(Xian's POV)
Umupo na ako sa harapan ng maraming tao at katabi ko si Carlo na matalik kong kaibigan.
"Xian, tingnan mo yung si Pink hair!" Sino na naman ang nakita ni Carlo. Napalingon ako sa naturang tao na sinasabi niyang pink hair.
"Pink hair?" Yung batang babae na tumawag sa akin na Asungot.
"May kahawak kamay sya!" Sabay turo nya pa. Hindi ko alam bakit naiinis ako kay Carlo pagkasabi niyang ganoon.
Sabay tugon ko naman. "Eh ano ngayon?" Tiningnan ko si Pink hair at ang kasama nitong lalaki.
"Hindi ka ba naiingit?" Biglang namula ang pisngi ko pag-katapos sabihin yun ni Carlo. Ha? Naiingit? Ako? Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.
Napatayo ako at nilapitan siya, "Bakit naman ako maiingit? Ang daming babae naman ang nababaliw sa akin!" Pagmamalaki ko sa kanya.
"Oo na,” Pautal niyang sabi na may halong takot. “Anak ka ng hari at isa kang Prinsipe pero ayon sa nakikita ko sa mukha mo bakit titig na titig ka sa kanilang dalawa? Huwag mong sabihin na...." Biglang nanlaki ang mga mata niya.
Dinuro ko ang pagmumukha niya. "Kung gusto mo pang mabuhay? Tumahimik ka na dyan!" Tsaka nilapit ko ang muko sabay bulong ko sa kanya.
Umiiling niyang sabi. "Tatahimik na mahal na Prinsipe at mahal ko pa yata yung buhay ko." Mabuti naman na sinunod nya ang sinabi ko.
Sino naman ang kasama ni Pink hair? Yan lang muna ang itatawag ko sa kanya. Hindi ko pa kasi alam yung pangalan nya. Kung may pagkakataon ay itatanong ko yun. Kung sasabihin nya alam kong magsusungit lang iyon.
Biglang tumahimik ang paligid ng itinaas ni y****n ang kamay nito. Sya ang namamahala ng Ephrione Academy.
"Ang nakakuha ng mataas na grado sa pag-susulit noong nakaraang buwan ay si...." Sabi niya.
"Siguradong matalino ang nakakuha ng mataas na gradong yun! Noong tayo pa lang ang kumuha ng pag-susulit Xian nasa dalawangpu't walong pwesto ako at ikaw naman ay nasa..." Sabi ni Carlo. Iniinis nya talaga ako.
"Nasa tatlongpu't dalawang pwesto. Diba ang sabi ko ay tumahimik ka na dyan!" Bakit pinapaalala nya pa 'to sa akin? Nakakainis naman oh!
"Mahigit sa isang daan at limangpu ang bagong mag-aaral ng Ephrione Academy at sya ang nakakuha ng mataas na puntos." Sabi ni y****n.
"Grabe naman ang matandang to! Ang tagal sabihin!" Inip na sabi ni Carlo na nasa tabi ko.
Kahit ako gusto ko naring malaman kung sino sya.
"Mula sa bayan ng Josan. Isang batang babae lumapit ka dito Claire!" Nasipagpalakpakan ang mga tao pagkatapos na sabihin yun ni y****n.
Ha? "Si Pink hair!" Sigaw ni Carlo.
Agad siyang binigyan ng medalyonng simbolo na sya ang nanguna sa pagsusulit "Maraming salamat." Sabi ni Pink hair at napagtanto ko na Claire ang pangalan niya. At siya ang nanguna sa pagsusulit? Totoo ba 'to?
"Magbigay ka nang mensahe mo Claire sa harap ng mag-aaral ng Ephrione Academy." Pakiusap ni y****n sa kanya.
Humarap siya sa maraming tao at nag-salita. "Ang sabi nga ng isang kilalang manunulat ng Ephrione.” Napaisip ito nang mabuti. “Ang tanging hindi makukuha ng kalaban at ng ibang tao sa'yo ay ang iyon kaalaman. Kaalaman na magagamit sa mabuti at maari ring magamit sa kasamaan.” Itinuro nito ang kaniyang sarili.”Sa ngayon ay bata pa lang tayo na tanging magawa ay matuto at sumunod sa kung ano ang nararapat dahil sa huli itong kaalaman ay magagamit natin para sa ikaunlad ng lahat." Namangha ako sa sagot nya. Grabe, pitong taong gulang siya pero masasabi niya yun?
"Narinig mo yun Xian? Nakakamangha sya.” Parang hindi pa mapalagay ‘tong kaibigan ko. “Matalinhagang salita!" Napatayo si Carlo at sumabay sa palakpakan ng lahat.
"Nakakamangha sya!" Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun at sumabay narin sa mga taong nagpalakpakan sa talumpati nya.
Bumalik na sya sa kanyang hanay matapos niya yung sabihin. Kahit ang mga guro ay namangha sa kanya.
"Sila ang magiging guro nyo." Agad na lumabas ang mga guro ng Ephrione at ipinaliwanag ni y****n kung ano ang dapat nilang gawin at kung ano ang mga bawal sa Ephrione Academy. Napaisip ako sa babaeng nakita ko sa Sahathra. Claire rin ang pangalan at kamukha nya rin! Paanong nangyari yun? May kakambal sya siguro? Pero iba ang kulay ng mga mata nila. Yung naninirahan sa Sahathra ay kulay itim ang mga mata nila habang ang mga naninirahan dito ay kulay asul naman. Nagkataon lang siguro... tama!
"Xian ano pa ang ginagawa mo dyan? Halika na!" Sigaw ni Carlo at sumama na ako sa kanya.
(Claire's POV)
Hindi ko inasahan na ako ang nangunguna sa pagsusulit na iyon. Kahit ako ay nabigla! Napahimas ako sa medalyong ibinigay ng gurong tumawag sa akin kanina.
"Claire, nakakamangha ka." Sabi ni Ashton.
"Hindi naman Ashton." Pagpapakumbaba ko na sinabi sa kaniya.
"Siguradong masaya si Aleng Lani kapag malaman nya na ikaw ang nanguna sa pag-susulit." Sabi nito na ikinatuwa ko naman. Natatandaan ko na ika-tatlong pwesto si Ashton noong pagsusulit rin nila.
"Oo, siguradong masaya si ina nito!" Magiliw na sabi ko sa kanya.
"Sige Claire, pupunta na ako sa aking silid.” Lumapit siya sa akin at ginulo ang buho ko. “Paalam." Agad syang umalis at pumunta na ako sa aking silid.
Dala ang isang papel na nakasulat kung saan ang silid ko ay madali kong napuntahan yun.
"Claire." Sabi ng aming guro.
"Nandito po!" Mabuti na lang at hindi pa ako nahuli sa unang klase ko.
"Umupo ka sa tabi ni Dave." Sinong David naman ang sinasabi ng aking guro?
"Dito ka umupo Claire!" Tawag ng lalaki sa akin kaya napagtanto ko na siya pala si Dave. Ang kapal ng salamin nya sa mga mata. Pero sa tingin ko ay mag-kakasundo kami nito. Napatingin ako sa baunan nya ang lakas naman kung kumain sya.
"Ikaw pala ang nanguna sa pagsusulit." Sabay ngiti nya.
Payukong sabi ko "Ah... oo..."
"Ang una nating gagawin ay ipakilala nyo ang inyong sarili. Pero bago yan. Ako pala si Sir Kintai ang magiging guro nyo sa loob ng limang taon." Limang taon? Ang tagal naman.
Napatulala ang mga kaklase ko sa sinabi ng aming guro. "Sir! Ilang taon ba ang itatagal namin dito sa Ephrione Academy?" Tanong ni Dave.
"Sampong taon!" Ha? Ang tagal naman! Parang pinawisan naman ako sa sinabi nya.
Nag-simula ng magpakilala ang iba kong kakalse hanggang sa oras ko ng mag-papakilala. "Magandang araw sa inyong lahat ako po si Claire na galing sa bayan ng Josan. Pitong taong gulang sana magiging kaibigan ko kayong lahat!" Magiliw na sabi ko sakanila.
"Walang problema Claire! Ako gusto kitang maging kaibigan!" Sigaw ni Dave. Labingdalwa kaming magkaklase.
