Nasisipag yuko ang lahat ng mga Ephians sa pagdating nila pero ang tingin ni Xian ay iba ang hinahanap. "Ow? Si Claire ang hinahanap mo?" bulong sa kanya ni Carlo.
"Bakit hindi ba pwede?" Hindi niya parin alam na si Carlo ang kinakausap nya.
"Luko! Sabi na nga eh! May gusto ka sa kanya!" Nabigla si Xian sa sigaw nito.
Bigla siyang hinampas nito. "Nandito ka pala!" Sa lakas nang pagkahampas ni Xian sa kaibigan nito ay nawalan ito ng balanse sa daan.
"Sumusubra ka na ha!" bangayan naman silang dalawa.
"Xian! Mag-asal Prinsipe ka nga!" pagalit na sabi ni Haring Alexander.
"Patawad po Amang hari." At umayos na ang mga ito.
"Ikaw kasi eh,” bulong sa kanya ni Carlo.
"Mahal na Prinsipe!" sigaw ng mga kababaihan habang nagwagayway ng kanilang kamay.
"Abah, magandang babae at kay daming nagkakagusto sa'yo Prinsipe Xian,” sabi ni Carlo.
Nakita agad ni Xian na papalayo si Claire sa bulwagan. "Oi! Si Claire!" Sabay turo nito sa kaibigang nag-lalandi sa mga babaeng lumalapit sa kanya.
"Ayaw ka niyang makita."
"Bakit naman?" tanong ni Xian.
"Hindi mo ba nakikita? Halos lahat ng mga babae dito sa Ephrione nababaliw sayo!" Patuloy parin si Carlo sa pakiki-paglandi sa ibang babae.
"Kailangan ko siyang makausap."
"Bakit naman? Nagsasayang ka lang ng oras." Sa pagkaharap ni Carlo para kausapin ng maayos si Xian. "Lukong Prinsipe Xian! Hoi! bumalik ka!" Sigaw niya.
"Sabihan mo na lang si Amang hari na may pinuntahan ako." Agad niyang hinabol si Claire.
"Sige!" sigawan nilang dalawa.
Medyo malayo rin si Claire sa kanya kaya hindi siya naririnig nito hanggang sa umabot na ang nakakahingalong takbo ni Xian sa hardin ng Ephrione Academy. Agad niyang hinawakan ang braso ni Claire kaya lumingon to sa kanya. "Hoi! Hindi mo talaga narinig ang sigaw ko?"
Hindi alam ni Claire kung ano ang sasabihin pero sa isipan nito ay nag-lalaro ang mga katagang. "Tulala ka sa mukha ko nuh? Gwapo ba?" pagmamalaki nito.
"Hindi ka talaga nagbago! Marami ka bang nasinghot na hangin?" sabay tawa ni Claire.
"Bukod sa ganyan ang kapangyarihan, wala na nuh!" bigla siyang nainis sa sinabi ni Claire.
"Patawad na, nainis kaba sa sinabi ko?" Hindi parin mapigilang tumawa ni Claire.
Natulala si Claire nang makita nito ang mga ulap na naghugis puso. Si Xian naman ay namumula habang kinukumpas ang kamay nito sa hangin.
"Ang ganda!" manghangmanghang sabi ni Claire.
"Ah, Claire," Biglang kinabahan si Xian.
"Bakit naman? Huwag mong sabihin na ikaw ang nagpahugis puso sa mga ulap?" tanong nito na mas lalong pang kinabahan si Xian.
"Ah eh, Oo." Sabay yuko nito.
Sa ilalim ng matirik na sinag ng araw.
Na napapalibutan ng makukulay at mababangong bulaklak.
At sa saliw ng malamig na hangin.
Ang pusong dalawang nilalang ay nagkakaunawaan rin.
Matalim na espada ang lumitaw nang papasugod si Luke sa kanila. Yan ang nakikita ni Claire, alam nyang magkakaroon ng kaguluhan kung may masasaktan sa dalwang prinsepe. Baka yun pa ang sanhi ng ikalawang digmaan, Sahathra laban sa Ephrione.
Mabilis syang kumilos at ginamit ang kanyang kapangyarihan "Protection Seal!" sigaw niya na agad na pigilan si Luke sa paglapit sa kanya.
"Sealing technique?" tanong ni Luke. Si Luke ay may kapangyarihan ng apoy kung saan agad nyang napalabas ang nag-aapoy nitong espada.
Dahil sa baguhan pa si Claire sa kapangyarihan nito ay mabilis syang makakaramdam nang pagod. “Umalis ka na,” pahingal na sabi nito.
Napansin ni Xian na pagod na si Claire sa paggamit ng technique na ito kaya gamit ang isip nya ay tinawag nya si Jiruz. Pero nasaan ba si Jiruz? "Lukong dragon na yun! Hindi ko makausap." Panay ang pagwasiwas ni Luke sa umaapoy na espada nito sa ginawang harang ni Claire at nagsisimula ring manghina ang pananggalang ginawa ni Claire.
Pawisan at napaluhod na si Claire sa oras na ito "Claire, ihinto mo na ang paggamit ng kapangyarihan mo." Kasabay nang pag-angat ng kanyang kamay ay ginamit na ni Xian ang kapangyarihan nito. Malakas na ihip ng hangin ang lumapit sa kamay nito at parang may namumuong espada. “Humanda ka!" sigaw ni Xian at agad na sumugod.
"Xian!" sigaw ni Claire. Mahigit sa kalahati ng kapangyarihan nito ang nagamit nya. Hindi sya makasabay sa dalawang prinsepe na naglalaban ngayon. Nagawang sirain ni Xian ang pananggalang ginamit nya kaya nakalabas ito at lumaban kay Luke. Apoy laban sa hangin.
Malakas na kapangyarihan ang bumabalot sa kapaligiran.
Hindi alam kung sino ang manalo.
Si Xian ba? o si Luke?
Tanaw ni Claire ang nagsa-sagupaang apoy at hanging espada. Nag-iisip kung ano ang pwede nyang gawin para tumigil ang dalawang prinsepe. Pero hindi parin maalis sa kanyang isipan kung bakit napadpad si Luke sa kaharian ng Ephrione na mahigpit na bawal ng Sahathra.
Nang mag-kadikit ang kanilang espada. "Isa kang Sahath! Alam mo ba na pinagbabawal ang pagpunta nyo dito?" sabi ni Xian.
Marami nang naputol na kahoy dahil sa kanilang dalawa at umaapoy na ang kapaligiran "At ano ang akala mo nasisiyahan akong pumunta dito?" pang-iinis ni Luke sa kanya.
Sabi ni Xian, "edi, umalis ka dito." Agad tumalon si Luke papalayo sa kanya.
Nakaupo lang si Claire at umiipon ng lakas hanggang sa, "hoi! titingnan mo lang sila?" napansin nyang ang boses na iyon ay galling sa isang dragon spirit.
"Rioby,” galak na sabi nya.
"Ang makakatalo sa apoy ay apoy at tubig naman sa tubig." Napaisip si Claire sa sinabi ni Rioby.
"Apoy? Tubig?" litong sabi nya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Ikaw pa naman ang nakakuha ng mataas na marka ng makapasok sa Ephrione Academy!" galit na sigaw nito.
Nainis si Claires sa sinabi ng dragong nakikipag-usap sa kanya gamit lang ang isipan nito "Magtatanong ba ako kung alam ko na?" Nag-sisimula na silang mag-bangayan.
"Gamitin mo kasi yung touch technique!" sumbat ng dragon sa kanya.
"Touch technique?" tanong ulit ni Claire.
"Nakakainis ka na ha! Ang gawin mo ay lumapit ka kay Luke nang palihim isipin mo ang kapangyarihan nya na gusto mong gamitin o gayahin at sumigaw ng Touch! yun lang!" pagpapaliwanag nya sa bata.
Gaya ng sinabi ng dragon ay marahan syang lumapit kay Luke na abala sa pakikipag-laban kay Xian. Nasisipagliparan na ang ibon papalayo sa kanila at may maitim na usok dahil sa apoy na ginamit ni Xian.
"Isipin ng mabuti,” ginaya niya ang kanina ay sinabi ni Rioby. “Mag-isip nang mabuti Claire," sabi nya habang kinakausap ang sarili. Nang makalapit sya kay Luke at nakakuha ng tamang pagkakataon ay "Touch!" Agad nagaya ang hanging espada ni Luke at tinutok to sa leeg nya.
"Paanong?" takang tanong ni Luke. Kahit si Xian ay hindi nakapaniwala sa nakikita nya. Bawat nilalang sa Sahathra at Ephrione ay iisa lang ang kapangyarihan kung naging kagaya ni Claire na may Sealing technique at Touch technique ay malaki ang pagkakataon na taglay nya ang dragon spirit na inaasam ng lahat ng nilalang sa mudo nila.
"Ano ba ang dahilan mo at bakit ka nandito sa kaharian ng Ephrione?" pangungusisa ni Claire.
Napatitig si Luke sa mga mata ng batang babae at nagsalita, "hindi ko batid kung bakit ako napadpad dito." pangungumbinsi niya kay Claire.
Napadpad si Luke sa Korzo dahil sinasanay nya pa ang sarili nito kung paano gagamitin ang kapangyarihan nyang hangin sa paglilipat ng lugar. Pero hindi nya alam ang wastong gamit nito.
"Pinapangako namin ni Prinsepe Xian na hindi ito makakarating sa hari. Sana yun din ang gagawin mo kung makabalik kana sa Sahathra" sabi ni Claire ng mahinahon.
"Pero Claire!" sumbat ni Xian.
Panatag na sabi ni Claire, "bilang prinsepe ng Sahathra alam kong gagawin mo ang hiling ko." at agad nawala ang espadang gamit ni Claire.
"Sige," pagsasang-ayon ni Luke at bumalik na rin sa ayos ang ihip ng hangin. Wala na ang kaninang hawak nyang espada.
Ngumiti si Claire at nagsabing, "mabuti kung ganun." inabot nya ang kanyang kamay kay Luke para makipagkamayan.
Agad namang kinuha ni Xian ang kamay ni Claire sabay salita, "sa akin ka na lang makipagkamay"
“Bakit kaya nagkaganito si Xian?” pagtatanong ni Claire sa sarili nito.
"Bata pa kayo kung totoo ang iniisip ko. Bakit mag-kasintahan ba kayo?" tanong ni Luke sa kanila.
"Ah, hindi!" agad na sagot ni Claire.
"Parang ganoon na nga," sabay tawa ni Xian.
"Hindi!" sigaw ni Claire.