Kabanata 7: Ang Paghatol kay Lani

1402 Words
(Xian's POV) KINAUMAGA SA LUGAR NG EPHRIONE Narinig ko na lang ang tinig ni Amang Hari. "Anak, bakit parati mo yang pinagmamasdan?" Ang tinutukoy niya ay yung asul na teddy bear na nasa higaan ko. Lumingon ako sa kaniya sabay sabi ng, "bigay po yan ng kaibigan ko." Espesyal na kaibigan. At isang lihim n asana ay hindi malalaman ni Amang Hari. Tumayo ako at lumakad. Maya’t maya ay may napansin akong kasam ni Ama. "Ang kisig mong tingnan mahal na prinsepe." Papuri nang nag-aayos ng damit ko ng siya ay lumapit sa akin. Pangiweng bibig na saad ko. "Kailangan po bang mag-aral ako Amang hari?" Isa sa mga bagay na nababagot ako. At mas mainam kung maglalaro ako ng buong magdamag. Pero hindi ko naman ikinasaya yung mga narinig ko mula sa kaniya. "Oo, kailangan mo yun." At ginulo niya ang buhok ko na inayos ko pa naman to nang mabuti. May naisip naman ako na palusot sa kaniya. "Ahh, pagtuturo lang po dun kung paano gamitin yung kapangyarihan eh! Ikaw na lang po ang magturo sa akin... sige na po!" Ayaw ko talagang mag-aral at mapalayo sa aking ama siya na lang kasi ang naiwan sa akin. "Hindi pwede." Inihatid nya na ako sa labas ng palasyo. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Ama!" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Jiruz, ikaw na ang bahala sa kanya." Pero mas pinili niyang bitawan ang kamay ko. "Masusunod Haring Alexander." Dragon spirit pa ang pinasama sa akin siguradong matatakot ang mga kaklase ko sa kanya. At bakit hawak ni Jiruz yung teddy bear ko? Tinanong ko si Jiruz kung bakit na sa kanya yung teddy bear ko. "Psttt! Jiruz, bakit hawak hawak mo yan?" Pilit kung kunin sana yung binigay ni Claire. Pero napakaliksi niya naman. Tiningnan niya ako na may halong pang-aasar. "Hoi! huwag mo 'tong hawakan! " Sabay palayo niya ng teddy bear sa akin nakakainis naman oh! Agad ko siyang sinugod at nagpupumilit na kunin ang hawak niya. "Akin yan eh!" pagdadahilan ko pa. Ngumiti siya sa akin sabay pagalaw pa nito ng kaniyang mga kilay. "Gusto mo bang umapoy ang laruang to?" Lagot! Nagbabanta na siya sa ngayon. Kung hindi lang talaga dragon spirit itong si Jiruz, makakatikim talaga ito sa akin. "Tama na yan! Umalis na kayong dalawa." Utos ni Ama. "Umalis na tayo! Narinig mo na yun diba?" Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako kay Jiruz. Dahil ba sa kinuha nya yung teddy bear ko? o sadyang inaasar nya talaga ako? Sa pagsampa ko sa kaniyang likuran ay nagsabi ito. "Humanda ka na dahil lilipad na tayo." Sabi nya. Paminsan-minsan may kabaitan rin tong si Jiruz kung natutulog. Mula sa himpapawid ay nakikita ko yung mga tao ng Ephrione. Palakad-lakad at mukhang abala sa mga gawain. Minsan sinabi sa akin ni Amang Hari na dadating ang araw na ako ang mamumuno sa kahariang 'to pero, makakaya ko kaya yun? Napayuko na lang ako kung maalala ko kung gaano ako ka taas sa mga paningin ng ibsang tao. "Bakit ang lalim ng iniisip mo mahal na prinsepe?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jiruz. May mga bagay akong naiisip kahit ako ay nasa mura kong edad. Yung mga bagay na kung sana. "Kung hindi ba namatay si Inang Reyna ano kaya ang nangyayari ngayon sa kaharian at sa akin?" Nasasabik ako sa yumao kong Ina. Kung sana lang ay nandito siya siguradong hindi umiiyak si Ama. Mas pinili kong makinig sa mga pinagsasabi ni Jiruz habang nasa himpapawid kaming dalawa. "Isa sa pinakamakapangyarihan si Helena ang iyong ina. Pero namatay siya dahil pinagkaisahan sya ng dating hari at reyna ng Sahathra. ang tinutukoy ko ay si Haring Zeraph at Reyna Athena." Ngayon lang nakapag-usap ng ganito si Jiruz sa akin. Kung tatanungin ko si Amang Hari ay nagagalit sya mabuti na lang kahit ganito ay nalalaman ko rin ang katotohanan. Kung hindi dahil sa Hari at Reyna ng Sahathra hindi sana namatay ang pinakamamahal kong Ina. Bigla akong nakawamdam nang galit kahit wala pa ako sa pangyayaring iyon. "Ang sama pala nila Jiruz." Pinipigilan ko lang umiyak dahil ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak lalo na ang isang prinsepe! Dahil isang kahinaan kung ako ay iiyak. Diinang sami ni Jiruz sa akin. "Kaya hindi ka dapat makipag-kaibigan kay Claire." Pansamantala siyang tumigil at inangat ang kanina'y hawak nito. "At itong ibinigay niyang teddy bear ay dapat nating itapon!" Napatulala ako sa ginawa niyang paghagis sa ibinigay sa akin ng batang babae. Sinundan naman ng kamay ko para ito sana ay abutin pero huli na ang lahat. Wala na, nahulog na nang ganoon ganoon na lang. "Tinapon mo talaga ha!" Pagalit na sabi ko sa kanya. Pero tama naman yung ginawa niya, yung dating hari at reyna ng Sahathra ang pumatay sa aking ina kaya dapat ay iwasan ko si Claire na isa ring kauri nila. Dahang-dahan kaming dumaan sa pagitan ng Sahathra at Ephrione kapag nagkamali lang kaming dalawa ay lagot talaga! Sa likuran namin ay ang ilang sundalo ng Ephrione na nakasakay sa mga lumilipad na kabayong may pakpak. Marami mang mga bagay na hindi ko alam pero darating ang araw na makakaganti kami sa Sahathra. Lalo na maipaghiganti ko ang aking yumaong ina. (Claire's POV) Mga katok ang naririnig ko mula sa labas ng bahay kaya agad na lumabas si Ina habang ako'y nagkunwaring tulog. "Magandang umaga Punong Ministro." Bati ng kausap ni Ina. Mas pinili kong magpanggap habang nakikinig sa kanilang pag-uusap. "Magandang araw din sa inyo." Tinig ni Ina. Kinabahan ako nang marinig ang isang lalaki na sinabi niyang. "Pinatatawag po kayo ng council ukol sa nangyari dalawang araw na ang lumipas." Kung hindi ako nagkamali ay yun ang araw kung saan ay sangkot ako at ang batang lalaki na mula sa Ephrione. "Sasama ako pero huwag nyo nang idamay si Claire ang anak ko." Alalang saad ni Ina. "Patawad pero..." Agad kong naramdaman ang pagyanig ng buong bahay kaya umiyak akong umupo. Narinig ko nalang yung sigaw ni Ina na kay lakas. "Nhite, lumabas ka!" Kung hindi ako nagkakamali may nangyayaring hindi maganda. "Gusto nyo bang maging inihaw?" Sabi ni Nhite at biglang lumiwanag ang isang sulok kung saan nandoon si Ina. "Mag-paiwan ka dito Nhite at samahan mo muna si Claire." Bilin ni Ina kaya agad kong sinuot ang aking mga tsinelas at tumakbo papunta sa kaniya. Nakita ko na lang ang lalaking umaapoy na tumango kay Ina. "Sumama ka na sa amin punong ministro" Kitang-kita ko ang paglabas ni Ina kasama ang ilang kawal na mga Sahaths. Hindi ba pwedeng pagbigyan nila ako nang pagkakataon para magpaliwanag? O di kaya ay isa pang pagkakataon na hinding-hindi ko na iyon uulitin pa. Mula sa malayo ay tanaw ko si Ina at ngayon ako na lang at ang kaniyang dragon spirit ang natira. Kaya na paupo ako at inialala ang mga nangyari kanina. At ganitong-ganito ang nangyari… Dinig ko yung may kumatok sa pintuan at dali-daling binuksan ni Ina na akala ko'y aming bisita pero mga kawal pala ng Sahathra. Yung magiliw nilang pagbati kay ina ay may kasama pa lang panganib. Yakap-yakap ang teddy bear na binili nya ay naalala ko yung aking panaginip. Nakakatakot, nakakapanlumo at nakakaiyak hindi ko gusto na ganun ang mangyari kay ina. Masama bang makipagkaibigan? wala naman diba? Pero bakit sila ganoon! Sumilip ako sa isang maliit na butas ng aming bahay para masilayan lang siya hanggang sa nawala na sila sa aking paningin. Ang dami pa naman ng mga kawal ganun na ba kasama si Ina? "Nandito ka pala Claire!" Tanging si Nhite na lang ngayon ang kasama ko. "Gusto kong sumama kay ina!" Tumakbo ako papalabas sa pintuan pero pinigilan nya ako. Mabilis pa siya sa hangin na lumipat sa harapan ko. "Anong laban mo sa kanila?" Galit niya pang saad. "Pero..." Napayuko lang ako at patuloy na umiyak. "Magkakatotoo 'yung panaginip mo kaya ihanda mo na ang iyong sarili." Ano? Yung panaginip ko na pupugutan ng ulo si Ina? Parang nandilim ang mga mata ko nang marinig 'yun mula kay Nhite. Nagsimulang uminit yung katawan ko at dali dali akong pumasok sa silid ni ina at sinara ang pinto. "Claire! buksan mo to!" Habang nagsisigaw si Nhite. Galit ang nag-lalaro sa aking isipangusto kong sumigaw at manuntok! Bigla akong may nakitang pangyayari nang ipinikit ko ang aking mga mata at tila'y may nagsasalitang matandang babae kung hindi ako nagkakamali si Ina yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD