(Lani’s POV)
Pagkarating namin sa nasabing pamilihan ng Ephrione. Dainig ang mga sigawan ng mga taong nagbebenta ng kanilang mga produkto.
"Damit! Bumili kayo ng Damit!"
"Sariwang isda! masarap to! bumili na kayo!"
Kagaya sa Sahathra maingay pala ang pamilihan dito.
"Ale, tinapay! masarap 'to." Giliw na sabi ng isang babae sa akin.
Napatitig ako sa batang kasama ko habang hawak sa kabilang kamay siya. "Damihan mo ina." Takam na takam tong si Claire. Nagutom siya sa aming pinaggagawa mukhang mauubusan kami ng pera nito.
"Bibili po ako ng labing dalawang piraso." Agad kong kinuha ang aking pitaka at inabot ang pera sa babaeng nagbibenta ng tinapay.
Makalipas ang ilang oras...
Sa wakas nakahanap kami ni Claire ng matutuluyan at makakapahinga na kaming dalawa.
"Ina, ang ganda po ng bahay na ito malapit sa pamilihan." Tuwang-tuwa siya sa bahay na natutuluyan namin. Pero hindi nya alam na nakakaiyak ang bayad dito.
"Ah, Oo!" Agad na kaming nag-ayos at maya't maya ay nakatulog na kaming dalawa.
Walang nakakaalam na ako'y punong babaylan ng Sahathra dahil hindi naman nag-pupunta ang mga tao dito. Kung may makakakilala sa akin siguradong si Haring Alexander at ang Punong babaylan yun... Meron pa pala si Xian na anak ng Hari.
Makalipas ang 2 taon...
(Claire's POV)
Pitong taong gulang na ako ngayon at malapit na ang pasukan ng Ephrione Academy. Masarap sigurong mag-aral kagaya nang sinasabi ng iba. Sa ngayon ay papunta ako kay ina na may mga dalang dahon na ginagamit niya sa kanyang panggagamot. Isa siyang manggagamot at ko naman na isa siyang babylan o dating Pinuno ng mga babaylan ng Sahathra.
"Claire!" Sigaw ng isang babae kaya napatigil ako sa paglalakad at napalingon.
"Ano po yun Ate?" Nababasa ko yung isip niya at may ibibigay siyang pagkain. Mukhang mabubusog kami ni ina nito.
"Heto mga tinapay yan." Sabay ngiti nito.
"Wow! ang bango." Lakas talaga nang pang-amoy ko pagdating sa mga pagkain.
"Maraming salamat Ate" Tumakbo na ako papalayo sa kanya.
"Mag-ingat ka!" Sigaw niya.
Habang ako'y naglalakad ay binilang ko yung mga tinapay sa supot na hawak ko. "Isa, dalawa, tatlo, apat..." Nagulat ako ng may tumawag sa aking pansin.
"Claire!" Si Ashton ang matalik kong kaibigan.
"Heto! pagtiyagaan mo na yan." Alam ko naman na hihingi ang lalaking 'to ng pagkain.
Nang lumapit siya sa akin ay agad niyang kinain ang binigya ko. "Ang sarap nito pahingi ulit." Grabe naman to! bakit naman ganito si Ashton? Habulin ng mga babae sana doon siya hihingi ng pagkain!
"Ashton!" Sigaw ng mga babae na humahabol sa kanya. Sampung taon na siya ngayon makulit pa rin. Tumakbo na ako para makaalis at baka humingi pa siya ulit sa akin.
"Paalam na Ashton at tumakbo ka nang mabilis ha!" Bulong ko sa kanya.
"Paalam na rin." Agad itong tumakbo nang mabilis.
"Ashton hintay!" Sigaw ng mga babae habang hinahabol nila si Ashton.
Palingon-lingon,
Pasipol-sipol,
Pakanta-kanta,
Pangiti-ngiti,
Yan ang ginawa ko hanggang sa makaabot kung nasaan si ina.
Pagdungaw ko sa bintana ay "Nandito kana pala anak." Sabi niya.
"Wow ginulat mo naman ako ina." Sabay pasok ko sa munting silid at pinatong ko ang aking mga dala.
Kinuha ni ina ang isang supot at ngumiti "Binigay 'to ni Rica?" Sabi niya.
"Opo." Kinuha ko agad yung timba para makapagigib ng tubig sa ilog.
"Alam mo na kung ano ang gagawin mo, salamat anak." Sabay kagat niya sa hawak nitong pagkain.
"Dalawang taon ko na po 'tong ginagawa." Pangiting sabi ko.
"Sandali lang Claire lumapit ka muna sa akin." Gaya nang sinabi niya ay lumapit ako.
Ikinabigla ko ng may ginawa siyang ritwal habang tinatakpan ng kaliwang kamay niya ang mga mata ko. "Bawat nakikita at nababasa ng mga matang alam kung ano ang totoo at hindi ay gusto kong muling takpan ang ganitong kakayahan Houng Taieh Rohb Gahlth Zie" Paulit-ulit niyang sinabit "Houng Taieh Rohb Gahlth Zie Houng Taieh Rohb Gahlth Zie" Ramdam ko yung pag-init ng mga mata ko at biglang panhihina ko. Ibang-iba sa dati kong pakiramdam.
Nang tinanggal na ni ina ang kamay niya at muli kong minulat ang aking mga mata "Bakit hindi ko naiisip at nababasa ang nilalaman ng utak ng mga taong dumadaan ina?" Nagulat ako sa nangyari.
"Mabuti na rin ang ginawa ko para hindi ka na makialam sa ibang tao." Mahinahong sabi niya.
"Ina naman. " Agad naman siyang umalis. Napayamot ako sa ginawa ni ina. Bakit kasi kinuha niya ang kakayahan kong iyon. Hindi ba siya masaya na kahit papaano’y magisip na ako ay parang matanda? Dahil marami akong natutunan sa ganoon paraan?
Umalis na ako at nag-igib...
Bukas na ang pasok ko sa Academy. Nakakahinayang naman magagamit ko pa sana ang kakayahan kong iyon. Pagdating ko sa ilog ay ang ganda ng tanawin maraming puno, nagsasayaw yung mga bulaklak sa saliw nang ihip ng hangin, ang linaw ng tubig at ang ganda ng araw.
"Hoi! Bakit ka nandito sa lugar ko?" Sigaw ng isang boses lalaki kaya lumingon ako para suntukin siya pero napatulala ako at napaisip.
Mukhang nakita ko na siya "Mukhang nakita na kita." Bigla siyang lumapit sa akin pagkatapos ko yung sabihin.
"Oo naman! Sikat akong tao." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano baa ng ibig sabihin ng batang ito? Nakakainis hindi ko mababasa ang laman ng kaniyang isipan.
Napahawak ako sa aking bewang at nagsabing, "Wow! Kung sikat ka bakit hindi kita natatandaan?" Kumuha na ako ng tubig gamit ang aking timba.
"Tss, Anak ako ni Haring Alexander." Bigla kong nabitawan yung timba kaya sumama na ito sa agos ng tubig.
Napatalon ako habang nanghihinayang. "Yung timba!" Sabay turo ko.
"Ano ang gusto kong gawin diyan?" Napatitig siya sa akin.
"Ako na nga ang kukuha." Agad akong lumangoy para kunin yung timba. Bakit ngayon ko pa siya nakita? Lagot talaga kapag malaman niyang galing ako sa Sahthra.
"Kaya mo yan!" Sigaw niya pa. Sa halip na tulungan niya ako.
Pagkakuha ko ng aking timba ay hindi ko siya pinansin at lumakad na ako papalayo.
Hinarang niya ang dinadaanan ko at sumigaw. "Hoi! Wala kang galang sa Prinsipe ng Ephrione!" Ihahampas ko kaya sa'yo tong timba! Gulo lang kapag pinansin ko ang batang ‘to.
"Huwag mo akong kausapin..." Sigaw ko sa kanya kaya tumigil na ito.
"Sungit!" Sigaw niya pa.
"Asungot!" Pang-asar na sigaw ko rin at tumakbo nang mabilis. Hindi ko akalaing maalala ko pa yung mukha niya. Kung hindi ako nag-kakamali nasa sampong taong gulang na siya ngayon.
Pagkarating ko sa bahay kung saan si Ina ay gumagamot ng mga taong may sakit...
"Ina, nandito na po ako." Agad akong pumasok sa bahay.
Lumapit siya sa akin "Bakit basang-basa ka? Hindi naman umulan ha?" Nagtatakang tanong niya.
"Nahulog lang po ako sa ilog." Pinatong ko na ang timba at kumuha nang pamunas.
"Claire, mag-aaral ka na bukas at hindi ka talaga nag-iingat!" Tinulungan niya akong patuyuin ang aking buhok. Galit man siya pero alam kong nag-aalala rin si Ina.
"Ayos naman po ako eh." Sabay ngiti ko sa kanya para hindi na ito mag-aalala.
"Maya't- maya ay uuwi na tayo." Bigla niyang inayos ang aming mga gamit namin.
"Marami po ba ang nagpapagamot sa iyo ina?" Tuwang sabi ko.
"Oo marami kaya heto." May inabot syang supot sa akin.
"Wow! Bagong damit?" Napatalon ako sa saya. Matagal tagal narin yung huling bili nya sa akin ng damit.
"Maganda ba?" Tanong nya.
"Opo!" Agad ko syang niyakap nang mahigpit.
"Galingan mo sa Academy ha." Napayakap rin sya sa akin.
Pikit mata kong sabi sa kaniya. "Pangako po ina."
"Kailangan na tayong mag-ligpit para maaga na tayong umuwi. Malapit ng gumabi mahirap na kung gabihin tayo sa daan."
"Sige po." Tinago ko muna yung pulang damit na binili niya at tinulungan ito sa pag-aayos.
Habang nag-aayos kami ay bigla kong nasabi yung tungkol kay Xian. "Ina, hindi parin nagbabago si Xian." Pagkatingin ko sa mukha nya'y napakunot noo ito.
"Nagkita ba kayo?" Hindi ko na nagawang mag-sinungaling sa kanya pagkatapos niyang sabihin yun.
"Opo nagkita po kami sa ilog kanina." Napatigil sya sa pagliligpit at nilapitan nya ako.
"Nakikilala ka ba niya Claire?" Dama ko yung lungkot sa boses nya.
"Hindi siguro ina pero may sinabi sya." Sabi ko.
"Ano yun?" Gigil na sabi nya.