Kabanata 8: Tulong

1431 Words
SA PALASYO NG SAHATHRA (Claire’s POV) Nakikita ko si Ina mula sa malayo, dama at dinig ko ang nararamdaman niya ngayon. At ito ang saad niya... Yung tensyon sa paligid ay nakikita at nariribig ng lahat. Ano na kaya kaya ang mangyayari sa amin? Yung mga tingin ng mga taong nadadaanan namin ay may halong pagkutya at panliliit sa akin. Kalat na kalat ang balita na kaming dalawa ni Claire ay tagapagmatyag ng Ephrione na hindi naman totoo. Nagkataon lang na nagkita ang prinsepe ng Ephrione at si Claire. Wala namang alam ang mga bata tungkol sa himagsikan at sigalot ng dalawang kaharian. Ang mga titig niya ay nagpapahiwatig sa kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon. Hindi niya man sasabihin pero nakikita ko sa kaniya iyon. "Nandito ka pala Punong Ministro." Sabay ngiti ni June. "Ang saya natin mahal na hari." Sabi ko sa kanya. "Alam mo naman kung ano ang parusa sa pagtataksil mo sa ating kaharian diba?" Hindi talaga ako nagkamali at nag-iba na talaga ang asal ni June. "Maluwag kong tanggapin ang gusto mong mangyari mahal na hari." Alam kong wala kaming kasalanan pero kung ganito sya... wala na akong magagawa. "Dalhin sya sa kanyang kulungan." Agad akong dinala sa sinabi nito. Matapos makita ang pangyayaring iyon ay nagawa kong imulat ang aking mga mata. Nag-hintay ako ng ilang araw para sa pagbabalik ni Ina hanggang apat na araw ay wala pa rin siya. Hanggang sa... Mabuti naman at nakita ko na ang aklat na ito. Inangat niya iyon at nakatitig naman ako doon. Hindi ko na nagawang makapag-isip nang maayos. "Aklat yan ng Ina mo!" Pagpipigil sa akin ni Nhite. Kay hirap naman hanapin ang aklat na ito at mabuti na lang at nakuha koi to ngayon. "Nakikinig ka ba?" Bigla niyang kinuha ang aklat sa akin pero bago nya pa nagawa yun ay... Bigla ko namang binantaan si Nhite at sa ngayon ay hindi ko na binabasa yung nasa isipan ni Ina. "Huwag kang lumapit sa akin!" Hinawakan ko sya sa kamay at sa isang iglap ay natapon ko sya sa isang sulok na kinabigla namin. "Paa—nong.” Pautal na sabi nya. Tama naman si Nhite paano ako nagkaroon nang lakas na ganoon? Napatitig lang ako sa aking kaliwang kamay at unti-unti itong lumiwag! "Ano ang nangyayari sa akin?" Hindi ko alam kung iiyak ako o matutuwa? Lumilitaw ang sagisag na katulad kay ina sa aking katawan. Dinig ko na lang yung pinagsasabi ng dragon spirit ni Ina. "Hindi pwedeng mangyari yun at malayo pa ang labing-limang taon." Ano ba ang ibig sabihin ni Nhite? Kahit sya ay nababalisa at nagtataka may dapat ba akong malaman dito? "Huwag kang matakot..." Kaninong boses ba yun? Parang nanggaling sa kamay ko? Paano ba magsasalita ang kamay ko? Iniangat ko ang aking kamay at panay wasiwas ko. Nabibigla at natatakot ang ngayon na aking nararamdaman. "Bitiwan mo ang aklat na yan!" Sigaw ni Nhite habang tumatakbo 'to papalapit sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako. Isang boses na kay lakas ang sumigaw mula sa aking kamay. "Huwag kang lumapit Nhite!" Pagbabanta nito. Hindi na nagawang lumapit sa akin ni Nhite dahil bigla 'tong nanigas. Malakas na hangin ang dumating sa aming bahay at patuloy parin ang pagliliwanag ng aking kamay. "Sabihin mo lang na... Rioby lumabas ka! at agad kitang tutulungan." Totoo ba ang sinasabi nya? tutulungan nya ako? Ang boses na ito na nagsasalita sa aking kamay? Ngumiti ako at sumigaw. "Rioby, lumabas ka!" "Claire, huwag!" Pilit na sambit ni Nhite. Nandilim ang kalangitan na nakikita ko mula sa bintana. Mga ibon ay sadyang nagliparan kung saan-saan at yung hangin na kay lakas nang ihip. "Sa wakas nakalabas narin ako!" Masayang sabi nya nang lumabas sya sa kamay ko. Isa syang dragon spirit na kagaya ni Nhite? at bakit nanigas si Nhite na ganoon? Siya ba ang gumawa nun? "Sino ka?" Takot na tanong ko sa kanya habang yakap ko ang binili ni Ina na teddy bear. Tumingin siya sa akin habang ang mga mata niya ay punong-puno nang pananabik na makalabas sa mundong ibabaw. "Hindi niya ba ako na kuwento sa'yo?" Bigla syang nag-anyong tao na kagaya ni Nhite nagagawa nya ring maging anyong tao mula sa tunay nyang anyo bilang dragon. "Hindi po." Napatitig lang ako sa maamo nyang mukha na parang nag-mamakaawa. Kung hindi ako nag-kakamali ay nasa dalawangpung taong gulang sya at isa syang lalaking kahuhumalingan ng lahat. Inayos niya ang kaniyang sarili habang ito ay nagsasalita. "Mabuti naman kung ganoon. Hindi pa ito ang tamang panahon na makilala mo ako sa ngayon." Lumapit sya kay Nhite at sa paghawak nito ay balikat nya ay muling gumalaw si Nhite. Sa isang iglap ay, "Bakit mo kinuha ang aklat ko?" Ang layo niya sa akin kanina at agad syang nandito? Nakakalipat siya ng lugar na ninanais nito. Ano baa ng kapangyarihan nang nilalang na ito na nagngangalang Rioby? "Diba gusto mong mailigtas si Lani? Yung ina mo?" Umupo sya sa mesa at sinimulang basahin ang nakasulat sa aklat. Kita ko naman kung paano nagalit ang dragon spirit ni Ina. "Rioby, hindi ka namin kailangan!" Sumbat ni Nhite sa kanya. Ngumiti ito at napatigil sa paglilipat ng mga panhina nang hawak nitong libro. "'Yun ang akala mo Nhite.” Ngayon ay sa akin siya nakatitig sabi pa nito, “Claire lumapit ka sa akin." Hindi ko alam kung mapagkatiwalaan sya at bakit mula sya sa kamay ko? Kahit ako hindi ko alam kung ano ang nakasulat sa aklat na iyon ang natatandaan ko lang ay makapangyarihan yun. Nginig boses ko namang sabi habang hawak-hawak ang bagay na ibinigay ng taong dahilan kung bakit ako gagawa ng isang paraang alam kong ikakapahamak ko. "Naghihintay na si Ina na iligtas natin!" Parang gustong tumulong ni Nhite pero nagdadalawang isip pa 'to. Napansin ko na panay duro niya sa akin habang kinakausap niya ngayon ang dragon spirit ni Ina. "Alam natin Nhite na ang batang 'to lang ang makakagawa sa mga nakasulat dito..." Sabi ni Rioby habang inaangat nito ang aklat na may naksulat na Athena at Zeraph. "Tama yang sinasabi mo at wala na tayong magagawa kundi gamitin na yan" Dagdag ni Nhite. Bahagyang ngumiti si Rioby nang marinig yun mula sa kanya. "Mag-isip ka ng isang taong maaring makatulong sa atin ngayon." Sabi ni Rioby sa akin. Napaisip naman ako pero si Ina lang talaga ang alam kong makakatulong sa kahit anong problema na magkakaroon ako. Sino pa ng aba bukod sa pinakamamahal kong ina? "Yung ikaapat na pinuno ng Sahathra!" Sigaw ni Nhite at napatingin ako sa kaniya. Napaisip ako sasinabi nito. "Ikaapat na pinuno? Pero na sa ikalawang pinuno pa lang ang meron sa Sahathra paano po yun?" Tanong ko sa kanila. Tama naman si Haring June ang ikalawang pinuno ng Sahathra at ang gusto ni Nhite na isipin ko ay ang ikaapat na pinuno? Hindi ko pa nga nakita ang mukha nun. At anong taon kaya mangyayari iyon? Inilapag ni Rioby ang hawak nitong aklat at ipinaliwanag sa akin ang ilang bagay. "Tama ang sinabi nya Claire ang ikaapat na pinuno ang isispin mo." Lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Pautal kong sabi. "Pero hindi ko pa sya nakikita." "Claire. isipin mo lang ang ikaapat na pinuno yun lang at susundin mo ang gagawin ko." Unti-unti nyang ginalaw ang kamay nya. Tinapat nya ang kanang kamay nito sa puso nya habang kaliwang kamay ay nakatapat sa langit. Pinikit nya ang kamay nito at nagsalita. "Portal gate open!" Tinapat nya ang mga kamay nito sa harap na parang may hinaharang at bubuksan na tinutulak na pinto. "Yan ang gagawin mo." Huling sambit nya at tuluyan syang bumalik sa kamay ko. "Bakit sya umalis? At bumalik sa aking kamay?" Unti-unting nawala ang nakaukit na apoy sa kamay ko. "Gawin mo na ang sinabi nya!" At ngayon gusto ni Nhite na gawin ko ang sinabi ni Rioby? eh kanina ay ayaw nyang gawin ko yun. "Sige." Gaya nang tinuro ni Rioby ay ginawa ko ang sinasabi nya. Tumayo ako nang tuwid at nagsalita. "Portal gate open!" Maslalong lumakas ang ihip ng hangin hanggang sa may malaking pinto na lumitaw sa harap ko. Nakakapanlulumong tingnan! Ang ganda at kay rami ng mga palamuti! Bulong ni Nhite. "Ang ikaapat pa ng pinuno ng Sahathra ang iniisip mo habang ginagawa mo ang ritwal?" Napatango lang ako at namangha ng biglang may limabas sa pintong yun. "Bakit mo ako tinawag?" Sabi ng isang babae. Siya ba ang ikaapat na pinuno ng Sahathra? Biglang nawala ang pinto at nilapitan ko sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD