Part17
"ikaw"
Tumunog ang alarm clock ni mich ng 5:30am at parang ayaw pa nya gumising dahil sa antok pero pinilit nyang dumilat para maligo at makapagbihis na dahil 6am aalis sila.Pagakatapos nyang maligo si mayet nagising na rin.
Mayet: beh tapos ka ng maligo?
Mich: opo te ,
Mayet: baka gising na din si marc..
Bumangon si mayet at nag cr sandali pagkatapos lumabas ng kwarto at nandoon si marc naghihintay
Mayet: gising ka na din pala.
Marc: gising na ba sya teh?
Mayet: oo lalabas na yon
Marc : buti naman akala ko nagbago na naman ang isip nya ?
Mayet: kanina pa yon gumising.
Marc: di ko tinawagan kasi baka magising kayong lahat.
Mayet: nagkape ka na ba?
Marc: tapos na. sila ni greg dyan natulog sa duyan oh
Mayet: buti hindi umulan
Marc: umaga na mga yan umuwi
Mayet: dami siguro tao sa plaza.
Habang nag uusap sila si mich lumabas ng kwarto.
Marc: kanina pa ako naghihintay sayo ang tagal mo naman
Mich: sabi mo 6am ??
Marc: talagang sakto sa 6am ka lalabas ganun?
Mayet: haha kanina pa yan nakabihis.
Marc: uminom ka muna ng gatas bago tayo umalis.
Mich: di na ayoko. .
Marc: sige ikaw bahala alis na tayo.
Mayet: marc ingatan mo yan si mich ha..
Mich: ate hehehe
Marc: di mo na kailangan sabihin teh? asawahin ko pa yan ???
Mayet: hahaha ang aga pa marc mang asar?
Mich: hay naku!
Marc: haha sige na tara na nakasimangot na oh?
Mich: di nalang tayo aalis mang asar ka nalang dyan
Marc: ok ok hindi na ?? tara na nga.
Mich: alis na kmi teh ?
Mayet: sige mag ingat kayo.
Marc: alis na kmi teh??
Lumabas sila ng bahay at sumakay ng motor papunta sa bahay ng kanyang lola
Mich: saan ba tayo pupunta marc?
Marc: dadaan muna tayo sa bahay nila lola
Mich: ah ok sige
Pagdating nila sa bahay ng kanyang lola umakyat saglit si marc at may kinuha . Pagkababa nya tinawag nya si mich na pumunta sa sasakyan dahil yon ang gamitin nila.
Mich: ito sasakyan natin??
Marc: oo kaya sumakay ka na .
Sumakay din si mich pero nagtataka sya bakit ito ang sasakyan nila.
Mich: saan ba tayo pupunta marc?
Marc: mamaya malalaman mo .
Mich: ano yon suprise lang?
Marc: haha pwede rin.
habang nasa biyahe sila si mich nakaramdam ng antok pero pinipilit nya lang magising
Marc: matulog ka muna .
Mich: ayoko.
Marc : inaantok ka na eh.
Mich: mamaya saan mo ako dadalhin? joke haha
Marc: aba talagang naisip mo yan??
Mich: haha joke lanh
Marc: matulog ka muna alam ko inaantok ka pa
Mich: siguro malayo ang pupuntahan natin.
Marc: matulog kana wag ka na magtanong.
Mich: hay naku!
Masayang masaya si marc dahil nakasama nya si michelle ng araw na yon . at pakiramdam nya siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo kahit di pa sya sinagot nito basta ang alam nya na mahal na mahal nya ang dalaga
Halos mag isang oras na ang kanilang byahe at si michelle di na nakayanan ang antok nakatulog sya kaya hininto muna ni marc ang sasakyan at binaba ang upuan para makasandal siya ng maayos.
Marc: di daw sya inaantok pero nakatulog na... i love you? ( bulong nya )
Pagkatapos nyang inayos ang upuan . pinatakbo nya ulit ang sasakyan at makalipas ang 30mins nagising si michelle
Mich: saan na ba tayo?
Marc: sa daan pa rin.
Mich: ha? bakit ang tagal naman?
Marc: malapit na tayo
Mich: ilang oras pa ba ang malapit mo!
Marc: hahha ito naman.
Mich: sabi daw malapit lang .
Marc: malapit nga lang .
nagdahan dahan siya sa pagpatakbo ng kotse at nag park sa harapan ng mang inasal para kumain dahil alam nyang nagugutom na si michelle.
Marc: kain muna tayo alam ko galit na mga alaga mo sa tyan hehe
Mich: baliw! haha?
Marc: teka sandali.
Bumaba si marc para sana buksan sya ng pinto pero naunahan na nya ito sya na ang nagbukas ng pinto at bumaba.
Marc: buksan pa sana kita bumaba ka na.?
Mich: marunong naman ako magbukas.
Marc: ikaw talaga!( pinisil ang ilong ni mich)
Mich: aray! Ito hehe
Marc: tara na nga halika
Pagpasok nila sa loob at naghanap muna sila ng mauupuan at ng nakahanap na sila tinanong siya ni marc kung ano ang gusto niya.
Marc: anong gusto mong kainin?
Mich: my favorite chicken inasal with unli rice hehe
Marc: haha di ka rin gutom eh noh
Mich: grabe ka ha hehe
Marc: sige na pipila na ako alam ko gutom ka na
Pumila si marc habang si mich nakaupo at nakatingin sa labas habang iniisip kung nasaan na ba siya nakarating dahil di na nya alam ang lugar kung nasaan na sila ngayon
Marc: ang lalim ng iniisip mo ako ba ang iniisip mo?
Mich: asa ka naman na ikaw.
Marc: wow ang sakit non ah! ito na ang favorite mong chicken inasal with unli rice?
