Kabanata 4: Ang Muling Pagkagising ni Claire

1732 Words
(Alexander's POV) Dinalaw namin ang isang libingan na ginawa ko para kay Helena. Ang aking pinakamamahal na babae pero nakakalungkot isipin na wala na siya. "Isang taon na ang lumipas nang maganap ang unang himagsikan na ikinamatay mo aking mahal." Hindi parin maalis sa puso ko ang galit at pagkamuhi sa mga Sahaths. Kung sana'y sinamahan kita alam kong hindi ito mangyayari. Naalala ko pa yung araw na naglakbay ako papunta sa isang malayong kaharian at sa panahon ring iyon namatay ang pinakamamahal kong si Helena. Paano na ngayong lumalaki ang anak ko na wala sa tabi niya ang kanyang ina? Dalawang taon na siya noong nakaraang buwan. Hindi ko maiwasan na kausapin ang aking sarili. "Helena inaalala mo ba kami? Maayos ka na ba ngayon? at ano ba ang dapat kong gawin?" Akay ko si Xian sa aking mga bisig habang kinakausap ko ang puntod ni Helena. Gumuho ang mga pangarap ko nang mawalay siya sa amin. "I...na! Ina!" Bulong ng munting tinig ni Xian. Isa nga akong hari ng Ephrione at sisiguraduhin kong magbabayad ang mga Sahaths! Magbabayad sila! Kasabay nang pagpatak ng aking mga luha ay bumuhos din ang malakas na ulan. Nagdadalamhati ba 'to o sadyang pinagkakaisahan ako ng lahat? "Mahal na hari! Nagbabadya ang masamang panahon at kailangan na nating umalis dito." Sabi ng aking kawal. "Sige." At agad kaming umalis. Hindi pa ngayon Sahathra ang tamang panahon para sa paghihiganti ko. Alam kong dadating ang araw na hihingin niyo ang awa ko! At sa pagkakataong yun mamamatay kayong lahat! (Lani's POV) Dalawang oras na lang at mawawala na ang bisa ng rest seal ni Reyna Athena kaya kailangan ko nang magmadali at baka mapahamak pa ang buhay ni Prinsesa Claire. Hindi na nagpakita ang dragon spirit na si Rioby matapos naming isagawa yung ritwal ilang buwan na ang lumipas. Malayo rin ang Wolforth sa Sahathra kaya maraming kapangyarihan ang magagamit ko para mapadali ang pagpunta ko doon. Sa kalagitnaan na ako ng aking paglalakabay papunta sa Wolforth nang nagdesisyon akong makipag-usap sa kaniya. "Nhite, lumabas ka!" Sigaw ko sa aking dragon spirit. "Ano ang kailangan mo Lani?" Sabi niya. Iilang nilalang lang ang nagkakaroon ng dragon spirit kahit ang mga Ephians meron din. Tanging malalakas at nararapat lang ang magkakaroon ng dragon spirit na kagaya namin. Paano ba malalaman kung ang isang nilalang ay may dragon spirit? Iyan ang tanong na palagi kong naririnig. Kapag may nakita kang apoy at buwan sa kaliwang kamay taglay niya ang dragon spirit. Si Nhite ay isang dragon spirit ng aking ama na ipinamana sa akin mabuti naman at magkasunod kaming dalawa. Tunay silang dragon at magagawa ang mga bagay na akala mo'y hindi nangyari. Pero may hangganan naman ang lahat napapagod rin sila at dapat ding pangalagaan. "Maari mo ba akong dalhin sa Wolforth?" Tanong ko sa kanya. "Diba may kapangyarihan ka nang kagaya ni Reyna Athena yung portal gate? Maari mo yung gamitin." Ang ugali ni Nhite na kagaya nito ang minsang nagpapainit ng ulo ko. "Hindi ako magaling sa ganoong technique at saka matanda na ako. Maari ka namang lumipad di ba? Kaya sasakay na lang ako sa likuran mo tama na aman yun dahil isa kang dragon spirit at may pakpak ka." Sumbat ko sa kanya. Pakunot noo niyang sabi. "Sige, payagan na yung matanda." Agad niyang binuka ang mga pakpak nito at naghahanda nang umalis. "Ano yun?" Pagalit na tanong ko sa kanya. "Wala po." Sabi ni Nhite. Paminsan-minsan ay ganito kaming dalawa kaya lang hindi lang alam ng iba. Nakalimutan niya siguro na ako ang Punong Ministro ng Sahathra? Lahat ng dragon spirit ay mga lalaki, paano sila dumadami isa rin yang katanungan ng karamihan. Sa totoo lang hindi sila dumarami at mayroong sampong dragon spirit dito sa mundo. Sadyang pinamana lang ang mga ito mula rin sa malalakas na taong namumuhay noon. Hindi ko alam kung sino ang nagmamayari sa ibang dragon spirit. "Humawak ka nang mabuti aalis na tayo." At agad na kaming lumipad. Nagsisimula na kaming lumipad at umalis sa lupa. Ang lamig ng hangin at lumulubog na ang araw. Kung hindi ako nagkakamali ngayon ang kabilugan ng buwan. Hindi ko maiwasang mamangha sa kalangitan. "May iniisip ka ba?" Tanong ni Nhite habang nasa himpapawid kami. Alalang tanong ko. "Bilang isang dragon spirit alam kong nararamdaman mo si Rioby. Tama ba?" "Oo at nasa Wolforth syia." Tama nga yung iniisip ko kagaya ng kay Nhite. "Kailangan na nating magmadali." Hindi talaga ako nagkakamali pagdating sa aking pangitain. "Ang bigat mo kaya, pero biro lang." Nagawa niya pang magbiro kagaya nito. Binatukan ko siya ng kay lakas. "Bilisan mo na ang paglipad!" "Masusunod po!" Minsan ay ganio kaming dalawa na para lang syang tao. Pero nakakamangha lang na ang mga dragon spirit ay nakakapag salita at napamahal narin si Nhite sa akin mahigit sa limangpong taon na kasi kaming magkasama siya na lang ang pamilyang meron ako. Sa kadahilanang pinagbabawalan sa mga ministro na magkaroon ng kabiyak at anak. Yung walang pamilya para ang lahat ng atensyon ay nasa kaharian at tungkulin. Tanaw ko yung mga tao na lumalakad mula sa himpapawid at ang gandang tingnan matagal tagal ko narin na hindi ginawa ito. Humawi ang mga ulap at ang isang malaking tagong bahay ang bumungad sa aming dalawa. "Nandito na tayo." Unti-unti na kaming bumaba at umapak na sa lupa. Pamangha kong sabi. "Ang bilis naman." "Ang sabi mo bilisan ang paglipad at ngayon..." Galit niyang saad. Inayos ko ang aking damit. "Sige na nga maraming salamat Nhite. Maari ka nang mamahinga. " Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at pumasok na siya sa nakaukit na selyong nasa kamay ko. Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Kay dilim at maraming dapot ang pumapaligid sa akin. Mga dahon ay nasisipagliparan at binabalot ng malamig na hangin ang buong kapaligiran. Ang Wolforth na siguro ang isa sa mga ligtas na lugar sa Sahathra. Itinatag ang lugar nito bago ikinasal sina Reyna Athena at Haring Zeraph dahil alam nilang makakatulong ito sa huli at yun rin ang nangyari. Yung sinabi ni Nhite tama siya kaya kong bukasan yung portal gate pero mapanganib para sa kalagayan ko malungkot mang isipin pero matanda na kasi ako. "Lani! Lani! " Bigla akong nakaramdam ng lamig. Yung parang may tumatawag sa akin... Tama ba yung dinig ko? o sadyang? "Lani! Lani!" Napalingon ako pero saan nang galing yung boses? Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti lumiwanag ang usok na nasa harapan ko at kung hindi ako nagkakamali ay nagpapakita siya sa akin. "Reyna Athena?!" Napayuko lang ako sa kanya ano ba dapat ba akong matakot o maging masaya? Yung pagbulong niya sa kanang teanga ko na kay lamig nang hininga niya. "Kailangan mong ilihim ang tungkol kay Claire hanggat dumating ang tamang panahon." Nagsisimula nang kumulog at kumidlat. Pautal kong sabi. "Tamang panahon?" Napaisip ako kailan ba yun?. Ramdam ko ang malamig niyang mga kamay saaking balikat habang akoy yumuyuko tanda nang pagrerespeto ko sa kaniya. "Diba may kapangyarihan kang malaman yun?" Sumbat niya. Yung tungkol doon tama siya may kakayahan akong malaman iyon. "Oo, masusunod po." Pagkaangat ko ng aking mukha para masilayan siya ay, "Nasaan na sya?" Biglang nawala?. Pagkapikit ko sa aking mga mata ay nagawa kong makita ang nangyayari sa kaharian ng Ephrione lugar nang mga taong pumatay sa aing Hari at Reyna. Bago pa siya pumasok sa palasyo ay biglang nag-ilaw ang kaniyang kamay. "Ano ang nangyayari? Kumikislap? Ano ba ang pahiwatig ni Jiruz na aking dragon spirit?" Bulong ni Haring Alexander sa kaniyang sarili. Pagka-angat niya sa kaliwang kamay nito. "Magpakita ka Jiruz!" Ganoon lang ang pagkabahala niya nang hindisinunod ni Jiruz ang utos nito. Ramdam ko ang p*******t ng aking mga mata kaya agad ko nang minulat ang mga ito. Bahagya akong napatawa hanggang sa napasigaw ako. "Hindi mo malalaman Haring Alexander yung gustong sabihin sayo ng dragon spirit mo at mabuti na lang nagawa ko yung spell ang galing ko talaga! Ang galing mo Lani." "Ginamit mo yung ritzuo?" "Bakit ka naman sumusulpot Nhite?" Humihina ang kapangyarihan ko kapag ginamit ko ang spell na sinabi niya. "Hindi saklaw ng spell na ritzuo yung katulad ko. At alalahanin mong ikaw kaya ang gumamit ng spell. " Nauunawaan niya na ang mga bagay-bagay. Totoong hindi saklaw ng ritzuo yung dragon spirit ng gumagamit nito. Hindi ko na siya pinansin at tumungo sa sulok kung saan ko inilibing ang Prinsesa. Kaya sinimulan ko na ang pagbungkal sa pinaglibingan ko sa munting prinsesa kaya ilang minuto na lang ang naiwan at muling titibok ang puso niya. Pagkakita ko sa sa silyadong kahon ay agad kong nilapat ang may selyado kong kamay ng dragon spirit at agad itong nabuksan. Yakap-yakap ko sya sa aking bisig nakakaawa siyang tingnan at kulay abo yung sanggol kaunting hintay lang... Unti-unting dumaloy yung dugo sa mukha niya. Nagkakakulay na siya nangyon at kay sarap pakinggan ang unang pagtibok ng kaniyang puso. Hanggang sa... "Owahhhhh! Owahhhh!" Narinig ko narin sa wakas yung pag-iyak niya ang sarap pakinggan! Hindi ko mapigilang umiyak sa tuwa at galak. Pero may napansin ako sa sanggol. "Tama nga! Nagmamayari na siya ng isang dragon spirit!" Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa sanggol na umiiyak. Taglay niya ang pinakamalakas na dragon spirit na si Rioby. Patuloy pa rin sa pag-iiyak ang sanggol kaya napatitig lang ako kay Nhite. "Oo alam ko na!" At bigla siyang nag-anyong tao isang kakayahan nya yun. Pangiti kong saad. "Maraming salamat," tumayo na ako at pumasok sa bahay habang si Nhite ay inayos yung pinagbungkalan ko para walang makahalata. "Owah!" Pag-iiyak ng batang naghahanap nang kalinga ng isang ina. Nilapat ko ang aking kamay sa kulay rosas niyang pisngi sabay sabing. "Tumahan ka na munting Prinsesa Claire." Sabay binigay ko ng gatas sa kaniya mula pa sa Sahathra at mabuti naman tumahan na siya sa kakaiyak. Isang magandang sanggol si Claire at magkamukha sila ni Athena noong bata pa ang Inang Reyna nito. "Anong gagawin mo sa sanggol?" Tanong ni Nhite. Napapaisip lang ako habang akay ko si Prinsesa Claire. Ang nasa harapan ko'y isang lalaki na nasa dalawangpung taon, makisig, matalino at siguradong habulin ng mga babae. "May iniisip ka ba?" Sabay tapon niya sa palakol na hawak nito.Iyon lang ay isa siyang dragon spirit na kayang mag-anyong tao. Mahinahon kong sabi. "Mapapahamak siya kung may makakaalam na taglay niya ang dragon spirit na si Rioby. May magagawa pa naman ako." Hinanda ko na ang mga kagamitan para sa isasagawa kong ritwal. "Ano naman yun?" Takang tanong niya. "Pansamantala lang na bubura yung sagisag." At napangiti lang ako sa kanya. "Hindi mo yun pwedeng gawin." Pagpipigil ni Nhite. "Kung para sa ikabubuti ng lahat gagawin ko ito." Nakapag-desisyon na ako na gamitin yung spell na ang kapalit ay yung buhay ko. Halata sa mukha ni Nhite ang pag-aalala. "Pero..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD