(Xian's POV)
Hindi ko namalayan na napadpad na kami ni Jiruz sa lugar ng Sahathra. Hinawi ko yung mga nadadaanan naming tanim. Masukal man pero nakakamangha talaga yung aking nakikita.
Pinagbabawalan 'yun ng aming lupaing Ephrione na pumunta sa lugar na ito dahil mortal naming kaaway ang mga taga-Sahathra. Mula pa sa aming ninuno magpahanggang ngayon. Kahit sinasabi nilang mga bata lang kami ganoon pa man ay mulat kami sa mga bagay-bagay na tungkol dito.
Agad namang pumagaspas ang mahahaba at malalapad na pakpak ng aking dragon spirit. "Mahal na prinsepe, bawal po tayo dito." Sabi ni Jiruz habang lumilipad kami.
Malakas ang ihip ng hangin at tanaw ko yung pagkakaiba ng dalawang kaharian mula sa isa’t isa. Dinuro ko naman ang isang sulok na punong-puno nang galak. "Ang daming tao maari mo bang ibaba ako doon?" At agad niyang sinunod ang sinabi ko.
Hindi ko naman akalaing may mag-iingay. "Meowww!" Kasama ko pala yung alaga kong pusa na si Rose.
Pagkalapag namin ay agad na tumakbo papalayo si Rose. "Saan ka pupunta, Rose!" Pagsisigaw ko pa. Hanggang sa nawala siya sa paningin ko.
"Kailangan na po nating umalis mahal na prinsepe!" Nanggagalaiting sabi ni Jiruz.
Mas pinili ko pang hindi siya pansinin. "Pero paano si Rose? Hahanapin ko sya." At agad akong tumakbo papalayo kay Jiruz.
"Mahal na prinsepe!" Pagsisigaw niya.
Ano ba ang pinagkaiba ng mga taga-Ephrione na kagaya ko kaysa mga taong taga-Sahathra?
Malalaman mo yun sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata.
Ang mga mata ng mga Sahaths ay kulay itim at yung sa amin naman ay kulay asul.
Napatigil ako sa pagtakbo at nag-tago ng may narinig ako.
"Wow pusa! Meow, meow." Sabi ng isang batang babae na lumapit kay Rose. Nakakagulat tingnan na napapaamo niya ang masungit kong pusa.
"Mahal na prinsepe kailangan na nating umalis!" Bulong sa akin ni Jiruz na nag-anyong tao. Ano, agad siyang nandito? Hanep naman itong dragon spirit ni Amang Hari.
Pagupumilit ko pa. "Hindi ako aalis hangga’t hindi ko makuha ang pusa ko!" Sigaw ko sa kanya kaya napalingon ang batang babae sa amin.
"Sino yan?" Agad niyang niyakap ang pusa ko na aking kinagalit kaya nilapitan ko sya.
Pagduduro ko pa. "Pusa ko yan!" Pagalit na sinabi ko. Mukhang nasa limang taong gulang ang batang babaeng 'to kung hindi ako nagkakamali.
"Hindi ko naman sinasabi na akin to eh!" Nagsisimula na syang umiyak. Hindi ko naman sya sinapak ha? o tinadyak man lang.
"Bata huwag ka nang umiyak." Patahan ni Jiruz sa kaniya.
Nag-ingay naman yung aming pinag-aagawan. "Meow, meowww." At ang pusa ko naman nagpapaamo sa babaeng yun.
"Hali kana Rose." Pilit ko siyang kinuha.
"Heto," at agad niyang binigay sa akin si Rose. Wow, ang dami nyang teddy bear. Gusto kong humingi.
Tinitigan niya ako at tila ay alam niya kung ano ang nasa isipan ko. "Gusto mo?" Binigay niya sa akin yung kulay asul na teddy bear. Hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin yun eh.
"Salamat," ningitian ko siya habang niyakap koang binigay niya.
"Friends?" Napatitig ako sa mga mata nya at napaisip... Ang ganda nya lalo nang ngumiti siya.
"Sige," At agad ko syang kinamayan. Alam nya ba na isa akong taga-Ephrione?
At helto hindi nga ako nagkamali. "Batay sa kulay ng mga mata mo isa kang Ephians?" Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. "Huwag kang mag-aalala hindi ko sasabihin sa iba." Bulong niya sa akin sabay ngiti niya pa.
"Maraming salamat at patawad sa inasal ko ha." Napatitig ako sa maganda niyang mukha. Pitong taong gulang lang ako pero ano ba tong nararamdaman ko?
Pautal niyang sabi. "Ok lang yun at nakakatuwa naman ang alaga mong pusa." Napahawak siya kay Rose.
"Oo,” bigla naman ako napautal. “A—yan, maari ko bang malaman yung pangalan mo?" Bigla akong namula at napansin yun ni Jiruz kaya tumawa to. Ang sarap upakan.
Pangiti niya pang sabi, "Claire at ikaw naman si?" Dapat niya bang malaman ang pangalan ko? Ayusin mo Xian ha? Bakit ba ako nagkakaganito? Nawawala yung boses ko.
"Ah, a—ko ak—o si, " pautal-utal na sinabi ko.
Biglang may sumigaw ng, "Claire! Claire! anak!"
"Kailangan na po nating umalis." Iniba ni Jiruz ang anyo nito bilang dragon kaya natakot si Claire.
"Hindi mo pa nasasabi sa akin yung pangalan mo." Sigaw niya.
Sumampa na ako kay Jiruz hawak-hawak yung binigay niyang teddy bear at si Rose.
"Ako si..." lumipad na si Jiruz papalayo sa kanya.
"Jiruz, hindi ko pa nasabi kay Claire yung pangalan ko! Nakakainis ka naman!" Sabay batok ko sa kanya.
“Ilalaglag kita!" Kaya tumahimik na ako mahirap na baka ituloy nya pa yung sinabi nya.
Habang papaalis kami ni Jiruz ay hindi maalis ang pagkakatitig ko sa mukha ni Claire. Hindi ko rin na sabi sa kanya na ako si Xian ang prinsepe ng Ephrione.
-_-_-_-_-
Nakarating kay Haring June ang tungkol sa isang batang taga-Ephrione na nakausap ni Claire. Ang nakakagulat pa ay anak 'yun ni Alexander hari ng Ephrione na mortal na kalabang ng mga Sahaths.
Siguradong gagamitin ni June at Rebecca ang pagkakataong 'to para patawan nang parusa ang Punong Ministro o babaylan na si Lani.
Agad silang lumipat ng tirahan kasama ang munting prinsesa sa Wolforth medyo malayo sa palasyo pero mas mabuti na rin 'yun para sa kanila. Kung iisipin nga silang dalawa lang ang nandito bukod sa dragon spirit nilang sina Rioby at Nhite.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid. "Ina! ina!" Pangiyak-ngiyak na sabi ni Claire habang pinupunas nito ang mga luhang nasa mukha niya. Ilanga raw rin ang lumpias nang tumakas sila nang malaman ng bagong Hari at Reyna ang tungkol kay Xian.
Binuksan niya ang pinto para makapasok ito pero ikinabigla niya ang ginawa ng batang si Claire. "Patawad ina," sabay hagulgol na iyak ng bata.
Niyakap siya ni Claire nang mahigpit.
Bilang ina ay agad nitong pinatahan ang munting bata. "Shhh, bakit ka umiiyak anak ha?" Hindi parin sya tumigil sa pag-iiyak.
Pasinok na sabi ng kawawang bata. "Nanaginip po ako na inaaway ka ng madaming tao dahil sa akin! Patawad ina." Kaya niyakap siya ng Punong babaylan at pinatahan.
"Panaginip lang yun anak." Inangat niya ang mukha nito na nag-aalala. Hinawi ang magulong buhok ni Claire at ang mga luhang lungkot ang dala.
Bigla namang nagsasalaysay ang munting bata. "Nakita ko pa ina na umaapoy ang kamay ko at may lumabas na dragon. Nakakatakot yung mukha nya!" Ang nasa isip ni Lani ay si Rioby. Pero labing-pitong taon ang tinatagal ng spell na ginawa niya kaya hindi 'yun pwedeng mangyari.
"Dito ka na lang matulog anak para hindi kana matakot." Kinuha niya yung teddy bear na yakap ni Claire.
"Takot na takot po ako." Kinarga niya ang bata at pinahiga sa kaniyang kama.
"Nasaan ba yung asul na teddy bear na binili ko?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Binigay ko po sa batang may pusa." Napakunot noo siya at alam na si Xian ang tinutukoy nito.
Sa kalagitnaan ng gabi habang pinapatulog nito ang anak niyang si Claire ay dinalangin niyang. "Sana ang panaginip na 'yun ay hindi na magkatotoo."