Mich: thanks ? hmmm... yummy hehe
Dinala ng isang crew ang ibang inorder ni marc sa kanilang table .
Marc: salamat brod.
Crew: walang anuman sir!
Mich:: teka lang bakit ikaw di ka ba kakain??
Marc: di ako kumakain pag nasa biyahe ako.
Mich: di nga pwede! kaya kumain ka.
Marc: ang kulit naman nito.
Pinagtitinganan sila ng katabi nila
Mich: tingnan mo oh nakatingin sila sa atin kaya kumain kana.
Marc: ang kulit mo kasi..
Napilitan si marc na kumain kasalo nya dahil sa kakulitan nya .
Mich: ayan kumain ka hehe
Marc: kulit mo talaga.
Mich: sinama mo pa kasi ako kaya ayan hehe
Iisang plato at iisang kutsara tinidor ang ginamit nila. Sino ba naman di sila mapagkamalan na mag asawa o magshota?
Pagkatapos nilang maubos ang kanin sa plato tinawag ni marc ang nagbibigay ng unli rice.
Marc: brod! rice nga po .
Mich: ang gwapo naman ng nagbibigay ng rice hehe
Marc: tumahik ka nga dyan!?
Mich: haha eh totoo naman
Marc: ayan ikaw na kumain nyan ha.
Mich: sino ba nanghingi ng rice ?
Marc: ako?
Mich: edi ikaw kumain nyan haha?
Marc: akala ko ba gusto mo pa ng kanin.
Mich: ang dami kaya ng inorder mo.
Marc: so, ako kakain nito??
Mich: sino pa nga ba?
Marc: ikaw talaga!
Mich: sige na kainin mo na yan ?
Marc: ang kulit mo talaga.
Mich: busog na ako eh. kaya ikaw na sige na ang bait bait nya oh??
Marc: mamaya ka lang sa akin ha ?
Mich: sige bati na tayo ha
Marc: sabay ganun agad haha
Pagkatapos nilang kumain naunang lumabas si marc para paandarin ang kotse habang si mich nasa loob pa rin.
Marc: bilisan mo na .
Mich: ito na nga oh binibilisan na!
Marc: ang tagal tagal???
Mich: mauna ka na kung gusto mo!
Marc: ah ganun! halika nga! (hinila sya ni marc papuntan sa kanya)
Mich: ano ba! tumigil ka nga!
Marc: sumakay ka na nga baka ano pa magawa ko sayo ??
Habang nasa byahe sila panay ang tanong ni mich sa kanya kung saan na ba sila.
Mich: saan na ba tayo? ilang oras na tayo bumibyahe di pa tayo nakarating.
di sya pinapansin ni marc habang sya abala sa pagkanta at parang may halong pang aasar ..
Marc: u look so beautiful in white??????
Mich: siraulo!?
Marc: na na na na ???? u look so beautiful in white?
Mich: tumahimik ka nga !
Marc: hahaha
Mich: tawa ka dyan!
Marc: bakit ba eh kumakanta ako?
Mich: bakit ka nakatingin sa akin kung kumakanta ka!!!!
Marc: syempre haha
Mich: baliw talaga oh!
Makalipas ang isang oras may napansin si mich sa dinadaanan nila na parang pamilyar sa kanya na parang hindi naman nya maalala
Mich: parang nakita ko na ito dati kaya lang di ko maalala( sa isip nya)
Marc: pagod na nga ako sa pagmaneho pati ba naman sa isip mo pinapagod mo pa rin
Mich: ikaw tumahimik ka may iniisip ako
Marc: ako ba yan???
Mich: asa ka naman!
Marc: di pala ako ganun??
Mich: hindi syempre.
Marc: ok lang nandito ka naman sa tabi ko???
Mich: baliw hehe
Marc: basta iloveyou??
Mich: hay ewan!
Marc: haha. Ito naman
Tumahimik si mich sa sinabi niya kaya napangiti nalang siya sa naging reaksiyon ng dalaga
Marc: nandito na tayo .
Mich: nandito na ba?hay salamat naman.
Nagbusina si marc at may nagbukas ng gate.
Mich: kaninong bahay to marc?
Marc: sandali ha baba muna ako .
Mich: tinatanong di sumagot.
Binuksan sya ng pinto ni marc
Marc: bumaba kana
Mich: kaninong bahay ito??
May lumabas na medyo may edad na babae at sinalubonh sila
Babae: Sir, may dala po ba kayo ako na magpasok.
Mich: hay nakakaloka! bakit tinawag syang sir. wag nyang sabihin bahay nila ito. ( sa isip nya)
Marc: nandyan ate sa likod pakikuha nalang salamat. nandito na ba sila ni mama.?
Babae: opo sir nandyan sa loob.
Mich: omg! ? bahay nga nila.
Marc: halika ka na!
Mich: ikaw bakit di mo sinabi na dito pala tayo pupunta??
Marc: bakit anong masama?
Mich: kasi naman eh.
Marc: tara na nga.
Ang babae nakangiti lang sa kanilang dalawa.
Mich: omg! bakit ako kinakabahan?
Marc: halika na.
hinawakan sya ni marc sa kamay para dalhin sa loob
Marc: haha bakit ang lamig naman ng kamay mo?
Mich: ha? di ah.
Marc: di daw oh haha ?
Mich: kasi ikaw di mo sinabi na dito pala tayo pupunta, nahihiya ako eh.
Marc: bakit ka mahiya eh sila lang naman ni mama at papa ang nandyan.
Mich: marc naman kasi eh.
Marc: tara na wag ka ng mahiya.
Pumasok sila ng bahay at sinalubong sila ng mga magulang niya.
Ooooooooooopppppppssssss ?!
ITUTULOY ...