Kabanata 16: Seal

1246 Words
Dumating ang ilang guro, babaylan at hari para saksihan ang unang pagsubok ng Ephrione Academy. Kahit ang mga lang mag-aaral nito ay dumating din. 150 sanga ng puno, 150 estudyante, 20 pangkat na matatanggal, Sino ang maiiwan? Sino ang magwa-wagi? Sinong pangkat ang matatanggal? at Sinong pangkat ang uuwing luhaan? "Kung sinong huling pangkat na maiiwan ay makakatanggap ng pabuya!" pangako ni Haring Alexander. "Naring nyo yun? May pabuya!" Napangiti si Hally nang marinig niya yung sinabi ng hari. "Woren, Bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Claire sa kanya. "Gusto kong manalo ang pangkat natin Claire,” bulong niya. "Alam kong mananalo tayo. Gawin na lang natin ang nararapat." "Mag-uumpisa na ang unang pagsubok ng Ephrione Academy." Nagsimula ng magsigawan ang mga taong nanunod sa kanila. Katahimikan ang bumabalot sa mga batang sumasali sa pagsubok na ito. Lahat gustong manalo at makuha ang pabuyang ipinangako ng haring Alexander. Si prinsipe Xian ay nasa tabi ng kanyang amang hari nag-aabang at napapaisip. "Sa palagay mo Prinsipe Xian, magtatagal ba ang pangkat ni Pink Hair? ni Claire?" tanong ng matalik niyang kaibigan na nasa likuran nito. "Hindi ko alam” Napatigil siya. “Maaring oo, maari ring hindi,” sabi pa nito. "Ang ibig sabihin ay naguguluhan ka,” pangungulit nito. "Carlo, natatandaan mo ba noong tayo pa ang sumabak sa unang pagsubok na iyon?" pagbabalik tanaw ni Xian. "Hindi ko yun makakalimutan. Sino ba ang makalimot na may malalaking aso ang lumabas sa isang kulungan? at Sino ba makakalimot ng..." sabi ni Carlo. "Doon natin unang nagamit ang ating kapangyarihan." Napatulala si Xian at Carlo. "Tama yung sinabi mo Prinsipe Xian. Nagamit ko yung kapangyarihan kong gumamit ng anino at ikaw naman ay hangin nakakatuwa yun,” dagdag pa ni Carlo. "Ibahin natin ang sitwasyon ngayon. Tanging ang kapangyariyahan lang ni Claire ang hindi pa nakikita ng lahat,” pananabik ni Xian. "Oo, saling technique? Hindi ko pa yun nakikita ano kaya yun?" tanong niya pa. Agad nyang binatukan si Carlo. "Yan nga ang dahilan kung bakit tayo nandito para alamin yun!" "Kaibigan ba talaga kita?" sigaw niya habang hinihimas ang ulo nito. "Tumahimik nga kayo dyan!" Yan nagalit tuloy ang tagapamahala ng Ephrione Academy. "Patawad po." At tumahimik na silang dalawa. Lumipas ang ilang minuto hanggang sa naging isang oras... Nagsisimula nang yumanig ang sahig at ang mga bata ay nagsisigawan. "Lumiliit at tumataas na ang sanga!" sigaw ni Dave. "Huwag kayong kabahan!" sabi ni Woren. "Sino ang hindi makakabahan sa doon!" Sabay turo ni Dave sa nagbukas na malaking pintuan. Rawrrr! "Ano ang mga yan?" tanong ni Claire. "Bakit malalaking aso dito sa Ephrione Academy?" sigaw ni Dave. Nagkakagulo na ang mga tao sa Academy ang ibang mga bata na sumasali sa pagsubok ay tumakbo na. "Ano ang gagawin natin?" naninigin tanong ni Hally. "100 beses ang laki niyan sa alaga kong aso eh." Napakamot sa ulo si Dave. "Baka papatayin kita nyan!" Nagsisimula nang mangamba si Woren. "Kalahati na lang ang naiwan sa atin. Paano na yan Claire?" Napatitig sila sa kanya. Hindi nila alam na nag-aalala rin si Calire sa mangyayari. "Nalaman niyo na ang kapangyarihan na taglay nyo kaya gamitin niyo yun!" Utos ng pinunong babaylan. "Hahayaan ba nila na mamatay tayo dito?" Parang tatalon na si Dave. "Huminahon ka lang Dave,” pagpipigil ni Claire sa kanya. "Gagamitin raw yung kapangyarihan natin, paano yun?" atat na malaman ni Hally kung paano nya gagamitin yung kapangyarihan nya. Rawwrrrrr! Nag-simula nang magwala ang mga malalaking aso at ang kalangitan ay nagsisimula naring umiyak. "Bakit ngayon pa umuulan?" inis na sabi ni Dave. "Alahanin niyo yung sinabi ng punong babaylan. Ikaw Hally ay may kapangyarihan kang gumamit ng PAPEL, si Woren naman ay SALAMIN, Dave ay ESPADA at ako naman ay SEALING technique." Bigla silang napaisip. "Hindi natin alam kung paano natin gamitin ang mga kapangyarihan natin! Walang saysay parin yun!" pagalit na sigaw ni Woren. "Water Burst!" sigaw ng isang bata. Unti-unti na nilang ginagamit ang mga kapangyarihan nito. "Ipikit niyo lang ang mga mata nyo at sundin kung ano ang dinidikta ng puso nyo!" pakiusap sa kanila ni Claire. Sa isang subol ng malaking aso na kulay pula ay natanggalan naman sila ng pangkat. "Nakakainis ang lakas pa naman ng ulan!" Sabi ni Claire. "Carlo, lumakas pa ang ulan at lumipas na ang dalawang oras." Paalalang sabi ni Xian sa matalik na kaibigan nito. "Kalahati na lang ang naiiwan sa kanila. Tingnan mo yung si Claire, Pink Hair ang lalim ng iniisip." Palaging si Claire lang ang nakikita ng dalawang to. "Ano kaya ang iniisip nya Carlo?" tanong niya. "Kung paano tumakas?" "Tsss, kung tatakas sila sana kanina panila ginawa yun! Tingnan mo marami ng sugatan!" "Kailangan bang sigawan ako?" Mukhang nainis na si Carlo sa kanya. "Oo na, patawad na Carlo." "Manood na lang tayo" At tumahimik na silang dalawa. "Ano kaya ang iniisip ni Claire?" Mukhang interesado ang punong babaylan sa kanya. "Gagamitin niya siguro ang kapangyarihan nito" Sagot ni haring Alexander. "Mukha nga... Maganda ang mangyayari dito." Nagkatitigan silang dalawa at ngumiti. Biglang na baling ang atensyon ng isang malaking aso sa pangkat ni Claire at bigla silang nag-aalala. "Ah! yung panget na aso mukhang natatakam sa atin!" sigaw ni Hally kaya na palingon ang isa pang aso sa kanila. "Hally kung wala kang sasabihin itahimik mo yang bibig mo!" Agad na tinapon ni Dave ang sapatos nito kay Hally. "Huwag na nga kayong mag-away dyan." Hindi na nila alam kung ano ang kanilang gagawin at kahit si Woren ay nagalit na. Rawrrr! "Parating na sila!" alalang sigaw ni Hally. Bago pa masaktan ang pangkat ni Claire ay, "Protection Seal open!" Kasabay ng pagsigaw ni Claire ay may mga kadenang lumabas sa likuran nito at hindi sila napahamak dahil sa sealing technique na iyon. Sabi ni Dave, "Claire, nagawa mo!" Kahit si Claire ay namangha sa ginawa niya. Bago pa matamaan sina Claire mabuti at nagamit nya ng maayos yung protection seal. Kung na huli pa sya ay maaring mapahamak o ikamamatay pa nila. Pananggalang nakatulong ng malaki sa kanila. "Ako na ang bahala sa isang yan!" Agad pinalabas ni Dave ang espada nito. "Hindi mo yan magagamit Dave hanggang nandito tayo sa loob ng pananggalang ginawa ni Claire!" sigaw ni Woren sa kanya habang naghahanda siya ng gamit nito. "Pansamantala kong hihinaan ang protection seal para magamit ni Dave ang sandata nito." At sinimula na ni Claire ang sinabi nito. Nabalutan ng kuryente ang espada ni Dave at sumigaw siya, "sword of death!" Agad umatake siya sa isang malaking aso at napatumba niya ito. Napatingin si Claire kay Hally, "Hally, balutan mo ng papel yung dalawang natira!" "Masusunod! " Kasabay nang pagkumpas ng kamay nya ay nabalutan ang dalawang malaking aso. "Hojaht, 101!" Sa ngayon ay ginamit naman ni Woren yung mirror technique niya na nagpaparalisa at kumulong sa mga malalaking aso na ito. Mas lalong dumilim ang kalangitan at ang nakakabigla ay dalawang pangkat na lang ang naiwan. "Tatapusin na natin to! Cursed seal open!” sigaw ni Claire habang papalapit sa mga nakakulong at paralisadong dambuhalang mga aso. Biglang umilaw ang buong paligid at tumila ang ulan. "Prinsipe Xian, bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Carlo. Nanginginig ang buong katawan ni Xian dahil na saksihan nya kung paano at ano ang maaring pinsala ng cursed seal.  “Ang sabi ni ama na ang technique na iyan ang pumatay sa Inang Reyna ko!" Tumayo siya at lumakad ng papalayo. "Prinsipe Xian, hintay!" Agad niyang sinundan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD