Kabanata 3: Ang Ikalawang Pinuno ng Sahathra

1689 Words
Habang nasa Wolforth ang matandang Punong Ministro na si Lani ay napatitig siya sa sanggol at nadama niya ang nangyayari sa Sahathra "Kawawa ka naman Prinsesa Claire namatay ang mga magulang mo para iligtas ka at ang Sahathra. Isang taon pa ang hihintayin ko bago ka pa magising." Inilibing ni Lani ang katawan ni Claire sa isang sulok ng Wolforth. Na nakasilid sa isang silyadong kahon na tanging siya lang ang may kakayahang buksan ito. Kulay abo ang bata nang inilibing niya at walang kamalay-malay sa nangyari sa mga magulang nito. "Kailangan ko nang bumalik mahal na Prinsesa." Dala ang huwad na katawan ay bumalik na siya sa kaharian ng Sahathra. Bakas sa mukha ni Lani ang lungkot na nararamdaman rin ng buong Sahathra. "Nandito na ang Punong Ministro na si Lani, Pinunong June." Bulong ng isang Sahath kay June na patuloy na umiiyak. "Patawad at wala kaming nagawa para sa mahal na Prinsesa." Ipinakita niya ang huwad na bangkay ni Claire at nag-dalamhati na ang lahat. Kasabay nang pagkamatay ng kanilang Hari at Reyna ay nagdadalamhati rin sila sa pagkamatay ng kanilang Prinsesa na akala nila'y iyon rin. (Lani's POV) Lungkot at pagdadalamhati ang yumakap sa buong kaharian. Dalawa sa pinakamalakas at makapangyarihang nilalang ang sabay na namatay. Kahit ganoon man ang nangyari ay patuloy parin ang buhay. Itatago ko parin ang tungkol sa munting Prinsesa. Pagkadating ko sa kaharian ay agad na lumapit ang mga kasamahan kong ministro sabay bulong "Isang linggo na ang lumipas tandang Lani at kailangan na natin ng panibagong Hari at Reyna." Hindi rin maalis sa isip ko na kailangan na talaga nang panibagong pinuno ng Sahathra. Tama ang mungkahi niya at bumababa narin ang ekonomiya ng buong kaharian kaya kailangan nang isagawa ang pagpipili. "Sabihin sa ilang ministro ang isasagawang ritwal nang pagpili nang susunod na pinuno ng kahariang to." Utos ko sa mga kawal. Sa ngayon ay ako ang nagsisilbing Pinuno ng kaharian dahil sa kakayahan ko. Pero pansamantala lang ang lahat na ito dahil hindi maaring maging pinuno ang isang ministro na tulad ko. "Masusunod Punong Minsirto Lani." At agad silang umalis. Si Reyna Athena lang ang nagtataglay ng kapangyarihan nang sealing habang ang kabiyak niyang si Haring Zeraph naman ay kabisado yung touching technique. Siguradong maghihinala sila sa huli kung ipapamalas ni Prinsesa Claire yung kapangyarihan niyang Sealing and touching technique! Ilang buwan pa ang hihintayin ko bago pa gumising ang munting Prinsesa. "May inaalala ka ba Punong Ministro?" Si Rebecca ang kabiyak ni June na nagbubuntis at manganganak na rin. "Wala naman huwag mo na akong alahanin." Napatitig ako sa tiyan niya. Isang batang lalaki ang isisilang nito. Isang lupon ng mga ministro ang lumapit sa amin "Punong babaylan, bakit mo ba kami pinapatawag?" Tanong ni Helione isa sa mga ministro. "Kailangan nating gawin ang ritwal sa pagpipili nang susunod na pinuno ng kahariang 'to." Mahinahong sabi ko sa kaniya. Tumungo kami sa balkunahe ng palasyo at ginawa ang ritwal sa harap ng maraming tao. Sampong ministro na may iba't ibang kapangyarihan ang aking kasama. Bilang pinuno ay ako na ang nag-simula ng ritwal. Sa hugis bilong na kami'y magkahawak kamay ay agad kong sinugatan ang aking hinlalaki gamit ang punyal. "Himig ng puso dinggin ang panalangin para sa ikabubuti ng lahat. Bigyan kami ng karapat dapat na pinuno para pamunuan ang aming kaharian." Paulit-ulit naming sinambit ang mga salitang ito. Hanggang sa dumilim ang kalangitan at nagbabadya na ang sagot nito. Kaya mas lalo pa naming nilakasan "Himig ng puso dinggin ang panalangin para sa ikabubuti ng lahat. Bigyan kami ng karapat dapat na pinuno para pamunuan ang aming kaharian." Nagsimulang umilaw ang sahig at bigla kong naalala yung pagpili kay Athena para maging Reyna ng Sahathra. Malapit kami sa selyo o sagisag ng Sahathra. Gaya nang sinabi ko ay unti-unting nagliliwanag at parang may lalabas sa selyong iyon. Magpapakita kaya ulit si Rioby ang dragon spirit ni Athena? Pagkatapos na ipinanganak ni Athena si Claire ay agad na umalis ang dragon spirit nito at bumalik sa lugar na 'to. Oo, ganun na ganun ang nangyari. Sino kaya ang pipiliin ni Rioby na susunod na magmamay-ari sa kanya? Siguradong bibigyan nya ito ng basbas para maging pinuno ng kahariang ito! Pinagpatuloy namin yung ritwal. Nag-aabang ang lahat at tila'y nananabik sa maaring mangyari. "Himig ng puso dinggin ang panalangin para sa ikabubuti ng lahat. Bigyan kami ng karapat dapat na pinuno para pamunuan ang aming kaharian." Nanghihina na ang mga kasamahan ko nang biglang kumulog at lumabas ang dragon spirit na si Rioby. "Pagbibigyan ko ang hiling niyo." Nag-aapoy ang mga mata nito at isa talaga siyang malaking dragon. Nagulat ako nang mapalingon siya at sa tingin ko'y nagsisismula na siyang mamili. Lumakas ang hangin at napatitig siya sa direksyon kung saan... Ha? Bakit sa direksyong iyon? "Bigla syang nag-laho!" Bulong sa akin ng isang ministro at napatulala ang mga kasamahan ko. Hindi maaring ang nangyayaring ito! Kung hindi ako magkakamali siya ang pinili niya? "Bakit papunta sa direksyon ng Wolforth ang dragon spirit na iyon Pinunong Ministro?" Sabi ni Rebecca. Akala niya ay si June ang pipiliin ng dragon. Bakit wala siyang napili sa mga taong nandito? Tama kaya ang nasa isip ko? Hindi kaya yung... Sanggol? Si Claire? Siya ang pinili niya? Hindi ako mapalagay sa nangyayari kahit kinakausap ako ng katabi kong ministro ay nalilito ako sa ginagawa ni Rioby "Ano ang gagawin natin pinunong Lani?" Kahit ako ay nagtataka, nagdadalawang isip at kinakabahan. Nakapagpasya na akong sabihin sa kanila ang tungkol kay Prinsesa Claire "Walang napili si Rioby kung ganun ay..." Hindi nila ako hinayaang matapos ang aking sasabihin nang sumigaw na ang mga mamayanan ng Sahathra. "Si June na lang ang hari natin!" "Tama! si June!" Malakas na sigawan ng mga kawal. "June! Haring June." Nagsimula nang magsigawan ang mga Sahaths. Nakakabingi ang sigawan nila mahal na Reyna Athena ano ba ang gusto mong gawin ko? Napatitig ako sa kalangitan "Nagkakagulo na ang mga tao Punong Ministro." Sabi ng mga ministro sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa sandaling ito. Huminga ako nang malalim sabay sabing "Hinihirang ko si June na maging Hari at si Rebecca na maging Reyna ng Sahathra!" Ngayon lang 'to nangyari na umalis ang dragon spirit na si Rioby. Hindi ba nila narinig yung sinabi ng dragon? o sadyang sa akin lang siya nagsabi ng ganoon? Napaisip ako sa sinabi ni Rioby "Ang anak ni Athena siya yung gusto ko." Oo, tama yun ang sabi nya sa akin. "Mabuhay ang bagong Hari at Reyna!" Pagpupunyagi ng mga tao. Agad kong kinuha ang isang tela para taliin ang kamay ko. "Maraming salamat sa paghirang sa akin Pinunong Ministro Lani." Nakapinta yung ngiti sa mukha nito. Pero diyan siya nagkakamali hinirang nga sya ng mga tao na maging Hari pero walang basbas ng dragon spirit... Wala rin yung saysay! "Kailangan ko nang magpahinga." Kasama ang ilang ministro ay umalis na kami at pumasok sa palasyo. Nakakapagod ang nangyari sa buong linggo ko kailangan kong magpahinga at matulog. Kahit ipikit ko ang aking mga mata ay naririnig ko parin ang mga sinasabi ni June. "Ako na ngayon ang hari ng Sahathra pero nasaan ang dragon spirit na si Rioby? Dapat ay nasa akin na sya." Kung hindi ako nagkakamali ay nasa labas pa rin sila at nagbubunyi. Naririnig ko rin ang yapak na papalapit sa kanya "Bakit ang tahimik mo mahal?" Sabi ng kabiyak nitong si Rebecca. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin." Sabi ni Haring June "Isang hari na ang ama mo, Luke " Sabay himas niya sa tiyan ni Rebecca. "Ang ganda ng pangalan niya, Luke" Tuwang sabi ni Reyna Rebecca. "Mabuhay ang bagong Hari at Reyna!" Sigaw ng mga Sahaths. "Malaki ang kaharian sinasakupan ko ngayon. Athena, hihigitan ko pa ang ginawa mo sa kahariang 'to." Bulong niya sa kanyang sarili. "June, ang sakit ng tiyan ko!" Mukhang manganganak na si Rebecca. "Dalhin ang Punong Ministro sa silid namin! Ngayon din!" Agad akong napaupo nang marinig ang sigaw na iyon ni Haring June. Ngayon isisilang ang isang batang lalaki na makasarili kagaya ng mga magulang niya. Maya't-maya ay may kumatok sa aking silid "Pinuno, manganganak na si Reyna Rebecca." Agad kong binuksan ang pinto at nadatnan ang naghihingalong kawal. "Sige." At dali-dali kaming pumunta sa silid nila. Sa silid nina Athena at Zeraph at hindi ko akalaing kay bilis ng pangyayari kagaya nito. Pagkabukas ng pinto "Punong Ministro, si Rebecca!" Pag-aalalang sabi ni June. Nadatnan kong nanghihina at pinapawisan si Rebecca habang nakahiga ito sa kama. Agad ko siyang nilapitan at hinanda ang mga kailangan para sa panganganak niya. At gaya nang iniisip ng lahat ako na ang nag-paanak kay Rebecca. "Ahhh!" Sigaw ni Rebecca habang umiiyak na ito sa sakit. "Malapit na!" Tugon ko sa kanya. "Ahhhhhh!" At agad siyang nawalan ng malay. Isang batang lalaki! Tama yung pangitain ko! "Isang batang lalaki!" Ibinigay ko na sa mga kasamahan kong manggagamot ang bata at tiningnan si Rebecca. Maayos naman siya at kailangan nang magpahinga. "Ayos lang po ba ang mag-ina ko?" Halata sa mukha ni Haring June yung pag-aalala. "Oo, maayos silang dalawa kailangan lang magpahinga ng Reyna at Prinsipe." Napayuko lang ako kay June. "Maraming salamat!" Pangiting sabi nito. "Maari mo na silang puntahan." Sa pagsabi kong iyon ay tumakbo na siya papalapit sa mag-ina nya. Kasalukuyang walang malay ang Reyna dahil sa panganganak nito. Nagbunyi ulit ang kaharian dahil sa nangyari at may bagong Prinsipe na ang Sahathra. Naaawa lang ako kay Prinsesa Claire dapat siya ang nandito pero sa ngayon ay nasa ilalim pa sya ng rest seal... kawawang bata. Hindi ko magawang dalawin ang natutulog na Prinsesa sa Wolforth. Kaya pinapanalangin ko na sana ay maayos sya ngayon. Lumipas ang ilang araw... linggo... at buwan... Nasaksihan ko ang paglaki ng Prinsipe. Pero ang pinakakasabik ko ay ang pagiging isang taon na ng rest seal. Magigising na ang munting Prinsesa na si Claire! "Maari ba akong pumunta sa Wolforth?" Hiling ko sa Haring si June. "Sige, pagbibigyan kita." Pumayag siya sa gusto ko. Mabuti naman at wala siyang hinala sa maari kong gawin doon. Inalala ng Sahathra ang taong ito dahil ang dalawang magigiting na tao na namatay para iligtas ang kahariang pinamunuan nina Reyna Athena at Haring Zeraph. Pinili kong mag-isa na pumunta sa Wolforth dahil sa isang malaking lihim at yun ang muling pagtibok ng puso ni Prinsesa Claire. Habang abala ang mga Sahaths sa pag-alala sa araw nang kamatayan ng magigiting nilang Pinuno ay nag-luluksa si Haring Alexander ng Ephrione.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD