Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat nito habang akay ko ang Prinsesa. "Kapalaran kong pangalagaan ang kahariang Sahathra at alam kong ito ang makakabuti para sa lahat kaya Nhite... Bumalik ka na sa kamay ko." Hindi na siya umimik at sinunod yung sinabi ko.
Sinimulan ko na ang ritwal. Nilapag ang bata sa harapan ko at gamit ang isang punyal ay sinugatan ko ang aking kaliwang kamay. Pinatakan ang sagisag ng sanggol at nagbitiw ng ilang spell.
"Dinggin ang himig ng puso. Pusong nag-aalala para sa nakakarami... pil ho tah yun jart kal ngun, pil ho tah yun jart kal ngun, pil ho tah yun jart kal ngun..." Unti-unting bumubura ang sagisag ng dragon spirit sa kaliwang kamay ng bata.
"Pil ho tah yun jart kal ngun, pil ho tah yun jart kal ngun, pil ho tah yun jart kal ngun... Dinggin ang himig ng puso. Pusong nag-aalala para sa nakakarami." Ramdam ko yung pagtusok sa puso ko ang sakit at unti-unti akong nanghihina.
Sa wakas at nabura na yung sagisag...!
Labingpitong taon ang tagal ng spell at pagkatapos ng bisa nito ay mamamatay na ako.
Ang spell na derta ay nakakamamatay at maaring itago ang sagisag ng isang nagmamayari ng dragon spirit. Unti-unti ka nitong pinapatay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakakalason na ugat sa iyong puso.
Muling umiyak ng kay lakas ang bata.
"Mukhang nagising ka sa ritwal ko Claire, huwag ka nang umiyak anak." Simula sa araw na ito ay tinuri ko na siyang anak.
Mahigit sa tatlong buwan bago ako bumalik sa Sahathra. Hinintay ko muna na lumaki si Claire kung nandito lang sana si Athena at Zeraph alam kong maalagaan siya nang maayos.
Ito na ang tamang panahon na kami'y umuwi na. "Nhite, lumabas ka!" Sa isang kumpas ko'y lumabas na siya.
"Uuwi na po ba tayo, Lani?" Hinanda na nito ang likuran niya para makasakay na kami ng sanggol.
Masayang saad ko. "Oo, " at agad naman kaming sumampa sa likod nito at umalis. Sinigurado kong walang may naiiwan sa lugar na iyon. Kahit malit na bagay na magpapaalala sa sanggol at kung hindi ako nagkakamali ay ngayon rin yung pagtatapos ng bisa ng ritzuo.
Pinahayag ko rin sa hari na ngayon na ang pag-uwi ko sa Sahathra.... Pero hindi ko sinabi ang tungkol sa sanggol.
Mabibigla kaya sila sa pag-uwi ko? o matutuwa?
May kakayahan akong makarinig ng ilang salita na kagaya nga nang pag-uusap na ito bago lumapag kami sa kaharian ng Sahathra.
"Mahal na hari parating na po ang punong babaylan." Pagpapaalala ng kawal kay June.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw ko siya at sa tingin ko'y pansin niya ang niyayakap ko. Sana'y magiging maayos ang lahat kagaya noong nakaraang mga buwan.
Ibang-iba ang pagkakatitig niya sa akin. Mukhang malalim ang iniisip nito o may balak siyang gawin na labag sa iniisip ko. Rinig ko ang pagkasabi niyang,
"Mga kawal sumama kayo sa akin." At agad silang pumunta sa labas ng palasyo para salubungin ang pagdating ko.
"Masusunod mahal na hari."
Tugon ng mga ito sa kaniya.
"Dahan-dahan lang sa pagbaba Nhite." Niyakap ko si Claire nang mahigpit.
"Lalapag na tayo." Babala ni Nhite.
Napatakip ng mukha ang mga taong naghihintay sa amin nang lumapag kami.
Napalakas ang pagaspas ni Nhite sa mga pakpak nito. "Sabi ko dahan dahan lang Nhite."
"Patawad, kailangan ko nang magbawas ng timbang." Masyado na siyang malaki hindi kagaya ng dati.
Pagbibiro ko, "Mabuti at napansin mong lumalaki ka nga."
"Punong Ministro, maligayang pagbabalik." Bati sa akin ni Rebecca habang akay nito si Prinsepe Luke.
"Maraming salamat sa pagbati mahal na Reyna." Kitang-kita ko yung pagngiti nya nang tinawag ko syang reyna.
Tinitigan niya nang mabuti ang hawak ko. "Bakit po may dala kayong..."
Mapapansin talaga nila si Claire kaya agad na akong nagsabi. "Claire ang pangalan nya... May nag-iwan sa kanya sa Wolforth." Matagal ang pagkatitig nya sa bata.
Hinawakan niya ang pisngi ni Claire. "Ang gandang bata." Sabi niya pa.
"Naawa ako sa kanya kay nagpasaya akong maging ina ni Claire." Biglang dumating si June kasama ang mga kawal nito.
"Kailangan mo narin ng kasama, Punong Ministro." Sadyang mabait ba si Rebecca o may hinala na sya?
"Maligayang pagdating Punong Ministro Lani at sa dragon spirit mong si Nhite." Napatitig si June sa dala kong sanggol.
Sinabi ko kay June kung ano man ang sinabi ko kay Rebecca kaya naunawaan nya.
"Magpahinga ka na Nhite." Inangat ko ang aking kaliwang kamay at pumasok na siya.
Mahigit sa isang taong gulang na si Luke ang anak ng hari at reyna. Pero ang anak na lalaki ni Helena at Alexander ng Ephrione na si Xian dalawang taong gulang na oo ganoon na nga.
"Alam naming pagod na kayo punong ministro. Napahanda na namin ang iyong silid pumasok na po tayo sa palasyo." Paanyaya ni Rebecca habang akay nya si Prinsepe Luke.
Tumango ako sabay sabing. "Sige."
Nakatitig sa amin ang mga tauhan sa palasyo inaalam kung ano ang hawak-hawak ko.
Hindi magtatagal ay malaman na man nila na isang batang babae to... Pero sisiguraduhin kong hindi nila malalaman na anak ng
unang reyna si Claire, anak ni Athena at Zeraph hanggat hindi dumating ang tamang panahon.
"Punong Ministro." Bati ng mga kasamahan ko sa council.
Kagaya ni Rebecca at June ay tinanong nila ang tungkol kay Claire ganoon parin ang sagot ko sa kanila.
"Maari din syang maging Ministro, Pinunong Lani." Mungkahi ng isang Ministro.
"May nakalaang gawin ang batang 'to." Sabay ngiti ko kay Claire.
"Ibig sabihin lang 'yan ayaw mo sya maging babaylan, tama ba?" Nagpakita si Yanah, dating ministro.
Kitang-kita ang pagkaumbok ng tiyan nya na parang puputok. Tama ang iniisip mo, buntis sya. Pinili nya na magkaroon ng pamilya kaysa ipagpatuloy
ang pagiging ministro nito.
"Yanah, napadalaw ka." Sabay ngiti ko.
"Dinadalaw ko lang si Hexzus." Si Hexzus ang kabiyak ni Yanah na isang pinuno na ngayon ng mga kawal ng Sahathra.
Sa pagkatitig ko sa tiyan ni Yanah alam kong magiging babae ang anak nya. "Kung hindi ako magkakamali isang babae ang anak mo?" Napahimas sya sa tiyan nito at na bigla ang mga kasamahan ko.
Ilan lang ang may kakayahan na malaman ang kasarian na magiging anak ng isang ina. Kagaya ko'y may kakayahan din si Yanah na malaman yun. "Tama ang yung sinabi, punong ministro." At agad siyang umalis.
May natutunan ding spell si Yanah kahit papaano dahil dalawang taon din ang tinagal nya sa palasyo bilang ministro. May kakayahan sya na maging magaling na ministro na maaring magtulak sa kanya bilang maging pinuno pero iba ang pinili nya ang mamuhay na kasama ang kabiyak nito.
"Maari ko bang mayakap sa aking mga bisig si Claire?" Hiling ng kasamahan ko.
"Sige. " At agad kong inabot yung bata sa kanya.
May panibagong pamilya ang council namin. Isang bata na taglay si Rioby na hindi nila alam.
"Pumunta na po tayo sa silid niyo pinuno."
Habang naglalakad kami at ang natutulog na si Claire ay akay-akay ng kasamahan ko bigla kong naisip. Ano kaya ang nangyayari kung buhay ang dating hari at reyna? magkakaganito ba si Claire?
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang usapang biglang nawala sa isip ko.
Habang naglalakad sila ni June papunta sa kanilang silid ay hindi niya naiwasang magtanong sa kabiyak nito. "June may na halata ka ba sa punong ministro?" Kaba ang bigla kong naramdaman.
"Ano ba dapat ang isipin ko?" Humingi sya nang inumin sa isang kawal at ininom ito.
"Diba hindi sya mahilig sa mga bata? bakit inampon nya yung si Claire?"
"Matanda na si Punong ministro Lani kaya gusto nya siguro na may mag-alaga sa kanya kung paalisin ko sya sa pagiging pinuno ng council." Ano ba ang iniisip nila!
"Anong ibig mong sabihin mahal?" Pinaalis niya ang mga kawal at kasamahan nito sa silid para magkausap sila nang masinsinan.
"Alam naman natin na lubos niyang ginagalang at sinisilbi ang dating hari't reyna kaya mahihirapan tayong gawin ang gusto natin kung nandito ang matandang yun." Bulong nya kay Rebecca.
Tama rin ang sinasabi nya hadlang ang pinunong babaylan sa mga gusto naming gawin. " maghintay lang tayo ng tamang dahilan at pagkakataon na mapaalis sya dito sa palasyo..." dagdag nya pa.
Matagal ng gusto ni June na maging hari ng Sahathra kahit bata pa ito ay pinangarap nya na yun... ang magiging hari ng Sahathra.
Dinig ko ang tawanan at pag-uusap ng hari't reyna. Alam ko naman na mangyayari yun kaya matagal ko nang pinaghandaan ang plano nila.
Agad kong dinilat ang aking mga mata. "Maraming salamat sa paghatid sa amin ni Claire." Agad kong kinuha ang natutulog na sanggol.
"Sige, mauna na po kami punong ministro." Unti-unti na silang nasipag-alisan at pumasok na ako sa aking silid.
"Alam kong narinig mo ang pag-uusap nila, Lani." Biglang lumitaw si Nhite na naka-anyong tao.
Pagkalapag ko kay Claire sa aking higaan.
"Para kang kabute!" Inayos ko yung mga unan para mahimbing ang pagtulog ni Claire.
"Tsss! Tingnan mo! tao ako! sige na nga dragon spirit
na nag-anyong tao! yan tama na! sandali lang bakit iniba mo yung ating pinag-uusapan?" At napansin niya rin ito.
"Huwag kang maingay baka magising si Claire. Oo narinig ko yung pag-uusap nila." Napaupo lang ako sa isang silya at nakipag-usap kay Nhite.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pinag-uusapan nilang dalawa sa halip ay pinagtunan ko lang si Claire.
Lumipas ang ilang araw...
linggo...
buwan...
at taon...
"Maligayang kaarawan Claire!" Dinala ko sya sa paboritong kainan niya.
"Wow! spatiti" Napatalon sya nang makita nya ang paboritong pagkain nito.
Hinimas ko ang buhok niya. "Anak, Spaghetti hindi yung spatiti." Limang taong gulang na ngayon si Claire.
"Spa..ghe.tti..." Sabi nya at agad sinubo yung pagkain.
"Hinay-hinay lang Claire baka mabulunan ka niyan!" At sinunod nya naman yung sinabi ko.
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ina, maraming salamat!" Sabay ngiti nya. Kasing bait nya talaga ang tunay nyang ina na si Athena.
"Pagkatapos mong kumain nyan bibili tayo ng maraming teddy bear." Nanlaki yung mga mata niya matapos nyang marinig na bibili kami ng maraming teddy bear.
Tumayo siya sabay sigaw. "Tapos na po!" Ang takaw! Kagaya ng ama nitong si Zeraph.
"Bumili po tayo ng maraming teddy bear!" Napatalon siya sa saya.
"Sige, sandali lang," agad kong kinuha ang aking pera. "Magkano po lahat ng kinain namin?" Tanong ko sa naghahanda ng pagkain.
"Isang daan at dalawangpung pesos po." At agad kong binigay ang pera.
"Bibili na po tayo?" Sabik na sabik siyang bumili may pagkamakulit ang batang ito.
"Oo." Umalis na kami sa tindahang 'yun at humanap ng nagbibenta ng teddy bears.
Magkahawig ng mukha si Athena at Claire kahit sino ay yun ang sinasabi. Kung alam lang nila na anak talaga ng unang sorceress at dating reyna si Claire siguradong magugulat sila.
"Gusto ko po ng yun!" Sabay turo niya ng maraming teddy bear at agad ko namang binili.
"'Yan, dito ka lang
muna may pupuntahan lang si ina hintayin mo lang ako dito." Binili ko na yung gusto niya at bilin ko sa kanya na hindi sya aalis dahil bibilhan ko pa sya ng damit.
"Opo," umupo sya hawak-hawak yung pinamili namin habang abala siya ay agad akong umalis.