(Gaki’s POV)
"Nag-aalala lang ako sa kanya." Bigla siyang tumayo at lumapit sa malaking bintana.
"Yung mangyayari ang siyam na taon mula ngayon?" Naisip niya ulit yung sinabi ko ilang araw na ang lumipas.
"Pipigilan ko po yan mahal na hari. Alam na natin ngayon kung sino ang nagtataglay ng sealing technique at malaki ang maitutulong niya sa atin,” sabi ko.
"Gusto ko lang na mapigilan ang pangyayari na ikamamatay ni Xian. Isa akong ama at gagawin ko ang lahat mapigilan lang yun." Napatitig siya sa akin at umiiyak ba sya? Mahal na mahal niya talaga si Xian, nag-iisang anak lang nila ng yumaong reyna na si Helena.
"Huwag po kayong mag-aalala gagawin ko po lahat ng makakaya ko, pangako." Biglang napanatag siya sa sinabi ko.
"Wala na akong sasabihin sa'yo punong babaylan aalis na ako at maraming salamat." Pagkaalis niya ay napatitig ako sa kaliwang kamay ko.
"Narinig mo yun Luhan." Pangalan ng aking Dragon spirit.
Bigla siyang nag-salita "Narinig ko yun Gaki."
"Ang gagawin natin ay aalamin at huhubugin si Claire sa kakayahan nya."
"Masusunod." Sabi nito.
(Claire's POV)
Limang minuto na lang at uwian na at nasasabik na akong mayakap si ina.
"Mag-kakaroon tayo ng pagsubok sa darating na lunes at dalawang araw na iyon mula ngayon." Sabi ni sir Kintai.
"Naring ko na iyong tungkol sa pag-subok. Merong patagalan ng pagtayo, pabilisan ng pag-takbo, pataasan ng talon at marami pang iba." Pagsubok naman ang kinukuwento sa akin ni Dave. May mag-tatagal ba doon?
"Ang hindi makakatagal na pangkat sa pagsubok ay matatanggal sa Ephrione Academy,” nagulat kaming lahat sa sinabi ng aming guro.
"Ano po Sir Kintai? Ang ibig sabihin po nun ay hindi na makapag-aral sa Ephrione Academy?" gulat na sigaw ni Dave.
"Ayukong matanggal ang ating pangkat." Nagsisimula ng umiyak si Hally. Bakit ganito ang patakaran dito? Isang linggo pa lang kami at mahirap kaya ang mabilang sa Academy na ito at agad lang sila na magtatanggal ng pangkat?
"Hindi ko rin gustong mapaalis dito." Napayuko lang si Woren at ang iba kong kaklase ay nag-simula ring umiyak.
"Patawad pero yun ang patakaran dito... Uuwi ang matatalong pangkat." Agad nang umalis si Sir Kintai sa aming silid.
"Bakit ganoon ang patakaran dito?" pag-aamok ng isang kaklase namin.
"Wala na tayong magagawa at mahigpit ang patakaran dito sa Academy." Naaawa na ako kay Hally dahil patuloy parin siya sa pag-iiyak.
Ang tanging magagawa lang namin ay pumasa sa pagsubok sa darating na lunes. Hindi man ako umiyak pero nalulungkot narin ako sa maaring mangyari.
Matatanggal ba ang pangkat namin? o magpapatuloy kami hanggang sa huli?
-_-_-_-
Hindi nakatulog ng maayos si Claire, nag-aalala sa maaring mangyari sa unang pag-subok nila sa Ephrione Academy aalahanin mo lang na may matatanggal na pangkat pagkatapos ng pagsubok na iyon.
"Claire, Inaalala mo ba ang pagsubok nyo bukas?" sabi ni Lani sa anak nitong nakatitig sa bintana.
"Opo ina, ayaw ko naman na may matanggal sa mga kaklase ko. Pinaghirapan namin na makapasok sa Ephrione Academy kailangan bang may matatanggal sa amin?" Nabaling ang atensyon nito sa mga paru-paro na lumilipad sa kanilang hardin.
"Kung ganyan ang patakaran sa Academy wala na tayong magagawa diyan. Yung tungkol pala sa sinabi mo na nagtataglay ka ng sealing technique ano ang sinabi ng punong babaylan?" pang-uusisa ni Lani sa anak nito.
"Yun po ina? Masaya nga po sya eh." Lumapit si Claire sa bintana at binukasan ito.
"Masaya? Bakit naman?" Agad humigop ng mainit na kape si Lani habang nakaupo ito malapit kay Claire.
"Ako lang po ang nagtataglay ng kapangyarihan ng sealing technique yun po,” sabi niya.
"Hindi ba siya nagtaka anak?" Lumapit ito kay Claire.
"Hindi naman po." Napalingon 'to sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon." Agad niyang niyakap si Claire nang mahigpit.
"Kagaya po ng mga paru-parong lumilipad sa malawak na hardin pipilitin ko pong lumipad hanggang kaya ko at aabutin ang mga pangarap na nag-hihintay sa akin." Nabigla si Lani sa sinabi ni Claire sa ganoong gulang hindi niya akaling masasabi nya yun.
Isang senyales na nagtataglay ng sealing technique ang isang tao ay palagay ang loob nito sa mangyayari at kagaya ng ina niyang dating reyna ng Sahathra at matatalinhagang salita ang nasasabi nito.
Isang malaking lihim ang tungkol sa pagkatao ni Claire kahit siya hindi niya alam na isa syang ampon ni Lani.
Balik tanaw…
Taong 2501... Taon na inuwi ni Lani si Claire sa palasyo ng Sahathra.
Akay-akay si Claire ay pumunta si Lani sa silid ng council kung saan ay naroon si June ang bagong hari ng Sahathra "Mahal na hari,” sabi nya.
"Pinunong babaylan, may kailangan ka ba?" Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"Hinihiling ko na iutos niyo po sa lahat na ilihim ang tungkol sa pag-ampon o isang ampon si Claire,” pagpapakiusap nito.
"Pero dadating ang araw na malalaman nya yun." Napahawak si haring June sa mukha ni Claire na mahimbing ang tulog.
"Gusto ko pong ako ang magsasabi sa kanya." Hiling ni Lani sa hari.
"Sige, Ipag-uutos ko ang kahilingan mo, Punong babaylan." Pagsasang-ayon niya.
---
SA KAHARIAN NG SAHATHRA...
Ano kaya ang nangyayari ngayon sa kaharian ng Sahathra? Dalawang taon na ang lumipas.
"Hindi niyo parin nakikita ang dating pinuno ng babaylan? at ang anak nito?" sigaw ni haring June sa pinuno ng mga kawal nito na si Hexzus.
"Patawad po mahal na hari." Yumuko lang si Hexzus. Matagal na rin ang paghahanap nila sa mag-ina.
"Hindi kaya nag-tago sila sa Ephrione?" biglang sumulpot si Yanah ang kabiyak ni Hexzus at dating babaylan.
"Tama po ang sinabi ni Yanah. Wala na silang pagtataguan bukod dito sa Sahathra,” pagsasang-ayon ni Hexzus.
"Hindi yun pwedeng mangyayari! Kung malalaman ng mga Ephians yun siguradong papatawan sila ng kamatayan." Bigla silang natahimik ng sinabi yun ng hari.
"Oo, tama sya." Agad na umalis si Yanah.
"Dalawang taon mula ngayon ay sasakupin natin ang kaharian ng Ephrione kaya sanayin ang mga kawal!" utos nito kay Hexzus.
"Masusunod po mahal na hari." At umalis na si Hexzus kasama ang mga kawal nito.
"Dalawang taon mula ngayon magiging akin na ang Ephrione!" sigaw nito habang nililinis ang espada nito.
SA EPHRIONE ACADEMY...
Madilim ang kalangitan ng mga sandaling 'to kahit ganoon pa ay pinalabas ni Kintai ang guro nina Claire, Woren, Hally at Dave silang lahat sa silid para isagawa ang unang pag-subok.
Kung hindi ako magkakamali ay ika-siyam na ng umaga pero nag-babadya ang malakas na ulan dito sa bulwagan na akla mo'y dadating na ang gabi.
Nag-sisismula na ang pag-ihip ng malamig na hangin at papalakas pa ito.
"Nakikita niyo ba ang mga malalaking bahagi ng puno na nakatayo doon!" Sabay turo niya kaya napalingon ang mga bata.
"Isa, dalawa, tatlo.,” pagbibilang ni Dave.
"150 yan, “sabi ni Claire.
"Patagalan ang pagtayo dyan." Napaisip yung mga bata sa sinabi ni sir Kintai. Patagalan ng pagtayo? Hanggang kailan? yan ang mga bulong-bulungan ng mga bata.
"Tayo na! Patagalan kung patagalan!" sigaw ni Dave at humanap na ito ng pwestong tatayuan niya.
"Sundin niyo ang ginawa ni Dave at mamili na kayo ng pwesto." Sinunod naman ng mga bata ang sinabi nya.
Tumayo na silang lahat sa bawat sanga ng puno. Naghihintay sa susunod na sabihin ng kanilang guro.
"Bawat oras ay lumiliit ang sanga ng puno kaya, unti-unti ring lumiliit ang inaapakan nyo." Kinuha niya na ang orasan nito at hinanda.
"Paano na yan? ang taba ko at baka ako pa ang unang matanggal sa ating pangkat." Pag-aalalang sabi ni Hally. Si Hally kasi yung pinakamataba sa pangkat kaya mahihirapan sina Claire, Woren at Dave sa sitwasyong ito.
"Huwag kang mag-aalala... kakayanin natin 'to" Pagpapanatag loob nasabi ni Claire.
"Meron pa pala... Bawat oras rin ay tumataas ang punong kinatatayuan niyo ng isang metro." Mas lalong kinabahan ang mga estudyante nito.
"Paano na yan Claire? Lumiliit at tumataas ang punong kinatatayuan natin!" Inis na sabi ni Dave sa kanya.
"Wala na tayong paraan kundi sundin yun! Gusto niyo bang mag-tagal sa Ephrione Academy? Kaya dapat tayo ang manalo dito!" Panghihikayat ni Claire pero halata sa boses nito na kahit siya ay kinakabahan.
"Kakayanin to ng pangkat Gac!" sigaw nilang apat.