"Hindi naman." Bilang nag-anyong dragon si Jiruz.
"Hindi mo gustong makita si Claire?” giliw na sabi ng dragon sa kanya.
"Inaasar mo ba ako?" Napasuntok ito nang malakas.
"Gusto mo sigurong matusta sa hindi oras nuh?" bangayan nilang dalawa.
"Ah! Gusto mong mag-laban tayo?" hamon ni Xian sa kanya.
"Walang sisihan at walang iiyak!" Agad na tinanggap ni Jiruz ang hamon nito.
"Ano ang ginagawa niyong dalawa!" sigaw ni Haring Alexander.
Biglang huminahon silang dalawa sa sigaw ni Alexander. "Patawad sa asal namin Amang hari."
"Mahilig talaga kayong magbangayan Xian! Uuwi ka ngayon sa palasyo." Nagulat si Xian sa sinabi ng ama nito.
"Sa wakas makakauwi na ako!" Napatalon ang dambuhalang dragon sa saya.
"Bakit ba uuwi ako sa palasyo Amang hari?" tanong ni Xian na basing-basa ng pawis.
"Dahil utos ko." Wala nang imik si Xian sa sabi ng ama nito.
Biglang nilapitan ni Paul si Xian. "Mahal na Prinsipe aayusin po namin ang mga gamit mo."
"Sige, Amang hari hayaan mong mag-ayos muna ako bago umuwi,” hiling ni Xian sa kanyang ama.
"Ayaw kong mag-hintay ng matagal."
"Bibilisan ko po." At umalis na si Xian.
"Mag-anyong tao ka muna Jiruz at may itatanong ako sa'yo" Agad namang sinunod ng dragon yung sinabi niya.
"Maari ka nang magtanong mahal na hari,” sabi ni Jiruz.
"Kamusta ba si Xian dito Jiruz?" tanong nya.
Napangiti si Jiruz sa tanong nya, "Nag-aalala ka pala sa anak mo Alexander?"
"Ama niya ako kaya nag-aalala ako sa kanya." Napalakad siya papalayo kay Jiruz.
"Kunwari pa!" sigaw ni Jiruz.
Dahil sa kakulitan ni Jairuz ay sinabihan niya to, "bumalik ka na sa kamay ko Jiruz!" Sa pag-angat ng kamay ni Alexander ay wala nang magawa si Jiruz kundi bumalik sa kamay ng nagmamayari sa kanya.
"Amang hari nasaan na ba si Jiruz?" tanong ng sumulpot na si Xian.
"Bumalik na sya sa kamay ko hali ka na kailangan na nating umalis,” utos niya sa anak nito.
Mahigit sa isang oras ang itatagal ng kanilang biyahe para makapunta sa palasyo ng Ephrione habang naglalakbay sila ay naghahanda naman ang palasyo sa pagdating nila.
Nabalitaan ni Claire sa mga nagkukumpulang babae sa gilid ng daan ang balita. "Hazel totoo ba ang sinabi mo?" tanong ng kaibigan nya sa kanya.
"Oo." Agad nabaling ang atensyon ni Hazel kay Claire at nilapitan niya ito.
"May kailangan ka ba?" tanong ni Claire sa kanya.
"Layuan mo lang si Xian! Yan lang ang gusto ko." Napayuko lang si Claire sa sinabi ni Hazel.
"Kaya ko siyang iwasan pero ano ang magagawa ko kung siya ang lumalapit sa akin?" Biglang nagalit si Hazel sa sinabi ni Claire kaya hinawakan nya ito nang mahigpit sa kamay.
"Siyam na taong gulang ka lang! Wala kang laban sa akin kaya mag-ayos ka!" sigaw ni Hazel sa kanya.
"Hindi naman na babatay sa edad yung pagrerespeto dapat nga ikaw ang unang magbigay nun para irespeto ka ng mas maliit sa'yo." Sabay ngiti ni Claire na mas lalong nagpa-init sa ulo ni Hazel.
Napansin ng punong babaylan na nagkakagulo sa isang sulok kaya nilapitan nya. "Anong kaguluhan to?"
"Punong babaylan, kasi si Claire,” pagsusumbong ni Hazel sa kanya.
"Claire, sumama ka sa akin." Agad niyang hinablot ang kamay ng bata at pinasunod sa kanya.
Isang tahimik at ayaw ng kumplekadong bagay ang pagkatao ni Claire. Nagsasalita man pero hinihintay siya na humupa ang pangyayari bago sya magbigay ng pananaw nito sa buhay.
Akala ni Claire ay papagalitan sya ni Gaki ang pinuno ng mga babaylan pero kabaliktaran lang ang lahat ng iyon.
"Mahigit sa dalawang taon na ang lumipas Claire at ikaw lang ang natatanging mag-aaral ng Ephrione na nakakuha ng matataas na marka bukod sa yumaong reyna,” sabi ni Gaki sa kanya habang naglalakad sila.
"Maraming salamat sa papuri mo punong babaylan. Pero yung yumaong reyna diba ina sya ni Xian? Prinsipe Xian." Napatigil sila sa paglalakad.
"Totoo yung sinabi mo. Isa sa mga matalinong nilalang sa Ephrione ay si Helena. Pero namatay siya sa unang himagsikan laban sa Sahathra." Lumapit ang isang baso ng tubig kahit sampong metro pa ang layo nito sa kanilang dalawa.
Namangha si Claire sa ginawa niya. "Ano po ba ang gagawin mo diyan?"
"Ipapakita ko sa'yo kung ano ang nangyari sampong taon na ang lumipas." Unti-unting umangat ang tubig sa hangin at may mga pangyayari na kikita mula doon na ikinabigla ni Claire.
"Yung Curse Seal ang pumatay sa kanya?" Napahawak siya sa tubig kaya tumapon sa sahig.
"Tama ang nakita mo Claire kaya dapat--"
"Punong babaylan, dumating na ang hari at Prinsipe,” pahingal na sigaw ng isang babaylan.
"Kailangan ko nang umalis at mag-uusap na lang tayo sa susunod,” nagpaalam at umalis na si Gaki kasama ang babaylan habang si Claire naman ay--
"Claire! Ano ba ang pinag-uusapan niyo ng punong babaylan?" tanong ni Ashton.
Napatingin lang sa kanya si Claire. "Tungkol lang sa dating reyna ng Ephrione." At lumakad na sya patungo sa bulwagan.
"Sa ina ni Xian?" Sinundan naman siya ni Ashton.
"Oo,” sagot ni Claire.
"Huwag mong sabihing interesado ka sa buhay ni Xian?" Nag-seselos ba si Ashton? Bigla siyang namula nang nasabi niya iyon.
"Masama ba kung magtatanong ako?" Napatigil sila sa paglalakad.
"Claire, malabo na mahalin ka ni Xian at may taong nag-mamahal din sayo hindi mo lang napapansin." Napayuko lang si Ashton. Parang ewan lang siya habang sinasabi niya ito kay Claire.
"Hindi ko naman hangad na mahalin niya ako at saka bata pa ako Ashton para sa mga bagay na yan. Kung maari huwag na natin syang pag-usapan?" hiling nito sa matalik niyang kaibigan.
"Sige,” malungkot na tugon nito.
Agad na hinawakan ni Claire ang kamay ng nalulungkot na si Ashton "Hali kana, baka mapagalitan pa tayo." Sabay ngiti ni Claire.
"Sige." Umalis silang nakangiti. Alam kaya ni Claire na umiibig sa kanya si Ashton? o Si Claire naman ang umiibig kay Xian?
Sa pagdating nila ay maraming nakaabang sa hari at ang anak nitong si Prinsipe Xian.
Sa bulwagan ay marami ng tao. Yung mga babae ay nag-ayos at nagpaganda para mapansin ni Xian sa pagdating nito. Pero ang tanong mapapansin kaya sila?
"Hally!” bati sa kaibigan nitong nagpaganda rin.
"Claire! Hindi ka ba nag-ayos?" Sabay suklay-suklay ng buhok nito.
"Bakit naman? Mukhang ayos naman ako ha,” sabi nito.
Nilapitan ni Hally ang mukha nito kay Claire sabay sambit, "Tsss! Ayaw mo bang mapansin ni Prinsipe Xian?"
"Kapag ginawa ko ba yun tataas ang grado ko?" Napatitig lang siya sa kaibigang nagpaayos talaga.
"Hay, ang talino mo nga Claire! Ikaw na! Subra pa sa mataas ang grado mo kung mapapansin ka ni Prinsipe Xian! " inis na sabi nito.
"Mag-aaral na lang ako sa hardin. Sige Hally pagbubutihan mo pa ang gagawin mo,” sabay tawa ni Claire nang malakas at agad siyang umalis. Habang papalayo si Claire sa bulwagan ay yun din ang pagdating ng mag-ama.
"Magbigay pugay sa Hari at Prinsipe ng Ephrione!" sigaw ni Paul ang pinunong mga kawal.