Napalitan ng galak ang kanina'y galit na mukha ni June. "Iyak ng Prinsesa!" Sigaw pa nito sa tuwa.
Alam na ng lahat na isang babae ang magiging anak ni Reyna Athena dahil sa pangitain na ibinigay ng Punong Ministro.
Matinding inis ang sa ngayo'y nasa isip ng Reyna ng mga Ephians. "Mula sa kanluran ang iyak na yun!" Sa pagsalita nyang 'yun ay bumaling ang atensyon ni Reyna Helena sa deriksyong iyon.
Itinaas ni June sa kalangitan ng sigalot ang hawak nitong espadang umaapoy at sumigaw ng, "Isinilang na ang aming tagapagligtas!" Sinabayan siya ng mga Sahaths sa pagbubunyi sa magandang balitang sinabi ng kanilang Punong kawal.
Galit na nagwawalang sigaw ang ginawa ni Reyna Helena. "Hindi 'to pwedeng mangyari! Hali kayo at pumunta tayo sa lugar na iyon!" Agad namang pumagaspas ang mga pakpak ng kabayong sinasakyan niya at unti-unting lumipad pataas.
Nang akma silang umalis ay hinagis ni June ang hawak nitong espada na umaapoy sa Reyna ng mga Ephians pero naiwasan ito ni Reyna Helena kaya inis namang sumigaw si June. "Hindi ka makakaalis dito Reyna Helena!"
Pangiting saad ni Reyna Helena habang may bumubuong bulang hangin sa kanang kamay nito. "Pwes, papatayin ko na lang kayong lahat!" At agad niyang hinagis ang hanging bula papunta sa kinatatayuan ni June.
Habang abala ang lahat sa labanang nagaganap sa Sahathra ay may mga bagay na nangyayari sa Wolforth, mga desisyong gagawin na makakapagbago sa buhay ng lahat na mga Sahaths.
Bakas sa mukha ni Reyna Athena ang pag-aalala habang nakatitig ito sa maganda niyang anak na natutulog sabay sabing, "Pupunta dito si Helena!"
Lumapit naman si Haring Zeraph sa kaniyang mag-ina at yumakap sa mga ito sabay bitiw ng pangakong, "Sisiguraduhin kong hindi siya makakalapit dito!"
Alam ni Haring Zeraph na matatalo ang kanilang kahariang Sahathra kung hindi pa sila bumalik kaya nag-isip siya nang paraan.
Isang tagong lugar ang Wolworth. Maliit man ay may isang silid na tinatawag nilang, "HolSatBeiHolXilXil (Endless)", pabulong na sabi ni Lani ang Punong Ministro ng Sahathra na siyang nag-paanak sa Reynang si Athena.
Dinig ng Hari ang pagbulong ng Punong Ministro ng Sahathra kaya nagsaad itong, "Anong ibig mong sabihin, Punong Ministro?" At nakapinta ang pagtataka sa mukha ng magiting na Hari.
"Wala po mahal na Hari." Pagtatanggi ng Punong Ministro sa kaniyang Hari habang nakayuko ito.
Ang silid na tinatawag nilang HolSatBeiHolXilXil (Endless) ay isang silid na walang hanggan. Sa lawak nito ay siguradong maliligaw ka. Tanging silang tatlong Sahath ang nakakaalam sa sekretong silid na ito ang Punong Ministro, Hari at Reyna ng Sahathra.
Ang lugar ng Wolforth ay nasa kalahating kilometro kwadrado . Ang kinatatayuan ng bahay ay isaang daan at limangpung metro ang lawak. Malihim ang lugar na Wolfroth dahil sa pinapalibutan ito ng maraming kahoy at malalaking bato.
Nang mapansin ni Reyna Athena na nababahala ang kabiyak nito ay hindi na siya nag-dalawang isip na magtanong. "Ano ang iniisip mo aking mahal?" Sabay himas niya sa mukha ni Haring Zeraph.
Napatitig naman ang Hari sa magagandang mata ng kaniyang pinakamamahal na Reyna sabay sabing, "Gagamitin ko ang kapangyarihan ni Fraiy." At agad siyang ngumiti.
Ilang patak ng mga luha ang nagmula sa mga mata ni Reyna Athena at agad na sinabihan ang mahal niyang Hari ng, "Manghihina ka kung gagamitin mo yan."
Hinawi naman ng Hari ang mga luha ng kaniyang pinakamamahal habang nagsasabi ito na may pag-aalala. "Kailangan tayo ng Sahathra at kailangan ko 'tong gawin." Ipinatong ni Haring Zeraph ang kaliwang kamay nito sa dibdib ni Reyna Athena at nagsaad ng ilang spells.Unti-unting umilaw kasabay ang apoy na lumilitaw at binulong ang mga salitang ito kay Reyna Athena. "Healing technique, ibibigay ko ang kalahati ng aking kapangyarihan sa'yo mahal."
Nang tuluyan sumanib ang apoy na kapangyarihan ni Haring Zeraph kay Reyna Athena nanumbalik ang kapangyarihan at kaniyang nito.
Binuhat ni Reyna Athena ang natutulog nitong anak habang ang kasama niyang Hari at Punong Ministro ng Sahathra ay nakatitig sa mag-ina.
Maya't-maya ay tinapat ni Reyna Athena ang labi nito sa noo ng kaniyang anak at paiyak siyang bumulong, "Kailangan kong gawin yung technique na 'to patawad Claire."
Nanlaki naman ang mga mata ng Hari nang madinig ang sinambit ng kaniyang pinakamamahal na Reyna. Kaya dali-dali siyang lumalapit at pangiting nagsalita, "Claire ang pangalan niya?" At agad na binuhat ni Haring Zeraph ang anak nito.
"Zeraph, gagamitin ko yung rest seal." Saad ng Reyna kaya nagulat si Haring Zeraph sa sinabi Reyna Athena at napahigpit ang pagyakap niya kay Claire.
Napasigaw si Haring Zeraph sa desisyon ng Reyna. "Ano? Gagamitin mo yun? Ipapatigil mo ang pagtibok ng puso nya?"
Bahalang sumbat ng Punong Ministro na si Lani. "Isang taon pa bago mawala ang bisa ng technique na iyan mahal na Reyna."
"Hahabulin siya at papatayin ni Helena. Hindi natin maitatanggi na ito ang natitirang paraan. Alalahanin nating may kapangyarihan si Helena na makadama kung buhay o patay ang isang tao at kapag nadama niyang tumigil na ang pagtibok ng puso ni Claire. Alam kong titigil na siya sa paghahanap sa anak ko." Saad ng Reyna sa kanila at ang pag-ibig ng isang ina ang nanaiig kay Athena sa mga sandaling ito kaya ginawa na niya ang nasabing technique.
"Humanda talaga sa akin si Reyna Helena!" Nanggigigil na sigaw ni Zeraph.
"Punong Ministro Lani, ikaw lang ang nakakaalam nito. Ipahayag mo na lang na namatay ang anak namin ni Zeraph at pagkatapos ng isang taon alagaan mo sya para sa amin." Nagsimula na ang malakas na ihip ng hangin at unti-unting may ilaw na lumabas sa kamay ni Reyna Athena.
"Alam niyong mangyayari ' to mahal na Reyna?"Takang tanong nito.
Ilan sa kanila ay may kakayahan na malaman ang mangyayari sa hinaharap gaya ng dalawang Punong Ministro ng dalawang kaharian. Si Tandang Lani at ang Punong Ministro ng Ephrione na si Gaki.
"Oo, nasabi na sa akin ni Zeraph. Ginaya niya kasi yung kapangyarihan mo." Kahit tumatawa si Athena ay may mga luhang pumatak sa mga mata nito. "Yung habilin ko pala. Ikaw na ang magpapaliwanag kay Claire sa tamang panahon.
"Masusunod mahal na Reyna." Napayuko lang si Lani at umiyak.
Bahagyang nagsalita si Haring Zeraph. "Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil malalaman ko na ang araw ng kamatayan ko at yun ay ngayon."
"Ibigay mo na sa akin si Claire." Natapos na ang paghahanda ni Athena para sa DujHolXilZop (rest) seal.
"May gusto akong sabihin para sana sa anak natin pero alam kong magkikita pa kami."Agad na ibinigay ni Haring Zeraph ang anak nito sa kaniyang kabiyak..
Sa paglapag ni Reyna Athena sa natutulog nitong anak sa nakaukit na bilog sa sahig ay agad niyang sinimulan ang ritwal. Lumakas pa lalo yung ihip ng hangin palakas nang palakas "Rest seal, open! Pagbigyan ang hiling ng isang ina para sa ikabubuti ng kanyang anak." Pinatong niya ang kaliwang kamay nito sa puso ni Prinsesa Claire habang ang kanang kamay ay nasa puso niya. Nagsasambit ng ilang spell hanggang unti-unting nagkulay abo ang bata.
Habang sinasagawa ni Reyna Athena ang tinatawag niyang rest seal sa Wolforth ay may napansin si Reyna Helena "Anong nangyayari?" Sigaw niya habang tinutok ang patalim sa leeg ni June.
"Lumaban ka! Shanki technique!" Technique na pansamantalang napapatigil ang oras. Ginamit ni June para makawala sa kamay Reyna Helena.
Pagkalipas ng ilang segundo...
"Hindi ko nararamdaman ang t***k ng puso ng munting Prinsesa!" Natuwa si Reyna Helena kaya sumugod pa ito sa mga Sahaths.
Nang biglang...
"Protection seal, open!" At dumating sina Reyna Athena at Haring Zeraph.
Isang malakas na suntok sa lupa ang ginawa ni Haring Zeraph dahilan nang pagyanig ng buong Sahathra. "Magbabayad ka Helena! Sa lahat ng taong dinamay mo dito at para sa anak ko!" Mabilis na sumugod si Haring Zeraph sa mga Ephians habang si Reyna Athena ay ginamit ang isa sa mga panganib na sealing technique nito ang protection seal.
Nanumbalik ang tapang sa bawat puso ng mga Sahaths pagkadating ng kanilang mga pinuno.
"June, hayaan muna natin si Haring Zeraph sa labas ng seal na ginawa ko at ikaw ay gamutin mo ang mga sugatan." Kumilos na si June ayon sa inutos ni Reyna Athena sa kanya at tinulungan ang mga kasamahan nito.
Sa himpapawid ay tanaw ang dalawang pinuno ng magkalabang kaharian. "Wind of the evil!" Sabay lapit ni Reyna Helena sa Hari."Zeraph, nagkita naman tayo at kung hindi ako nagkakamali ay namatay na ang anak niyo ni Athena." Pang-aasar niya sa Hari.
"Hindi tatalab sa akin ang kapangyarihan mo! Touch!" Agad kinopya ni Zeraph ang kapangyarihan ni Helena at mukhang magkasinglakas na sila ngayon.
Ramdam ng lahat ang himagsikang nagaganap. Mga apoy na nasisipagliparan, iyak na nakakatakot at patay na mga katawan.
Muli siyang nagpakawala ng matinding kapangyarihan nito "Huh! Sinusubukan mo talaga ako? Zeraph? Papatayin ko kayong lahat! Wind of destruction!" Dahil sa Protection seal ni Athena ay hindi na apektuhan ang mga taong nasa loob nito pero ang katawan naman ng kakaanak na Reyna ang nasasaktan.
"Sugod Sahathra!" Sigaw ni Haring Zeraph.
Habang nasa loob ng protection seal sina Athena at ang iba pa ay nakaisip na ito ng paraan. "Hawakan mo siya Haring Zeraph!" Sigaw ni Reyna Athena sabay tayo nito.
"Shanki technique 101!" Ginamit ni Zeraph ang technique ni June.
Mula sa lupa ay lumipad si Reyna Athena papunta kay Reyna Helena habang hawak-hawak ni Haring Zeraph nang mahigpit ang mga kamay nito. Nabigla ang lahat sa sunod na ginawa ni Haring Zeraph at Reyna Athena.
"Curse seal, open!" Agad pinatong ni Reyna Athena ang kamay nito kay Reyna Helena. Isa sa mga mapanganib na kapangyarihan sa lahat ay ang sealing technique ng Reyna ng Sahathra.
"Hindi 'to maari!" Pagsisigaw ni Reyna Helena hanggang sa tuluyan syang naging abo at nadamay narin si Haring Zeraph dahil nakahawak 'to sa mga balikat niya.
"Mahal na Hari! Reyna!" Sigaw ni June.
Si Reyna Athena ay nagiging abo narin dahil sa hindi sapat ang kapangyarihan na taglay niya nang ginamit nito ang curse sealing technique. Hindi maaring gamitin ang curse seal kung hindi sapat ang kapangyarihan ng isang nagtataglay nito dahil maari niya 'tong ikamatay, kagaya ni Reyna Athena.
"Umalis na tayo!" Bulong ng mga Ephians habang patakas na ang mga ito.
"Mahal na Reyna! Haring Zeraph!" Kasabay nang pagiyak ng lahat at pagdadalamhati umihip ang hangin papalayo kasama ang mga abo nila.