Kabanata 14: Sekreto

1251 Words
(Claire’s POV) "Alam niyo na kung ano ang gagawin niyo kung nandito kayo sa Ephrione Academy." "Opo! guro!" sabi namin. "Pagkalipas ng dalawang oras ay bumalik agad kayo sa silid. Maari na kayong mananghalian." huling sabi nya bago sya umalis. "Sumabay ka na sa amin Claire," sabi ni Woren kasama nito si Hally at Dave. "Sige." At sumama na ako sa kanila. Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa... "Wow ang ganda ng hardin!" Dahil sa saya ni Hally ay napatalon sya. Kahit ako ay namangha ang lawak at maraming puno. Yung simoy ng hangin ang sarap sa pakiramdam at ang linis ng paligid. Mga paru-paro na malayang lumilipad at ang mga bulaklak ay sumusunod sa ihip ng hangin. Ang sarap talagang pagmasdan! "Doon tayo sa ilalim ng puno!" Agad silang nasipagtakbuhan pagkatapos ko yung sabihin. "Diyan ka umupo Hally, doon ka naman Woren at Claire... tabi tayo." Kahit dito magkatabi kami ni Dave. Pagkabukas ko ng aking baunan ay napasigaw si Hally "Ang sarap naman yan Claire." Mukhang natatakam si Hally. "Hihingi yan Claire!" babala sa akin ni Woren. "Bakit hindi ba pwede?" Nagpapaawa ba 'tong si Hally? "Pwede naman! Heto." Sabay alok ko sa kanya. Nang nasa kalagitnaan na kami ng aming pananghalian ay... "Nandito si Pink hair!" Si Prinsipe Xian dumating! Agad naming inayos ang aming baunan. May mga kawal pa siyang kasama. "Prinsipe Xian. Ayaw namin ng gulo,” pakiusap ko sa kanya. "Hindi naman gulo yung pinunta ko dito. Makikain lang." Ano ang sinabi nya? Makikain? Ang Prinsipe na kasama namin? Totoo ba ito? "Sige." Pumayag silang tatlo. Makakain ka ba kung napapaligiran ka ng maraming kawal? "Alam nyo ba ang na may gagawing ritwal sa darating na linggo." Ano ang ibig sabihin ni Hally? Sa darating na linggo? "Ritwal yun para malaman kung ano ang kakayahan na meron ka." Napatingin kaming apat kay Xian habang kumakain sya. "Bakit nyo ako tinititigan ng ganyan? Ahh... Kinakabahan kayo nuh?" Agad syang tumawa. Sino naman ang hindi kakabahan sa maaring mangyari? Tama ba? KINAUMAGAHAN... Ang pinanghuhugutan ng aking kaba ay baka malaman ng mga taga-Ephrione o tinatawag na Ephians ang sekreto ng pagkatao ko. Ang mga Ephians ay kilala sa paggamit ng HANGIN, TUBIG at LUPA bilang kanilang mga kapangyarihan. Habang ang mga Sahaths naman ay APOY, KURYENTE at BATO. Hindi ko alam kung ano ang kakayahan na meron ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Dumating na kami ni Ashton sa nasabing bulwagan maya't maya ay nagsisimula ng dumami ang mga tao at ang mga guro naman ay hinahanda ang mga kagamitan para sa ritwal. Lumabas na ang mga matataas na antas na guro sa bulwagan kasama ang namumuno sa Academy. Sino naman ang kasama nilang matandang babae na may takip ang ulo at nakabihis ng mahabang damit na kulay puti? Kagaya ng sinusuot ni ina ng pinuno pa sya ng babaylan sa Sahathra. Siguro sya ang pinunong babaylan ng Ephrione? Bakit may mga nilagay silang sampong mga bagay sa pabilog na hugis sa sahig? Ano kaya ang gagawin nila sa mga iyon? "Kinakabahan ka parin Claire?" Kanina tinanong niya 'to at ngayon tinatanong nya parin? Mas lalo akong kinakabahan nito. "Hindi na..." Pero sa totoo lang ay kinakabahan parin ako. Mga bagay na nakalapag sa sahig ay HANGIN sa anyong maliit na ipo-ipo, TUBIG, ESPANDA, PAPEL, ANINO, BULAKLAK, LUPA, SALAMIN, PARU-PARO at AKLAT. "Ang mga pangalan na aming babanggitin ay lalapit sa bilog at hintayin ang aming susunod na sasabihin naming,” utos ng namumuno sa Ephrione Academy. Marami ng kamag-aral ko ang pumunta sa gitna ng bilog hanggang sa pangkat ko na ang tinawag nila. Si Hally ay may kapangyarihan na gumamit ng PAPEL. Si Woren naman ay SALAMIN. Si Dave ay ESPADA. "Claire, ikaw na ngayon ang pumunta sa gitna." Nanginginig ako ng sinabi yun ng punong tapapamahala ng Academy kahit nangyayari 'to ngayon sa akin sana naman ay may bagay na lalapit sa akin kung wala ay katapusan na namin ni ina. May isinagawa silang ritwal at ang naririnig ko nga sa pinuno ng babaylan ay "Dinggin ang panalangin ng pinagkaisang mithiin. Itukoy kung ano ang nararapat sa isang taong karapat dapat,” inulit-ulit nila ang pagsambit ng ritwal na iyon hanggang tumahimik silang lahat. Walang bagay sa sahig ang gumalaw kaya inulit nila ang ritwal at palakas nang palakas. "Dinggin ang panalangin ng pinagkaisang mithiin. Itukoy kung ano ang nararapat sa isang taong karapat dapat. Dinggin ang panalangin ng pinagkaisang mithiin. Itukoy kung ano ang nararapat sa isang taong karapat dapat." At tumahimik sila ulit. Kinakabahan ako kaya pinikit ko na lang ang aking mga mata. "Tingnan niyo! yung aklat papalapit kay Claire!" Sigaw ni Ashton. Aklat? Aanhin ko yan? Kinuha ko yung aklat at tumingin sa pinuno ng mga babaylan bakit ngumingiti siya? "Mabuting balita 'to! Wala pang nalalapitan ang aklat na hawak ni Claire." Bakit ganun ang sinabi nya? Ano ba ang iniisip ng pinuno ng mga babaylan? "Ang aklat na yan ay nagsisimbolo na taglay mo ang kapangyarihan ng Sealing technique." Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya... Sealing technique? "Sealing technique?" tanong ko sa kanila. "Iyan ang pinakamalakas at nakakatakot na kapangyarihan." Unti-unting lumapit sa akin ang pinuno ng mga babaylan at hinawak ang ulo ko habang pumipikit siya. "Ganoon po ba kalakas yun?" Pagkatapos ko yung sabihin ay unti-unti nyang binuksan ang kanyang mga mata at napatitig siya sa mukha ko. "Natatangi at mapanganib na nilalang,” mahinang sambit nito na tanging kami lang ang nakakarinig. Natatangi? Mapanganib? "Ano po ba ang ibig mong sabihin pinunong babayan?" Sabi ko sa kanya. "Huwag mo na yung alahanin. Maari ka nang bumalik sa hanay mo." Utos niya sa akin at agad kong binigay ang aklat na hawak ko. "Ikaw lang ang nalalapitan ng aklat na iyon,” sabi sa akin ni Woren. "Sabi nga sa akin ng punong babaylan." "Gaki, Gaki ang pangalan ng pinuno ng mga babaylan tandaan mo yan ha!" Ngayon alam ko na yung pangalan nya. Hindi ko namalayan na pananghalian na pala at nakisabay na ako sa pagkain nina Hally, Woren, Dave at Ashton. (Gaki's POV) Makilapas ang ilang oras ng matapos yung ritwal nang pag-aalam ng kapangyarihan ay hindi parin maalis sa aking isip ang tungkol sa batang may kapangyarihan ng sealing technique. Alam kong hindi siya nakatira dito sa Ephrione. Isa syang taksil! Kung sasabihin ko yung tungkol dito sa hari alam kong magkakagulo pero magagamit ko yung batang yun para sa ikabubuti ng kaharian. Tanging mga Sahaths o mga taong naninirahan lang sa Sahathra ang may kakayahan na iyon. Hindi ko muna sasabihin sa hari at hindi ako mag-papahalata na alam kong hindi isang Ephians si Claire na ang totoo ay isang Sahaths. "Punong babaylan tama ba ang balita sa akin na may batang taglay ang sealing technique?" Nandito pala ang mahal na hari. "Magandang hapon mahal na hari,” bati ko sa kanya. Maraming kawal siyang kasama. "Yung tanong ko totoo ba yun?" Lumapit siya sa isang upuan at umupo doon. "Totoo po yun." At umupo ako na malayo sa kanya. "Bakit yun nangyari?" Mukhang nag-aalala siya kaya binigyan ko sya ng mainit na kape. "Huwag po kayong mag-alala nangyayari po yun. Mabuti po nga na mayroong Ephians ang nagtataglay ng ganoong kapangyarihan magagamit natin yun kung dadating ang ikalawang digmaan." Sabay inom ko ng kape. "Kung ganoon sige, magtitiwala ako sa'yo." "Maraming salamat mahal na hari." Agad akong ngumiti sa kanya. "Yung anak ko,” sabi niya. "Bakit po? Ano ba ang tungkol kay Prinsipe Xian?" tanong ko sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD