghihina ito at maaring ikapahamak ng Sahathra na pinamumunuan nito. Reyna na maging ina ng kinatatakutan ng lahat. Kaya habang abala ang mga Sahaths sa nakatakdang digmaan at araw nang pagsilang sa ikalawang tagapagmana ay ganoon rin ang paghahanda ng kahariang Ephrione sa digmaang hindi makakalimutan ng lahat. Dito sa Ephrione ang kilalang timog kaharian ay naninirahan ang mortal na kalaban ng mga Sahaths. Tinatawag silang Ephians na bihasa sa wind at earth magics. Gaya ng Sahathra ang kahariang ito ay meron ding namumuno o nagsisilbing pinuno na sina Haring Alexander at Reyna Helena. (Third Person's POV) Sa kaharian ng Ephrione ay nag-karoon nang usapan sa pagitan ng Punong Ministro at Reyna ng Ephians. Usapang nagpasidhi sa damdamin ng Reyna na patayin yung mag-inang Sahaths. Hindi mapakali si Reyna Helena sa kinatatayuan nito hanggang sa nagsalita na ang Punong Ministro na si Gaki na ikinabahala niya. "Yun ang pangitain ko kung hindi niyo mapapatay ang bata. Siya mismo ang uubos sa ating lahi." Bakas na ngayon ang takot sa mukha ni Reyna Helena kaya agad 'tong gumawa nang paraan para mapigilan ang pangitain ng Punong Ministro. Sa paghudyat ng kamay niya ay pumasok ang isang kawal ng Ephrione sa silid at agad naman niya itong inutusan. "Pupunta tayo sa Sahathra at patayin ang anak ng unang reyna! Kaya ihanda moa ng hukbong kawal ng Ephrione!" Payukong saad naman ng kawal sa Reynang nag-utos sa kaniya. "Masusunod mahal na Reyna." Hindi sila nagdalawang isip sa sinabi at utos ng kanilang Pinuno. Kasabay nang pag-salis ng kawal ay iniwan ni Reyna Helena ang Punong Ministro sa silid. Dali-dali siyang nagbihis at hinarap ang mga kawal na kasama niya papunta sa kaharian ng matalik niyang kaaway. Kaya sa pagtungo nila sa Sahathra ang tanging nasa isip nila'y patayin ang munting Prinsesa. Sa kabilang kaharian ng Sahathra ay isisilang na ni Reyna Athena ang anak nito. Kahit ang digmaang magaganap ay pilit niyang binabaliwala kahit sa kaunting panahon para sa anak niyang Prinsesa. Ang kasiyahang nararamdaman nito ay hindi niya magawang ikubli kaya habang minamasahe ng isang ministro ang kaniyang tiyan ay napangiti siya. "Mahal na Reyna ayon sa aking naiisip ay papunta sa ating kaharian ang mga Ephians at nasa panganib ang iyong anak. " Sabi ng ministrong nagmamasahe ng tiyan ni Reyna Athena. Tumayo siya saglit at pagalit na saad ni Reyna Athena. "Hindi niya maaring gawin ang gusto nila sa anak ko!" "Kailangan niyo pong umalis mahal na Reyna." Pag-aalalang sabi ng ministrong nasa harap niya. Narinig ni Haring Zeraph ang kanilang pag-uusap habang papasok ito sa silid kaya ganoon lang ang pagsumbat nito. "Athena, kailangan nating umalis." Hindi na nagdalawang isip si Reyna Athena sa sinabi ng kabiyak nito kaya sumang-ayon na siya. "Sige," patangong saad niya. "Pangako babalik kami." Magkahawak kamay na lumabas sina Haring Zeraph at Reyna Athena sa palasyo ng Sahathra. Habang naglalakad ay napapaisip si Reyna Athena sa maiiwang Sahaths sa kanilang kaharian ganun pa man ay ang pagmamahal ng isang ina ang nasa puso niya sa ngayon. Napasulyap naman si Haring Zeraph sa kalangitan at sa kaniyang sinasakupan. "Mag-iingat po kayo, VorOmDujZopJalZul (Portal) gate open!" Agad bumukas ang isang malaking pintuan sa pag-angat ng kamay ni Haring Zeraph at pagsambit ng technique na kayang lumipat sa isang lugar na mahahalintulad sa isang lagusan. Yumuko ang mga ministro at nagbigay pugay bago umalis ang kanilang mga pinuno. "YegJalXilUngXilUngSatOmBei(Masusunod) mahal na WupJalDujAej (Hari) at DujHolDunSatJal (Reyna)." Pagsasangayon ng ng mga Ministro bago pumasok ang Hari at Reyna sa portal gate. Agad binuhat ng hari ang pinakamamahal niyang kabiyak at lumakad nang mabilis gaya ng isang ninja. Hindi naman napigilan ni Reyna Athena na tanungin si Haring Zeraph habang binubuhat siya nito. "Saan tayo pupunta Mahal?" Tiningnan naman ni Haring Zeraph sa mga mata ang pinakamamahal nitong Reyna at nagsalita. "Sa ligtas na lugar at babalik tayo pagkatapos mong manganak." At ang pagtango ni Reyna Athena ang hudyat nitong sumasang-ayon siya sa sinabi ng kaniyang Mahal. Ang kapangyarihan ni Haring Zeraph ay yung tinatawag na ZopOmUngGacWup (touch). Isang uri ng technique na maaring manggaya ng ibang kapangyarihan ng isang tao. Namana niya ito sa yumao niyang ama na dating ministro ng Sahathra. Tanaw ng dalawa ang isang maliwanag na ilaw at yun na ang lugar na kung saan ay ipapanganak ang ikalawang pinuno ng Sahathra. Maya't-maya ay... "Nandito na tayo." Bulong ni Haring Zeraph kay Reyna Athena na dahang-dahan niyang binaba. Napapilipit ang Reyna sa sakit ng tiyan na nararamdaman nito sabay sabing, "Hindi ko na kaya Zeraph manganganak na ako!" Nataranta ang Hari sa narinig nito kaya tinawag niya si Nhite ang dragon spirit ni Lani. "Nhite, alam kong naririnig mo ako kaya tulungan mo kami!" Lumabas ang dambuhalang dragon na kulay itim. Ang mga mata nito ay asul at meron siyang walong buntot. "Masusunod," sa pagsalita ni Nhite ay bigla siyang nag-anyong tao. Isang matipunong lalaki na agad tumulong sa Hari at Reyna. Kapag ganap na ang pagsilang sa ikalawang pinuno ay maari itong magkaroon nang kapangyarihang kayang wasakin ang kaharian ng Ephrione. Sa kabilang dako ng Wolforth ay dumating na sina Helena at ang mga Ephians sa lugar ng Sahathra. Hukbo ng mga kawal ng Ephians ang kasama ni Reyna Helena na ikinagulat naman ng mga Shaths. "Ilabas niyo siya! Ang inyong Reyna!" Sigaw nang galit na Reyna habang nakasakay siya sa kabayo nitong lumilipad. "Hindi niyo makukuha ang aming Reyna!" Sigaw ni June ang pinuno ng hukbong Sahaths sa Reyna ng mga Ephians. Gigil na saad ni Reyna Helena sa lahat ng mga kalaban nito. "Sapilitan naming kukunin ang Reyna niyo at mamamatay siya sa sarili kong mga kamay!" Hindi maitanggi ng Sahathra na mahina sila ngayon dahil wala ang kanilang Reyna at Hari na hindi alam ng pangkat ni Reyna Helena Itinaas naman ni June ang hawak nitong espada at pasigaw na sinabing, "Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo 'yan magagawa." At yun ang hudyat nang pagsisimula ng tensyon sa pagitan ng Sahathra at Ephrione. Nang sinambit ni Helena ang mga katagang, " HiaAejSat Bei(Wind )of destruction!" At binato ang makapangyarihang hangin nito sa mga kalaban na nasipagtalunan at inihip ang mga Sahaths na parang papel. Si Reyna Helena ay may kapangyarihang kontrolin ang hangin na kung saan ay kaya niyang gawin ang gusto o ninanais nito. Habang unti-unting nagsimula ang laban ay lumalakas ang tensyon at galit na kanilang nararamdaman Sa lugar na tinatawag niyang Wolforth dinala ni Zeraph ang kanyang kabiyak. "Athena!" Sigaw ni Zeraph habang nagpapasakit ang Reyna sa panganganak nito. May isang Sahath ang nakaabang sa kanila para sa panganganak ni Reyna Athena at malaking tulong 'to para sa kanila. At saad pa nito'y, "Mahal na Reyna malapit nang lumabas ang ulo ng bata." Saka naman na bahala si Haring Zeraph sa sinabi ng Sahath. Sa pagsigaw na, "Ah!" ni Reyna Athena ay walang magawa si Zeraph kundi tingnan ang kaibiyak na umuungol sa sakit na nararamdaman nito. Takot ang bumabalot sa puso ni Haring Zeraph dahil sa nalaman niyang nasa Sahathra si Reyna Helena at ang mga kasamahan nito. Nakatitig lang siya kay Reyna Athena at nag-hihintay sa maaring mangyari. Habang sa kaharian ng Sahathra ay may sigalot nagaganap isa namang sigaw ang pansamantalang pumigil sa kanilang away. "Owah! Owah!" Dinig ng lahat ang iyak ng isang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD