bc

Love and Lies

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal ni Sophia si Jeric. Mahal na mahal din naman siya ng kasintahan. Bagamat hindi pa sila nagkikita ay ramdam niya yun. Lahat ng katangiang positibo ay nasalo nga yata lahat ng lalaki. Purong pagmamahal lang ang binigay nito sa kanya. Walang pagkukunwari. Pero paanong nauwi ang matinding pagmamahal sa pagkamuhi? Wala na bang pag asa para sa pagpapatawad at sa pagbibigay ng isa pang pagkakataon para maging totoo ang huwad niyang pagkatao?

chap-preview
Free preview
Simula
Napatingin si Sophia sa harapan niya ng may umupo roon. Nagulat siya ng makita niya ito. Kasabay ng malakas na pintig ng kanyang puso ang pagsisikip nito sa sakit. "B-Bakit?" Tanong niya rito sa maliit na boses. "Anong bakit? Masama bang maupo rito? Sayo na ba to ngayon?" Balik tanong nito sa kanya sa mahina ngunit mariin na boses. Napatingin sya sa paligid. May ilang nakatingin sa kanilang dalawa. Marahil sa pagtataka kung bakit magkasama sila sa iisang mesa kung neto lang nakaraan ay halos mag iwasan silang dalawa na para bang may malubhang sakit ang isa sa kanila. Huminga sya ng malalim bago mabilis na niligpit ang mga gamit sa mesa. Handa na sana syang umalis ngunit napatigil sya ng magsalita ito ulit. "Masaya bang manloko? Tuwang tuwa ka siguro pag nabibilog mo ako at napagmumukha mo akong tanga, ano?" Napatingin sya sa mukha nito. May dumaang sakit sa mga mata nito bago napalitan ng matinding galit. Mahina lang ang boses nito ramdam niya ang pait at sakit. "Akala ko ba ayaw mo akong makasama sa iisang mesa? Akala ko ba tanggap mo na ang mga nangyari at na hindi ka bitter?" Balik tanong niya rito. "Paano mo ba nagagawa yun? Ang matulog ng di nakokonsensya?" Galit na wika nito sa kanya. Huminga sya ng malalim bago tuluyang tumayo at umakyat sa floor ng opisina nila. Wala ring mangyayari sa usapan kung magbubugahan lang sila ng apoy. Alam niya naman na kasalanan niya. Pero kasi medyo matagal ng nangyari yun. Dalawang taon at isang buwan na kung tutuusin. Sa kasamaang palad, magkatrabaho sila. Pareho silang call center agent sa isang international company na nakabase sa bansa. Sa minalas malas, team leader niya pa ito. Kahit na may natitira pang oras ay umupo na sya sa mesa niya. Hindi nagtagal ay nakabalik na ang halos lahat pati na rin Jeric na ng makita sya ay nakasimangot na. "Dapat makuha niyo yung quota niyo sa araw na to para makahabol tayo sa quota natin this month at para may additional bonus." Narinig kong naghiyawan ang iba sa sinabi niya. Ngumiti lang ako sa katabi kong si Miguel ng bumaling sya sakin. "Maya na muna ang landian. Trabaho muna." Narinig kong pasaring niya habang nakatingin sa akin na kinatawa ng iba kahit di naman nakakatawa. Bumalik na ako sa trabaho ko ng di kumikibo. Isa itong medical insurance company na nag aasikaso sa benefits na makukuha ng kliyente o kung saklaw ba ng benefits na inooffer ng kompanya ang kanyang kinukuha o makukuha. Mahirap magpaliwanag minsan sa ibang customer lalo na at mainitin ang ulo. Pag mainit ang ulo, di ka talaga makakaintindi ng mga rason. Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. Malapit ng mag alas 5 ng umaga ng makuha ko yung quota ko. Ang hirap ng ganito pero nakapag adjust naman na ako. Ang matulog sa araw at gising sa gabi. Hinihintay ko ang oras na tila ba umiikot ng napakabagal ng mapatingin ako sa kanya na nakatingin pala sa akin. Nagsalubong ang kilay niya ng makita niya akong nakatingin samantalang sya naman ang nahuli kong nakatingin sa akin. Umirap sya sa akin bago nag iwas ng tingin. Baklang to. Napangiti ako bigla sa naisip. Nang tingnan ko ulit siya ay galit na ang tingin nito sa akin. Akala niya siguro ay pinagtatawanan ko siya. Mahal pa rin kita kahit galit na galit ka. Napalitan ng lungkot ang munting saya na naramdaman ko kanina. Naghanda na ako para makauwi. Malayo layo pa naman ang sakayan ng bus pauwing Fairview. Huwag naman sanang ipahintulot na kahit sa pag uwi ko ay kasama ko siya. Pipi kong panalangin. Ngunit mapaglaro nga yata ang tadhana. Na kahit nagmamadali na akong bumaba ay nakasabay ko pa rin sya sa bus at katabi pa. "Mahal hatid kita?" Nakakaloko niyang tanong ng makaupo sya sa tabi ko. Hindi ko na sya sinagot at hinayaan nalang sya sa buhay niya na kahit ang totooy kinakabahan ako dahil sa unang beses ay katabi ko sya. May panghihinayang na dumaan sa puso ko ngunit winaksi ko ito agad. Wala rin naman ng mangyayari kung magpapatuloy pa akong manghinayang sa mga bagay na tapos na. "Noon habang nakasakay ako sa bus, iniisip ko kung paano kaya kita mapupuntahan sa inyo. Ang hirap isipin na kahit may paraan, may sang milyong dahilan ka pa rin para huwag lang akong makita. Takang taka ako noon, nasasaktan, pero pilit ko pa ring inintindi. Kasi mahal kita, sobrang minahal kita na kahit sarili ko ay nakalimutan ko na. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Isa lang ang maaaring dahilan sa lahat ng alibi mo. Hindi ka totoo." Mahaba at napapaos nyang saad. Ramdam ko pa rin ang sakit sa boses niya. "Humingi na ako ng tawad sayo dati. Pero kahit pa siguro humingi ako ng tawad sayo ng paulit ulit ay hindi pa rin sapat sa lahat ng mga kasinungaling sinabi ko sayo at sa mga bagay na nagawa mo para lang sakin. Pero patawad pa rin." Sabi ko sa kanya sa mababang tono. "Pero kaya ko nga sinabi sayo ang totoo para magkaroon ng linaw ang lahat at para malaman ko kung kaya mo bang matanggap ako bilang ako." "Minahal mo lang naman ako dahil akala mo, ako yun. Noong malaman mong hindi talaga ako yun, tumigil ka sa akala mong pagmamahal mo sa akin dahil ang totoo hindi naman yun para sa akin kundi para sa kanya tama ba?" Malungkot kong pahayag. Hindi sya sumagot kaya alam ko na ang sagot. "Kung nakita mo ba ako noong una, mamahalin mo ba ako ng ganun katindi? Hindi naman. Napansin mo lang ako dahil sa kanya." May sakit sa boses kong sinabi sa kanya. "Pero hindi sapat yun para ganunin mo ako! Nagmukha akong tanga! Ginawa mo akong tanga para lang sa wala!" Mariin niyang sinabi sa akin. Hindi na ako sumagot at pumikit nalang. Para mapansin niyang ayaw ko ng ipagpatuloy ang pag uusap naming dalawa. Hanggang sa makita kong malapit na ako kaya naghanda na akong bumaba. Nakita kong natigilan sya sa ginawa ko. Pumara ako tsaka nagmamadaling bumaba. Ng makababa na akoy tiningnan ko ang bus na paalis. Nakita ko syang nakadungaw sa akin habang di ko mabasa ang ekspresyon niya sa mukha. Malungkot akong napangiti habang naglalakad pauwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook