(Elaine’s POV)
"Patawad ina." Sabay iyak ng bata.
"Diba sinabihan kita na huwag mo 'tong hawakan at gagamitin?" Pagalit na sabi niya kay Claire.
"Huwag mo na siyang pagalitan sa halip ay bilisan niyo na ang pag-aayos ng mga gamit niyo." Sumbat ko sa kanilang dalawa habang nagmamasid sa paligid.
"Malapit na ang mga kawal dito sa Wolforth." Pagpapaalala ni Rioby sa amin.
"Narinig niyo yun?" Sabi ko pa.
"Sige." Sabay ayos niya ng mga gamit nila.
"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ni Claire.
"Sa lugar na hindi makakapunta ang mga Sahaths." Isang lugar ang alam kong pupuntahan nila.
"Sa Ephrione?" Tanong niya sa akin.
Unang-una pa lang napagtanto ko na doon sila pupunta. Hindi ba sila nagiisip na minsan na silang pumunta doon at muntik na silang madakip? Teka, tama ba ang pagkakatanda ko?
Napatitig sa akin si Claire at ikinalabit ang kamay ko, “Mukha pong malalim ang iyong iniisip?”
Agad ko naman ibinaling ang aking atensyon sa babaylang Lani, "Tama." Mahinahong sabi ko. Ayukong magkaroon pa ng maraming pag-uusap sa batang si Claire at baka masabi ko pa sa kaniya na sa panahong pinanggalingan ko ay siya ang aking ina.
"Alam mo ba ang iniisip mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman." At ngumiti ako.
Bilag namang sumulpot ang makapangyarihang bata. "Paano tayo makakapasok sa Ephrione?" Tanong ni Claire.
"Mamaya na po nating pag-usapan yan,” At iningat ko ang aking kamay, kinumpas sabay sabing. “Portal gate open!" At nagawa ko ang technique na tanging si Reyna Athena lang ang makakagawa.
"Ina tayo na po!" Panghihikayat ni Claire sa kanya na pumasok sa portal gate.
"Aalis po ba tayo o mag-papahuli sa mga Sahaths?" Bulong ko sa Punong babaylan.
"Sige aalis na tayo." Pumasok na kami sa portal gate at dinala kami nito sa ibang bahagi ng Sahathra.
Namangha sila sa portal gate technique at dama ko na naguguluhan ang kinikilalang ina ni Claire.
Napatigil ako sa paglalakad at nakipag-usap sa babaylan "Gusto ko po na makausap kayo mamaya” napatigil at, “Maari po ba?"
"Oo, marami rin akong itatanong sa'yo." At lumakad na siya papalayo sa akin.
"Maraming salamat po." Kagaya nang sinabi ni Inang Reyna mabait ang dating Punong babaylan at totoo yun.
"Elaine tayo na." Sigaw ni Rioby.
"Nandyan na!" At agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Papunta 'to sa Ephrione!" Sabi ng ina ni Claire pagkalabas namin sa portal gate.
"Doon muna kayo ni Claire magtago." Sabi ko sa kanya.
"Ina, kailangan ko po na maghugas ng kamay sa ilog." Sabi ni Claire sa ina nito at agad na ibinigay sa kanya ang teddy bear na hawak nito.
"Samahan mo siya Nhite." Utos nito sa kanyang dragon spirit.
Sa palagay ko'y hindi kami madadakip ng mga Sahaths malayo na kasi kami sa kanila.
"Masusunod Lani." Agad nitong sinamahan si Claire sa ilog.
"Ngayon ang tamang pagkakataon na mag-usap tayo dahil malayo na sa atin si Claire." Bigla siyang nagseryoso at umupo sa damuhan.
"Tama ang sinabi mo Lola." At umupo ako sa tabi niya.
"Lola? huwag mong sabihin na..." Mukhang nagulat siguro siya sa sinabi ko.
"Ako po si Elaine ang ikaapat na pinuno ng Sahathra at ang anak ni Claire." Niyakap niya ako nang mahigpit ng marinig niya iyon. Ang saya ko talaga na mayakap ang taong nagpalaki sa aking ina.
"Hindi ko akalaing makita kita Elaine.” Pautal niyang sabi, “Ang aking apo! alam ba ni Claire na anak ka niya?" Napaisip siya sa sinabi nito.
"Yun nga po ang inaalala ko sana ilihim lang po natin ang tungkol sa pagkatao ko. Baka po mag-iba ang lahat kung malaman niya." Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko.
Biglang lumapit ang batang Claire "Ina ano po ba ang pinag-uusapan niyo?" Mabuti na lang at hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin ni lola.
"Huwag mo nang alamin anak. Maglaro na lang kayo ni Nhite at Rioby."
"Maglaro na tayong tatlo halina kayo." Giliw na sabi ni Nhite.
"Kailangan pa ba yan?" Tanong sa akin ni Rioby. Hindi kasi siya sanay na makipaglaro sa iba lalo na kay ina na limang taong gulang pa lang.
"Oo naman." Sabi ko sa kanya. Masaya nga yun makikipaglaro sya sa dating nagmamay-ari sa kanya.
Nang lumayo sila ulit sa amin ay nagpatuloy kami ni lola sa pag-uusap.
"Ilang taon ka na ba Elaine?" Tanong nya.
"Dalawangpung taon na po." Sagot ko.
"Marami na sigurong nanliligaw sa'yo tama ba apo?" Namula ang mukha ko nang sinabi yun ni lola.
"Kaunti lang po." Napayuko lang ako pagkatapos kong sabihin yun.
"Ano po yung kaunti?" Parang kabute naman to si Claire. Nagulat naman ako sa pagsulpot niya.
"Kailangan niyo nang umalis." Tumayo ako at inayos ang aking sarili.
"Paano kami makakapasok sa Ephrione?" Nag-aalalang tanong ni lola Lani.
"Diba tanging sa mga mata nila malalaman kong isa kang Ephians o Sahaths?" Napaisip silang dalawa.
"Oo tama nga ang sinasabi mo pero paano ba namin magagawang ibahin ang kulay ng aming mga mata?" Biglang tanong ni lola Lani.
"Lumapit kayong dalawa sa akin." At sinunod naman nila ang sinabi ko. Inilapit ko sa kanilang mga mata ang aking kamay at nagsagawa ng ritwal.
"May nag-iba ba ate?" Hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman pagkatapos akong tawagin ni ina na ate. Tama naman yun sa ngayon kasi ako pa ang matanda sa kanya at hindi niya naman alam na ako ang anak niya sa hinaharap.
"Heto ang salamin." Yung kaninang kulay itim nilang mga mata ay nagiging kulay asul na. Batay sa kulay ng mga mata malalaman kung ikaw ay isang Sahaths o Ephians. Sa mga naninirahan sa Sahathra ay may kulay itim silang mga mata at sa mga naninirahan naman sa Ephrione ay kulay asul ang kanilang mga mata.
Na pahawak si lola Lani sa mga mata nito "Paano mo 'to nagawa?" May mga bagay talaga na unti-unti nilang nalalaman tungkol sa akin.
"Nalaman ko ang ritwal na yan sa aking ina." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Sino ba ang ina mo ate? Ang galing niya naman." Napangiti lang ako matapos ni Claire na sabihin yun. Kung alam nya lang na siya ang tinutukoy ko ay siguradong mabibigla sya.
"Siya ang pinakamalakas na tao sa Sahathra. Hindi ko lang sasabihin yung pangalan nya." Agad kong hinanda ang gamit nila sa kanilang pag-alis.
"Ate ano ang nangyayari sa'yo?" Sigaw ni Claire sa akin. Yung mga kamay ko'y unti-unting bumubura at ang aking mga paa ay ganun rin. Di kaya'y babalik na ako sa aming panahon?
"Kailangan na naming umalis ni Rioby. Isang karangalan na makita at makasama kayong dalawa. Mag-iingat kayo at hangad kong makita kayo sa hinaharap." Mahinahong sabi ko.
"Maraming salamat." Yan ang huling narinig ko sa kanila bago ako tuluyang bumalik sa hinaharap.
Bumalik na ako sa aking mundo na kung saan ako ay hihiranging reyna ng Sahathra at... "Ang saya mo siguro dahil nakita mo ang munting ina mo. Tama ba?" Sabi ni Rioby.
"Oo naman, kailangan mo nang bumalik sa kamay ko at maraming salamat Rioby." Pag-angat ko ng aking kamay ay bumalik siya at namahinga.
"Anak!" Sigaw ni Ina mula sa malayo.
Tumakbo na ako papalapit sa kanya "Inang Reyna!"
"Saan ka naman pumunta ha?" Tanong ni Ina sa akin... Ang ina kong si Claire.
"Sa mundo kung saan ay.” Tumawa ako nang malakas. “Hindi ko sasabihin." Na pakunot noo siya at tumakbo na ako.
"Ikaw talaga Elaine!" At agad niya naman akong hinabol.
"Bakit naman nag-hahabulan ang mag-ina ko?" Sigaw ni Ama at sumali na rin siya sa aming habulan.
(Lani's POV)
Nakalimutan kong itanong sa kanya kung sino ang ama niya. Matanda na talaga ako para makalimutan ang ganoong bagay.
"Tayo na po ina." Sigaw ni Claire.
"Sige." Pagsasang-ayon ko.
Bago pa kami pumasok ni Claire sa Ephrione ay may nakita siyang mahalagang bagay "Teddy bear? Bakit nandito ka?"
"Bakit anak? Diba yan ang ibinigay mo kay Xian?" Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.
"Opo ina, siguro nahulog niya lang 'to." Pinagpatuloy namin ang pag-lalakad patungo sa pamilihan ng Ephrione.
Bago pa kaming nakapasok ng Ephrione ay dumaan kami sa masukal na gubat. Dahil sa daang ito ay iilan lang ang nakakapasok kasi pinapalibutan ng mga kawal ang lahat na pasukan at labasan ng kanilang kaharian maliban dito.
"Ina nagugutom na po ako." Kawawa naman ang anak ko nagugutom na.
"Bibili tayo ng maraming tinapay." Napalitan ng ngiti ang kanina'y malungkot niyang mukha.
"Nhite, bumalik ka muna sa kamay ko." At agad naman sinunod ni Nhite ang utos ko.