"Nakikilala nyo na ang isat-isa at mukhang magiging magkaibigan kayong lahat. Ipapangkat ko kayo ngayon. Unang pangkat ay sina Jore, Lina, Mae at Sally. Ikalawang pangkat ay sina Stephie, Kniet, Paul at Gorge. Ikatlong pangkat Claire, Dave, Woren at Hally. Ikaapat na pangkat Jasmine, Fitz, Don at Bedo. Pumunta na kayo sa inyong kasamahan at mag-isip ng pangalan ng inyong pangkat." Sinunod namin yung sinabi ni Sir Kintai.
Pagkaupo namin ay...'"Hi! Ako pala si Worren."
"Ako naman si Hally."
"Awww, ako naman si Dave."
"Ako pala si Claire." Nagkakilala na kaming apat si Woren yung tipong lalaki na seryoso, si Hally ay isang chubby at makwelang babae at si Dave? Makwelang lalaki kagaya ni Hally pero patpatin lang sya.
"Sino ang magiging pinuno natin?" Tanong ni Dave habang humihiga ito sa mesa.
"Si Claire!" Sabi ni Hally.
"Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Hally." Dagdag ni Woren.
Pinagkakaisahan ako ng dalawang to! "Sige! sumasangayon rin ako. Claire ikaw na ang magiging pinuno ng ating pangkat!" Tumayo ito at sumigaw.. si Dave talaga nakakainis.
"May magagawa pa ba ako? Sige, tinatanggap ko ang pagiging pinuno ng pangkat natin." Bigla silang ngumiti alam ko naman kung ikaw ay magiging pinuno marami ka talagang gagawin.
"Ano ng pangalan ng ating pangkat? Angels? Ang gandang pakinggan!" Mungkahi ni Hally habang kumakain ito ng saging.
"Fighters! mas maganda yun!" Mungkahi rin ni Dave.
"Ikaw Claire baka may naisip ka?" Tanong sa akin ni Woren.
"Narinig niyo na ba yung tungkol sa Tuharad?" Bigla silang napatitig sa akin. Ngayon lang nila narinig yung Tuharad kung hindi ako nagkakamali.
"Ano yung Tuharad?" Sabi ni Hally. Sabi na nga eh!
Kinuha ko ang aking lapis at papel "Noong hindi pa nagkahiwalay ang kaharian ng Ephrione at Sahathra may aklat sila na tinatawag na Tuharad. Aklat na naglalaman ng mga sinaunang salita." Nakikinig talaga silang tatlo.
"Bakit mo tinigil ang pagsasalita diyan?" Hindi ako makapaniwala na interesado si Woren sa sasabihin ko. Tulala silang tatlo...
Kaya pinagpatuloy ko na ang aking kuwento "Dalawangpu't anim na titik na may wastong pagbaybay at paggamit...
A-jal B-lam C-gac D-bei E-hol F-rot G-mej H-wup I-aej J-cru K-nai L-zul M-yeg N-sat O-om P-vor Q-ken R-duj S-xil T-zop U-ung V-lok W-hia X-amn Y-dun Z-zei..." Isinulat ko sa aking papel habang sinasabi ko yung mga titik ng Tuharad.
"Alam mo talaga ang Tuharad Claire! Kabisado mo!" Bulong sa akin ni Hally.
"Pangkat Gac! Si Claire naman ang ating pinuno kaya Gac! para sa titik C!" Maganda yung naisip ni Dave pero sasangayon ba si Hally at Woren?
"Sangayon ako!" Sabi ni Hally.
"Ako rin!" Sabi ni Woren.
"Pangkat Gac!" Sigaw naming apat sabay tawa.
"May naisip na ba kayong pangalan?" Tanong ng aming guro.
"Pangkat Gac! Po kaming apat Sir!" Atat na sabi ni Dave sabay tayo nito.
Bigla siyang tinanong ng aming guro. "Bakit pangkat Gac ang naisip niyo Dave?"
"Kinuha po namin ang pangalang Gac sa Tuharad nasinabi po ni Claire" At ako naman ang tinuro nito.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa Tuharad?" Seryosong tanong ng guro sa akin.
Kaya tumayo ako at sinagot sya ng maayos "Natutunan ko po yung Tuharad sa aking ina."
"Maari ka nang umupo." Mabuti na lang at hindi nya pa inalam yung mga nalalaman ko tungkol sa libro at wikang yun. Mahirap na at malaman nya ang sekreto namin ni ina.
Hindi ko namalayan na lumipas ang ilang oras at tumunog na ang kampana. Hudyat na pananghalian na.