(Claire’s POV)
"Sabi niya po na namumukhaan niya ako pero hindi nya alam kung saan kami nag-kita." Mahinahong sabi ko.
"Mabuti naman kung ganun." Inihip nya na ang ilaw ng kandila sa bahay na nag-sisilbing pagamutan ni ina.
Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa makauwi na kami sa bahay na aming tinuluyan. Sinabi sa akin ni ina iyong tungkol sa Prinsipe ilang taon na ang lumipas na ang batang nakausap at ang dahilan ng lahat ay siya, si Prinsipe Xian.
"Pagkatapos nating kumain ng hapunan ay dapat ka nang matulog para may lakas ka bukas sa unang pasok mo sa Ephrione Academy." Paalala sa akin ni ina.
Ginawa ko yung gusto niya at yun naman ang nararapat.
Maaga akong gumising para sa unang araw ko sa Ephrione Academy. Ewan ko ba kung ano ang mangyayari sa akin doon. Sana may bagong kalaro at mga kaibigan ako doon. Lalo n asana hindi nila malaman na ako si Claire mula sa Sahathra.
"Bilisan mo na dyan Claire! Anak! Ipapahatid kita kay Nhite!" Sigaw ni Ina. Nhite? dragon spirit yun? Ano naman ang binabalak ni ina?
Pagkalabas ko sa aking silid para kumain ng almusal. "Wow! Anong nakain mo Nhite at yan ang suot mo?" Tanong ko sa kanya.
Nakasuot ito ng matingkad na kulay ng damit. Mukha siyang payaso pero nakawiwili at maayos kahit papaano.
"Akala mo ba ay nasasayahan ako sa gagawin ko?" Napasimangot siya habang nag-sasalita ito. Kahit isang dragon spirit si Nhite maari siyang mag-anyong tao kagaya ngayon.
Pagkatapos kong manalangin ay binigyan ko si Nhite ng pagkain "Heto sumubo ka."
"Alam mo naman na hindi ako mahilig nyan." Pagtatanggi nito. Abah! Mapili 'tong dragon spirit ni ina ang sarap kaya ng kamote. O di kaya’y wala ito sa tamang pagiisip sa inis na kaniyang sinusuot.
"Nahanda ko na yung baunan mo, tubig at ang bag mo." Sabay lapag niya ng mga gamit ko sa mesa.
"Maraming salamat ina." Tumayo na ako at pumunta sa kusina para mag-sipilyo.
Binigkis ni Nhite ang mga kamay nito at pinadyak ng ilang beses ang mga ito. "Bilisan mo na dyan!" Sigaw ni Nhite naiinip na siya siguro.
"Sandali lang." Sabi ko habang ako'y nag-sisipilyo.
"Yung mga sinabi ko sa'yo Claire huwag mong kalimutan ha." Pag-papaalala ulit ni ina.
Nang matapos ko na ang pagsisipilyo ay agad ko nang kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam kay ina "Opo, huwag na po kayong mag-aalala mauna na po kami ina."
"Mauna na kami Lani." Pagpapaalam ni Nhite kay ina.
"Mag-iingat kayo!" Kumaway na ito habang papalayo na kami sa kanya.
Titig na titig ang mga babae sa amin ni Nhite habang nag-lalakad kaming dalawa.
"Tingnan mo sila parang kakainin ka." Bulong ko sa kanya.
"Shh... huwag ka nang maingay diyan mahuhuli ka na sa Ephrione Academy." Gustong gusto niya naman na titigan sya ng mga kababaihan.
"Tatahimik na po." Sigaw ko sa kanya.
(Nhite's POV)
Mabuti na lang at nagawa ko pang mag-anyong tao pero ang ingay-ingay naman ng batang 'to! Kasalanan ko ba kung kaakit-akit ang mukha ko? Pero hindi alam ng mga babaeng ito na isa akong dragon spirit na pinagmamay-rian ng taga-Sahathra.
"Mukhang ang saya natin Nhite." Pang-asar nito sa akin habang kami ay naglalakad.
"Malapit na tayo sa Ephrione Academy kung hindi ako nagkakamali ngayon ipapalabas ang resulta ng pagsusulit nyo." Napatigil sya at napaisip.
"Tama! ngayon pala yun!" At agad naman 'tong tumakbo. Kung hindi ko pa sinabi sa kanya siguradong hindi nya naalala yun.
"Hintay!" Napatakbo ako sa hindi oras.
Napatigil sya sa pagtakbo nang nasa harap na sya ng malaking trangkahan ng Ephrione Academy.
"Wow!" Yan lang ang nasabi Claire. Malaki talaga ang paaralang to! Nakakamangha. Magkabilaan rin ang mga kawal na nagbabantay at nagmamasid.
"Iiwan na kita dito Claire." Pagpapaalam ko sa kanya.
Kumaway siya sa akin habang naglalakad papalayo. "Mag-ingat ka sa pag-uwi Nhite!" At agad na syang pumasok na may nakapintang ngiti sa mukha nito.
Hindi ko akalaing ang anak ng makapangyarihang sina Reyna Athena at Haring Zeraph na si Prinsesa Claire ay mag-aaral sa ganitong paaralan. Matutunan nya ang ilang bagay sa tulong ng Ephrione na mortal nakalaban ng Sahathra. Kung iisipin naman sila ang dahilan kung bakit ulila ngayong ang munting bata na si Claire.
Habang papauwi ako sa bahay ni Lani ay hindi mawala sa isip ko yung nangyaring pagtakas naming, dalawang taon na ang lumipas. Si Elaine na mula sa hinaharap ang ikaapat na pinuno ng Sahathra siguradong siya ang reyna sa kapanahunang iyon. Sino ang pumalit sa gahamang hari na si June? Ang ika-tatlong pinuno ng Sahathra ay si… Prinsesa Claire? Tama ba ang iniisip ko?! Eh bakit magkakaroon ng dragon spirit si Elaine na kagaya ni Rioby? Ayon sa nakikita ko sa mukha at anyo ni Rioby na magkita kami'y narating niya na ang pinakamalakas na antas ng pagiging dragon spirit ang tinatawag naming, Class Z! Anyong pinapangarap ng lahat na dragon spirits kagaya ko. Ano kaya ang kapangyarihan na meron ang Class Z? Sana makakamit ko rin iyon!
"Nhite! Nakarating ka na!" Sigaw ni Lani na mula sa malayo.
Nakakatuwang isipin na namumuhay sa simpleng ganito ang makapangyarihang Punong babaylan ng Sahathra. Na nagawa nitongg iwan ang masagana at makapangyarihang kaharian ng mga Sahaths.
"May ipapagawa ka ba sa akin?" Pangiting tanong ko.
"Alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka na Nhite at maraming salamat." Utos nya.
Nang unti-unting lumabo ako sa mundo ng mga Ephians at pumasok sa seal ni Lani ay hindi ko sinunod ang sinabi nya sa halip ay isang tanong ang nagpangiti sa kanya "Nasisiyahan ka ba sa nangyayari ngayon Punong babaylang Lani?"
"Oo masayang masaya Nhite!" Nakapinta sa mukha nya yung ngiti na hindi ko nakikita noong nasa Sahathra pa kami. Mahal na mahal nya talaga si Prinsesa Claire.
(Claire's POV)
Sa lugar ng Ephrione Academy...
Ang laki at lawak naman ng Ephrione Academy! Ang daming tanim, silid at mga tao!
"Parating na sila!" Sigaw ng isang babae. Sino kaya yung tinutukoy nya?
Lumapit ako sa mga nagkukumpulan at sumilip, "Magbigay pugay sa mahal na Prinsipe!" Utos ng isang kawal.
Yumuko kami bilang pagbibigay galang sa kanya pero kung iisipin ko lang ang nangyari sa amin kahapon ay hindi ko maiwasang ngumiti.
"Abot hanggang sa ilog yung pagtawa mo." Pagkaangat ng ulo ko ay si...
"Mahal na Prinsipe." Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin matapos ko syang pagsabihan ng...
Sabi niya "Asungot!" Oo tama yun ang sinabi ko... ha? si Xian? Hindi na ako nakapagsalita dahil maraming tao.
"Asungot? Tinawag niya ang Prinsipe ng ganun?" Bulungan ng mga babaeng nasa likuran ko.
"Patawad sa nangyari kahapon mahal na Prinsipe." Parang nasusuka ako sa sinabi ko.
"Siya ba ang sinasabi mo sa akin Prinsipeng Xian?" Sino naman 'tong sumingit na parang kabute?
"Oo, siya Carlo" At agad siyang umalis kasama ang mga kawal nito.
"Alam mo maganda nga yung ginawa mo!" Bulong niya sa akin. Carlo? Sino naman to? Tanong ko sa aking sarili.
"Carlo!" Sigaw ni Xian kaya tumakbo na si Carlo papalapit sa kanya.
"Mabuti pa sya, napansin ng Prinsipe at ni Carlo." Sabi ng katabi ko. Kung alam ng mga ito yung kawalang hiya na nangyari kahapon siguradong magsisisi sila na nasabi nila iyon.
"Tsss! Nagpapapasin lang sya sa Prinsipe!" Sumbat ng isang babae. Eh ano ngayon? kasalan ko ba na napapansin ako?
"Sa lahat na mag-aaral ng Ephrione Academy pumunta kayo sa bulwagan ngayon din!" Sabi ng isang matandang babae na nakasuot ng puting damit at may malaking medalyon sa leeg nito siguro sya ang pinunong mga guro dito?
"Hali kana Claire!" Sigaw ni Ashton.
"Nandito ka rin?" Tanong ko sa kanya habang nag-lalakad kaming dalawa.
"Mahigit sa dalawang taon na ako dito sa Ephrione Academy tinatanong pa ba yan?" Bigla syang nagalit.
"Ahhh... oo pala nuh?” At napatawa ako nang malakas, “Nakalimutan ko." Tugon ko pa sabay kamot ko sa aking ulo.
"Humawak ka sa kamay ko." Sabi nya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Maraming tao dito at baka maligaw ka." Sabi niya at agad ko siyang hinawakan sa kamay at kami'y naglakad papunta sa naturang bulwagan.