Kabanata 17: Kapangyarihan

1246 Words
"Natapos narin," saad ni Claire at bigla itong nahimatay. "Claire! Claire!" sigaw ni Ashton habang tumatakbo siya nang mabilis papunta kay Claire. "Ang galing ng ginawa nya! nakakamangha. Ganito pala ang kapangyarihan ng cursed seal na kayang pumatay,” bulong ng punong babaylan sa sarili nito. Biglang nagpakita si Jiruz ang dragon spirit ni haring Alexander kay Xian habang umuupo sya sa labas ng silid nito. "Nahimatay si Claire!" "Bakit naman?" Nagulat siya sa balita ni Jiruz. "Maraming kapangyarihan ang nagamit nya at kasalukuyang dinala sya pagamutan,” sabi niya. "Kailangan ko syang makita." Sabay takbo nito. "Lukong Xian! hindi na ako hinintay! Siguro may gusto sya kay Claire? makaalis na nga." Parang pinutok na bula ito na biglang nawala. "Nasaan kana Xian!" Biglang sulpot ni Carlo. Nagmamadaling pumunta sa nasabing pagamutan si Xian nag-aalala at kinakabahan. "Claire, Claire," bulong ni Ashton sa walang malay na bata. "Kamusta si Claire?” pahingal na sabi ni Xian. "Mahal na prinsepe,” marahang saad ni Claire. "Mabuti naman at gising ka na." Umupo si Xian at hinawakan ang kamay ni Claire. Pangiting sabi ni Claire,"nag-aalala ka talaga sa akin?" Biglang namula si Xian. Naalala ni Xian yung cursed seal na ginamit ni Claire kaya tumayo ito at mangiyak-ngiyak siyang umalis. Pilit na umupo si Claire at sumigaw, "mahal na Prinsipe! Biro ko lang yun!" Napayuko sya. "Huwag mo siyang alahanin Claire! Isipin mo ang sarili mo!" Pagpipigil ni Ashton sa kanya. "Pero," Napatitig lang si Claire sa pinto. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman yung galit at inis! Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip! Yan ang iniisip ngayon ni Xian at nakaupo lang sa isang sulok na may hawak na litrato ng yumaong ina nito. "Ina, nasaksihan ko yung curse seal na pumatay sayo.” Napatigil siya. “Napakalakas at mapanganib,” mga salitang nasabi niya habang umiiyak at napatitig sa litratong hawak nya. Biglang lumapit si Carlo para sya'y damayan "Prinsipe Xian," "Umalis ka muna Carlo gusto kong," "Xian matalik mo akong kaibigan." Umupo siya sa tabi nito. "Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!" sigaw ni Xian habang umiiyak siya. "Pero naiintindihan ko ang kalagayan mo,” mahinahong tugon ni Carlo. "Lumaki akong walang ina at hindi kagaya mo araw-araw mong kasama." "Xian, bakit gusto ba ng ina mo na mawalay siya sa tabi mo?” sabi ni Carlo. "Alam niya naman na kailangan ko sya!” bigla siyang nagalit sa kaibigang nag-aalala sa kanya. "Ginawa nya lang yun para protektahan tayo” Pagpapaliwanag ni Carlo sa kaniya, “mga Ephians at lalo kana pero hindi natin akalaing mabibigo sya." Napayuko lang si Carlo. "Magbabayad ang mga Sahaths!" Agad siyang tumayo pero hinawakan ni Carlo ang kamay nito. "Kasama mo ang buong Ephrione sa mithiin mo mahal na Prinsipe Xian,” sabi nya. Buo na ang desisyon ni Xian na maghiganti sa Sahathra at sumang-ayon rin si Carlo sa plano nito. "Mahal na Prinsipe, pinapatawag po kayo ng mahal na Hari sa silid nito,” saad ng isang kawal na sumundo sa kanya. "Sige Carlo maraming salamat sa sinabi mo. Tunay kang kaibigan." Kasabay ng pagpahid ng kanyang mga luha ay napalitan ito nang ngiti. Mahigit sa anim na kawal ang sumundo kay Xian at dali-dali silang pumunta sa silid ng hari dahil ito ang utos nya. "Ano ba ang kailangan ni Amang hari sa akin Paul?" tanong ni Xian sa punong kawal ng Ephrione habang nag-lalakad sila. "Patawad po mahal na Prinsipe pero hindi niya po sinabi." Napatigil sila sa paglalakad ng may sumigaw mula sa likuran nila, “Ama! Ama!" Nilapitan ni Hexuz ang anak nito at nagtanong, "Hazel, anak bakit ka nandito?" Napatitig lang sa kanila si Xian at ang ibang kawal. "Mag-hihintay pa ba ako sa inyo?" inis na sigaw ni Xian. "Ama, sya ba ang mahal na Prinsipe?" Napatulala lang si Hazel ng makita niya si Xian. "Umuwi ka na,” bulong niya sa anak nito. Tumakbo si Hazel papalapit kay Xian at tinanong sya, "Ikaw ba si Prinsipe Xian?" "Huwag mo nga akong hawakan!" sigaw ni Xian at agad na pinalayo ng mga kawal si Hazel sa kanya. "Mahal na Prinsipe!" Pilit siyang pinapalayo ng ama nito sa naiinis na si Xian. Biglang nagalit si Paul sa anak nito at pinagalitan nya, "Hazel! Umuwi ka na! Mag-uusap tayo sa bahay!" "Pero ama," "Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hazel naman! sundin mo na ang utos ko." At agad siyang lumapit kay Xian. "Turuan mo nga yang anak mo." Dahil sa inis ay nasabi niya yun kay Paul. "Patawad po mahal na Prinsipe" At pinagpatuloy na nila ang pag-lalakad. Walang imik si Xian hanggang sa nakaabot na sila sa silid ng amang hari nito. Pinagbuksan sya ng mga kawal "Amang hari, ano po ba ang kailangan mo sa akin?" Hawak ang isang bulaklak ay unti-unti 'tong lumpit sa anak na naguguluhan. "Nakikita mo ba to?" "Opo." "Sa palagay mo ano kaya ito?" Sabay pilyong ngiti ni Haring Alexander. "Tinatanong pa bayan Amang hari? Isang bulaklak!" Nag-sisimula ng maguluhan si Xian sa ginagawa ng ama nito. "Tama! isang bulaklak at ipagpalagay natin na kaharian 'to ng Sahathra. Ano ang mangyayari sa kanila kung unti-unting malalagas ng ganito?" Sabay tangal niya ng mga bahagi ng mga bulaklak. "Wala ng matitira." Tugon ni Xian na naguguluhan parin. "Ganyan ang mangyayari sa kanila. Unti-unti nating patayin ang mga nilalang na pumatay sa ina mo,” bulong sa anak na nakakaunawa na sa mga sinasabi nya. Napasuntok lang sa pader si Xian at nagsabing, "Papatayin ko silang lahat!" sigaw niya. "Mabuti at nauunawaan mo." Ngumiti sya sa sagot ng anak nito. "Kahit hindi mo pa sasabihin sa akin ama. Yan parin ang gagawin ko." "Magaling! Maari ka nang umalis at magpalakas para sa darating na digmaan." "Masusunod Amang hari." At agad naman syang umalis. Simula sa araw na sinabi yun ni Alexander sa anak niyang si Xian ay nagsanay na ito sa isang lugar na malayo sa Ephrione lugar kung saan nagsanay ang yumaong ina nito. Pero bago siya umalis ay nakipagkita si Prinsipe Xian kay Claire sa isang balon na nasa hardin ng Ephrione Academy. Kanina pang nag-hihintay ang batang babae naiinis at naiipin nang biglang tinakpan ng Prinsipe ang mga munting mata ni Claire. "Kanina pa akong naghihintay dito sa'yo." Pagalit niyang sabi. Agad niyang tinanggal ang mga kamay nito sa mga mata ni Claire sabay sabing, “patawad pumuslit lang ako sa mga kawal." "Ano ba ang kailangan mo sa akin mahal na Prinsipe?" payukong sabi ni Claire. Pautal nitong tugon, "dalawang taon tayo na hindi mag-kikita sana ay mag-iingat ka." "Dalawang taon? Bakit saan ka ba pupunta?" pangungusisa ng batang babae. "Utos ni Amang Hari na mag-sanay ako sa isang lugar na malayo dito sa Ephrione Academy." pagpapaliwanag niya. "Ganoon ba?" Agad na lumapit sa kanya si Claire at hinawakan ang mga kamay nito. "Mag-iingat ka rin,” pangiting sabi niya pa. Isang matamis ring ngiti ang tugon ng Prinsipe kay Claire bago sila magkahiwalay ng lubusan. Lumipas ang ilang araw... Linggo... at naging dalawang taon... Ay naroon parin siya sa Korzo lugar ng pinagsasanayan ng mga Ephians. "Wind of destruction!" "Mahal na Prinsipe, dalawang taon kana po dito at dalawang taon narin kitang kasama,” pang-aasar ni Jiruz sa kanya. "Naasiwa kana ba sa mukha ko?" Bigla niyang binitawan ang espada nito at uminom ng tubig. "Dito ka na nagdiwang ng kaarawan mo. Hindi ba sumagi sa utak mo na umuwi sa palasyo?" dagdag pa ni Jiru.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD