(Claire’s POV)
Nakatitig ako sa kaniya na punong-puno nang pag-asa. "Ikaw po ba ang ikaapat na pinuno ng Sahathra?" Napayakap lang ako sa kanya at nag-simulang umiyak. Sa wakas matutulungan ko na si ina.
Tumango siya sa sinabi ko sabay saad. "Oo, ako nga ang itinakdang reyna at ikaapat na pinuno ng Sahathra." Napaisip ako at bakit nya ako tinitigan nang matagal?
Napahawak ako sa malambot niyang kamay. "Gusto kong tulungan mo si Ina. Maaari mo ba akong matulungan." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Masusunod, " sabi niya at agad kaming pumunta sa palasyo ng Sahathra.
Bago pa kami umalis sa Wolforth ay agad akong may narinig na mga boses kaya ipinikit ko ang aking mga mata.
Isa namang pangyayari sa Sahathra...
Dama ko ang nararamdaman ni ina at ito yun.
"Hinahatulan nang kamatayan ang Punong Ministro na si Lani!" Malakas na sigaw ni Hari. Ang daming tao.
Hindi ko kinaya ang mga nakiikita ko kaya agad kong minulat ang aking mga mata.
(Lani's POV)
SA PALASYO NG SAHATHRA...
"Hinahatulan ng kamatayan ang Punong babaylan na si Lani." Malakas na sigaw ni June na ngayon ay ang ikalawang hari ng Sahathra. Kahit ako ay hindi nakapag-isip o kalian man ay hindi sumagi sa aking isipan na ang gahaman at kasuklam suklam na lalaking nasa harapan ko ang siyang humalili san a yumaong magiging na Har at Reyna. At ngayon, ang daming tao na makakasaksi sa kamatayan ko. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at umiyak. Ang tanging nasa isip ko ay ang munting bata na kayang baguhin ang kasaysayan. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa kaniya kung mawawala na ako sa mundng ito.
Ikinagulat ko ng biglang, "Ina! Ina!" Teka, boses yun ni Claire. Nang napagtanto koi yon ay agad kong minulat ang aking mga mata nang nakita ko syang kasama si Nhite at may isang babae na nasa gilid nito at nakatitig sa akin. Titig na may awa at gustong tulungan ang munting bata na kasama nito. Pero sino ang babaeng iyon? at bakit may palatandaan siyang nagtataglay ng isang dragon spirit?
At bakit naman pumunta dito si Claire? ayuko ko na makita niyang hinahatulan ako ng kamatayan. Lalo na kung Makita siya ni June at ang babaylang asawa nito na maaring gumamit ng kapangyarihan laban kay Claire.
(Claire's POV)
Sa araw na ito ay nakatakdang pugutan ng ulo si Ina. Ganitong-ganito ang aking panaginip at ganito ang nangyayari ngayon. Gusto kong isumpa lahat ng mga tao na nandito. Bakit ba sila ganito? Alam ba nila ang tunay na nangyari?
Yung pakiramdam na nanginginig ka sa galit, inis, at lungkot. Sinong anak ba ang gustong makita na naghihirap ang kanyang ina?
Oo isa lang akong bata at limang taong gulang pero alam ko ang nangyayari at ayaw kong tumayo lang habang siya ay nagdurusa.
Napalingon ako sa kasama naming babae. Sana nadadama niya rin yung pakiramdam ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Iyak ng isang anak na nag-aalala sa kanyang ina. Napatitig sa akin si ina noong sumigaw ako sa kanya. Dama ko ang hirap at lungkot sa kaniyang mga mata. Kung sa'yo ba 'to mangyari hindi ka ba mahihibang? Iiyak? O matatakasan ng bait? Yakap ko ang teddy bear na ibinigay niya at nangakong gagawa ako ng paraan para maitakas siya.
"Ihanda mo ang yung sarili Claire at magiging maayos ang lahat." Pagpapatahan sa akin ng babaeng ikaapat na pinuno ng Sahathra. Bakit ganito ang aking pakiramdam? Parang matagal ko na siyang kilala?
Dumadami na ang mga tao dito sa palasyo nag-aabang para sa paghahatol kay ina. Kahit saan man ako lumingon ay may mga tao at bakit ganito? Bakit kapag may inililitis ay gustong-gusto pa nila?
Nababasa ko ang mga iniisip ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko rin masisi kung bakit ako ay mag-isip ay parang matanda. Kahit ipikit ko ang aking mga mata at ibinaling ang atensyon sa iba ay yung hangad nilang parusahan si ina ang tanging naririnig ko.
"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ng babaeng kasama ko habang tinatakpan ko ang aking mukha ng teddy bear.
"Naririnig ko sila.” Napayuko ako at patuloy sa pagsasalita. “Bakit ba sila ganyan? Ang sama nila!" Sabi ko sa kanya kaya nagulat ito.
"Naririnig? ang tahimik naman ng paligid natin." Bulong niya sa akin.
"Yun nga po naririnig ko sila!" Napalingon ang mga tao sa pagsigaw ko.
"Anak yan ng taksil!" Sigaw ng mga taong nasa paligid namin.
Bago pa magkagulo ay tinawag na ng babaeng kasama namin ni Nhite yung dragon spirit nito ang ikinabigla ko'y yung pagsambit niya ng "Rioby, lumabas ka!" At agad na lumabas ang dragon spirit nito.
Magkamukha at magkapangalan sila ng dragon spirit na lumitaw sa kamay ko kanina. Paano to nangyari? May kakambal ba si Rioby?
Hindi ko mapigilang mag-isip nang mabuti habang nangyayari ito.
"Anong nangyayari dito? ha? bakit nandito si Rioby?!" Sigaw ng Hari kahit siya ay nagulat din sa nakita nito.
"Rioby, alam mo na kung ano ang gagawin natin. Itakas ang Punong babaylan!" Sigaw ng babaeng kasama ko.
Nagsimula nang masipagtakbuhan ang mga tao para makalayo sa gulong namumuo.
Naglalabasan na ang ibang kawala at pinaligiran si ina para hindi kami makalapit sa kanya.
"Pigilan niyo sila!" Sigaw pa ng Hari. Halata sa mukha nito ang panggigil at gustong manakit.
Sa pag-angat nito sa kamay ay sumigaw siya, "Fire of the east blade!" Biglang may nahawakan siyang espada na nababalutan ng apoy. Nakakamangha ang babaeng 'to and hinaharap na Reyna ng Sahathra.
Habang sila ay nakikipag-away sa mga sundalo ng Hari ay dali-dali kong pinuntahan si ina na kasama si Nhite na biglang nagbalik bilang dragon na kanina ay nasa taong anyo nito.
"Bago ka pa makatakas Lani.” Pahingal na sabi nito. ”Papatayin kita!." Sigaw pa ni Haring June habang hawak-hawak nito ang isang espada.
Dahil sa hindi ko napigilan ang aking emosyon ay napasigaw ako nang malakas "Huwag!" Ramdam ko ang apoy na dumadaloy sa aking mga mata. Ihip ng hangin na kumakain sa akin. Galit na nanaig sa puso ko.
"Pigilan mo ang sarili mo anak!" Sigaw ni ina habang umiiyak sya.
"Bakit umaapoy yung bata?" Tanong ni Haring June sa kaibiyak nito.
"Hindi ko alam! Patayin mo na yan!." Sabi ng Reyna sa kanya.
"Sabi na huwag niyong saktan ang ina ko!" Sa huling sigaw ko ay tumigil ang lahat maliban sa akin, si ina, yung babaeng kasama ko at ang dalawang dragon spirit... tumigil ang oras!
(Elaine's POV)
Sa pagkakataong 'to ay nagawa naming makatakas mula sa mga Sahaths at dali-daling lumipad papalayo sa kanila. Sa pamamagitan ng aming dragon spirits ay walang nakapigil sa amin na lumayo.
Habang kami'y nasa himpapawid ay napapaisip ako.
Nakakamangha ang kapangyarihang taglay ni Claire. Hindi ko akalaing ganito niya gamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya. Lahat ay tumigil maliban sa aming tatlo at napatitig ako sa kanilang dalawa... kay Claire at sa ina niya.
"Ano ang iniisip mo Elaine?" Singit ni Rioby.
"Mahal ni Claire ang ina niya." Bulong ko sa kanya.
"Ngayon na nakita mo na si Claire ano ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Rioby.
"Syempre masaya sabi niya nga noong bago pa ako pumunta dito na noong limang taong gulang siya ay hiniling niya ang tulong ko." Napatitig lang ako sa mga ulap.
"Tama nga ang sinabi ng Ikalawang sorceress."
"Oo, nakakatuwa lang na mag-kasama kami ngayon." Napangiti ako matapos ko yung sabihin.
"Paalala ko lang sa'yo Elaine hanggat maari huwag mong ipaalam sa kanya ang pag-katao mo dahil maaring mag-bago ang hinaharap." Sabi niya.
"Masusunod." Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa akin sa Sahathra at ganito pala ang nangyayari noon. Nakita ko ang ikalawang pinuno at ang sama niya. Yung pakiramdam na nakikita ko ang isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko.
Habang tinititigan ko sila'y pilit kong binabasa ang iniisip ni Lani ang Punong babaylan at kinikilalang ina ni Claire.
"Ano kaya ang iniisip ng babaeng yun at napangiti siya?" Nakatitig siya sa akin na parang gustong magtanong.
"Ina alam mo ba na tanging kayo lang ng babaeng yun ang hindi ko nababasa ang isip?" Sabi sa kanya ng munting si Claire.
"Ganoon ba anak?" Gulat na sabi nya.
Hindi ko alam kung nahahalata ba ako ni Lani at kung alam niya na ako si Elaine. Ganoon pa man masaya akong natutuwa si Claire na nailigtas naming ang kaniyang ina.
Lumakas ang hangin habang kami ay papunta sa ligtas na lugar, "Humawak kayo ng mabuti at bababa na tayo." Sabi ni Nhite.
Pagkababa namin sa aming dragon spirits ay kinuha na namin ang mga bagay na kailangan at mahalaga sa amin.
"Bakit nandito yung aklat ni Reyna Athena at Haring Zeraph?" Halatang nagagalit na sya ngayon. Maraming nasasabi si Ina tungkol sa makapangyarihang babaylan ng Sahathra. Pero ngayon na may pagkakataong Makita ko siya ng personal ay tunay na nakakamangha.