continuation Part16
"ikaw"
Nakatalukbong pa rin si michelle ng kumot nung pumasok sila mayet sa kwarto
Mayet: beh, gising ka pa ba?
Mich: opo teh.
Mayet: mag usap tayo beh sige na..Sandali lang .. halika dito ?
umupo si mich sa kama at umupo na din ang mga ate nya sa tabi nya at kinausap sya tungkol kay marc.
Mayet: ok ka lang ba??
Mich: di ko alam ate.
Lily: alam na namin beh ang nangyari sinabi ni marc sa amin.
Cora: huwag ka mag alala nandito lang kami makikinig sayo.
Mich: di ko na alam! kung anong gagawin ko sa sinabi nya sa akin.
Mayet: na mahal ka nya?
Mich: ate naman eh.. ?
Mayet: wala naman masama di ba? ayaw mo pa nun umamin sya sayo..
Janice: kaya umamin sya sayo beh kasi nagwawala ka daw hehe.
Lily: ayaw nya kasi magalit ka sa kanya beh.
Mayet: nahihiya ka dahil sinabi nya sayo un?
Mich: nahihiya ako na naiinis sa sarili ko ate.
cora: bakit naman beh?
Mich: di ko alam basta nung sinabi nya sa akin yon parang nawala lahat ang galit ko na di ko namalayan na di ko maintindihan ay ewanko ba.
Mayet: natamaan ka na din yata beh?
Lily: ok lang na sinabi na nya sayo atleast alam mo na kung bakit ganyan sya sayo
Janice: kaya naggagalit sya kay lester dahil nagseselos siya hehe
Mayet: matagal na nyang sinabi sa amin yon beh na gusto ka nya kaya lang natatakot syang sabihin sayo baka daw iwasan mo sya.
Cora: Mag usap kayo ulit yong di mainit ang ulo mo kasi iba ang nasasabi mo pag galit ka.
Mich: kaya nga te hay ewan ko ba!
Mayet: total tayo tayo lang naman dito tatanungin kita beh ha! nagseselos ka ba ?
Mich: atteeh!!!?
Lily: hahaha..
Cora: magtalukbong ba yan ng kumot kung di nagselos??
Janice: haha
Mayet: ano na beh? nagseselos ka ba ??
Dahil sa paulit ulit na tanong ni mayet inaamin nalang nya ang totoo
Mich: opo te ??
Lily: sabi na nga ba hahahaha
Cora: kasi nagtataguan silang dalawa hehe
Janice: naglalaro talaga sila ng taguan hehe
Mayet: yun naman pala eh hehe..
Mich: ate wag nyong sabihin sa kanya ha. nakakahiya
Mayet: ok beh sekreto natin un at wag kang mag alala normal lang naman yang nararamdaman mo kasi ito naman kasi si marc kung makabantay sayo parang gf ka nya kaya siguro nahulog ka na din sa kanya.
Cora: paano yan aalis kayo bukas beh?
Mich: ok lang! sya lang naman umamin ?
Mayet: haha un lang kaya pa bang itago beh ?
Mich: . oo naman te haha
Lily: parang wala lang nangyari beh ganun lang gawin mo kasi kapag iwasan mo sya baka masaktan naman yung tao kawawa naman.
Cora: sinanay mo kasi beh eh na sinusuyo pag nagagalit sya ayan tuloy pati ikaw nahulog na din haha
Mayet: di ka magseselos kung di mo mahal ang isang tao di ba? kaya mahal mo rin sya ganun?
Mich: ateeeh haha??
Cora: un nga un talaga.?
Janice: wala naman problema binata sya dalaga ka kaya gustong magsanib ang mga puso ninyo hehe
Mich: grabe si ate janice haha.
Mayet: ok sige beh , kung ayaw mong aminin sa kanya dahil nahihiya ka.. kausapin mo parin sya bilang kaibigan lang muna
Mich: hay sige na nga hehe
Cora: buong araw kayo magsama bukas kaya wag kang pahalata baka di ka na ibalik ni marc dito haha
Mayet: haha
lily: sigurado yan?
Mich: saan na ba sya?
Mayet: natulog na yata.
Mich: di ba sya umalis te.
Mayet: hindi na kasi tinupak daw ang prinsesa nya ?
Lily: hahaha naku !
Mayet: nakita mo pala ang video?
Mich: opo te pinakita ni trixie kaya ayun hehe
Mayet: kaya pala nagseselos hehe
cora: nagselos ka agad be??
Mich: opo teh ? para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko ang picture at video na nakayakap si trixie sa knya. At sinabi nya.
Janice: confirmed na talaga love mo na din sya??
Mich : haist nakakaloka nga te .
Mayet: ok lang yan beh tao ka kasi may puso na pwedeng magmahal .. mabait naman si marc kahit minsan may pagkapilyo lang
Mich: bakit kasi pumunta yan dito haha joke
Mayet: haha destiny lang
Cora: pinagtagpo kayo ng tadhana naks!. ?
Lily: dapat ngayon palang mag usap na kayo ni marc para bukas ok na ang lahat .. paano yan aalis kayo ng di nagpapansinan. ganun?
Mayet:oo nga beh. Kausapin mo sya .
Mich: di nalang ako sasama ate
Lily: hala lagot na!
Cora: kawawa naman si marc beh excited pa naman sa lakad nyo bukas
janice: mag usap nalang kayo beh .
Mayet: un na nga ang sinasabi nya kanina baka di ka na daw sasama sa kanya.
Mich: ganun din kasi teh di ko alam anong sasabihin ko pag mag usap kami.
Mayet: ganito nalang mag usap kayo ngayon tapos pakinggan mo sya sa mga paliwanag nya. Tapos ang inamin nya sayo sabihin mo sa kanya kung ano ang naging epekto sayo para di na kayo mag aaway pa at magkailangan dalawa.
janice: mag usap nalang kayo beh.
Nagring ang cp ni mayet at si marc ang tumatawag.
Mayet: tumatawag sya beh haha
Mich: kausapin mo te
Mayet: sabihin ko ba na mag usap kayo?
Mich: ate wag nakakahiya hehe
Cora: Kausapin mo nalang sya beh
Sinagot ni mayet ang tawag ni marc.
Mayet: hello marc.
Marc: ate , tulog na ba sya?
Mayet: di pa naman. Bakit?
Marc: gusto ko sana syang kausapin te.
Mayet: nasaan ka ba?
marc: nandito sa kwarto.
Mayet: lumabas ka at sabihin ko sa kanya na mag usap kayo.
Marc: ok sige te.
Mayet: sige na bye.
Marc: bye.
Binaba na ang phone at tinanong ni mayet si michelle kung ok lang sa kanya.
Mayet: ano na be ok lang ba sayo?
lily: sige na beh maaga pa naman 9pm palang naman di ka pa naman inaantok.
cora: sige na beh ang boss mo naghihintay na sa labas hehe
Mich: hayyy! sige na nga te.
Mayet: hehe ang bait talaga.
Lumabas si michelle at hinihintay na sya binata sa sala . pagkakita ni marc kay mich tumayo sya at nilapitan nya agad ito
Marc: halika doon tayo. ?
Niyaya sya ni marc doon sa duyan pero sa upuan sila umupo para mag usap.
Marc: umupo ka dito
Umupo din siya pero di sya nagsasalita
Marc: galit ka pa ba sa akin? ?
Mich: hindi! naiinis lang ako sayo.
Marc: Sorry na ulit!
Mich: ok lang wala na yon.
Marc: ayoko kasi na nagagalit ka sa akin kaya nasabi ko ang di ko pa dapat sana sabihin.
Tumingin si mich sa kanya na parang naawa sa mukha ng binata
Marc: natatakot lang kasi ako na baka umiwas ka sa akin pag sinabi ko sayo. Kaya dinadaan ko nalang sa biro. Alam nila ate mayet yon na totoo ang sinasabi ko dahil alam na nila na gusyo kita..Pero ang sinabi sayo ni trixie na napilitan lang akong sumama sa inyo yon ang di totoo dahil masaya ako kapag kasama kita.
parang di nya alam ang sasabihin kay marc ng mga oras na yon.
Mich: nasaktan lang naman ako sa sinabi nya kasi syempre naisip ko na di pala totoo ang pinapakita mo sa amin. kaya sorry din kung nagalit agad ako sayo.
Marc: ok lang yon . Kahit ako din naman ganun maging reaksyon ko kaya naintindihan kita. at isa pa ang video na yon sinadya talaga nila gawin yon kasi di naman kami sumayaw ng matagal wala nga isang minuto dahil umalis agad ako . nakakahiya kasi iwanan sya sa gitna na humawak na sya sa akin kaya tinawag ko si greg na sya muna.
Mich: tinanong ko nga sya na kung may gusto ba sya sayo sabi nya oo daw tas tinanong ko sya kung ikaw may gusto din sa kanya sabi nya parang meron daw kasi nagpaparamdam ka daw sa kanya nung sinamahan mo sya. sa akin ok lang naman yon wala naman problema . ang sa akin lang kasi pakiramdam ko parang pinaglalaruan mo lang kami kaya ayon naiinis ako..
Marc: di yon totoo . sinamahan ko sya bilang kaibigan at dahil na rin kay greg kasi ayoko isipin ni greg na denededma ko mga kaibigan nya galit na nga ako kay lester pati ba naman kay trixie iiwasan ko pero ngayon iiwasan ko na talaga siya.
Dahil sa pag uusap nila unti unting gumaan ang loob ni marc dahil nakita niya sa mata ni michelle na wala na ang galit nito.
Mich: sinamahan mo pala sya?
Marc: opo! nung isang beses sabi nya sa bayan lang tapos nagpahatid sa bahay ng kaibigan nya hanggang sa ginabi na kami ng uwi.
Mich: eh kasi nga may gusto sya sayo.
Marc: ilang beses ko na sinabi sa kanya na magkaibigan lang kami dahil ikaw ang gusto ko pero di naman siya nakikinig.
Marc: seryoso mich mahal kita, yan ang dahilan kung bakit ako nagseselos pag lumapit si lester sayo. pero wala naman akong karapatan na sawayin siya dahil di naman kita gf. At sana di maapektuhan ang nasimulan natin sa pag amin ko sayo
Mich: Di ko rin alam kung anong gagawin ko sa sinabi mo pero ok lang atleast alam ko ang dahilan kung bakit minsan bigla ka nalang naiinis .Sige walang magbabago ganun pa rin sa dati.
Ayaw nya rin makitang malungkot ang binata kung iiwasan nya ito kya nakipagbati nalang sya
Marc: talaga promise?
Mich: opo ayaw mo ba??
Marc: syempre gusto! pero liligawan kita ha ? hehe???
Mich: sige pero di kita sagutin ha.?
Marc: un lang! haha ok lang atleast alam mo na at masaya na ako don .
Masayang naayos ang kanilang away dahil pinakinggan nila ang bawat isa.
Naisip ni marc na dumistansya na talaga kay trixie dahil ayaw nyang magalit ulit si michelle sa kanya
Mich: kumain ka na ba?
Marc: di pa nga eh paano nagalit ka walang kukuha sa akin ng pagkain.
Mich: di ko naman dinala sa kwarto ang pagkain ah.?
Marc: haha ?
Mich: tara na kumain ka na
Marc: mamaya na.
Mich: bakit ayaw mo pa bang pumasok?
Marc: sasama ka pa ba bukas sa akin?
Mich: pag isipan ko muna .
Marc: bakit naman pag isipan mo pa?
nagbago yata isip mo ganun??
Mich: joke lang! sasama ako sayo promise.
Marc: talaga lang ha.?
Mich: oo nga sasama ako baka sabihin mo wala akong isang salita.
Marc: hehehe i love you??
Mich: hay !dyan ka na nga!
Marc: haha nilayasan ako
Umalis siya pagsabi ni marc ng iloveyou sa kanya dahil sa loob nya kinikilig din naman sya at baka di sya makapagpigil mapaamin din sya nito.
Marc: uyyy! Hintayin mo ako hehe
Sumunod si marc sa kanya sa sala at nandoon si mayet nakaupo.
Mich: ate di ka pa natulog?
Mayet: hindi pa beh hinihintay ko pa kasi ang dalawang ibon na magkabati haha?
Mich: haha ate ikaw talaga!
Tamang tama ang pagpasok ni marc narinig nya ang sinabi ni mayet
Marc: ok na teh namimilit kasi sya na makipagbati kaya ayon bati na kami???
Mich: weeh! talaga lang ha!
Mayet: hay buti naman kung ganun makatulog na ako nito haha
Marc: mabait kasi ang love ko kaya bati na kami hehe??
Mayet: haha marc umamin ka lang tapos mas lalo mo pang inasar si michelle.
Mich: ok lang teh may araw din yan sa akin.
Marc: ang araw na yon ay yong sagutin mo ako yesss!! ??
Mayet: hahaha kayong dalawa talaga?
Marc: basta teh abangan ko yon hehe?
Mich: kumain ka na marc gutom lang yan
Marc: kakain sana ako kung kuhaan mo ako pagkain hehe
Mayet :haha nagpasilbi pa. ang pizza pala na iniwan sayo marc nakain mo na ba?
Marc: di pa nga teh eh
Mich: kainin mo na doon.
Marc: kanin sana gusto ko.
Mich: sige kumain ka na doon
Marc: di na talaga nya ako love te oh???
Mayet: hahaha marc bakit?
Marc: kasi dati kinukuhaan nya ako pagkain ngayon ayaw na nya????
Mich: arte mo di bagay sayo.
Mayet: hahaha ?
Marc: di na nga kinuhaan ng pagkain inaway pa kawawa naman ako????
Mayet: haha ano yan marc ??
Mich: may audition yata yan hehe .
Marc: sige na kuhaan mo na ako pagkain nagugutom na ako eh??
Mich: wag ka na kumain mang asar ka nalang.
Marc: haha, di naman kita inaasar eh hehe
Mayet: kumain ka na at matulog bukas maaga kayong aalis at magdrive ka pa marc
Mich: halika na nga kumain ka na arte pa kasi.
marc: ??????? yessssss!
Mayet: hahaha loko loko ka talaga marc
Mich: inaantok na ako marc kaya bilisan mo na dyan.
Marc: ok sige inaantok na pala ang prinsesa ko hehe??
Mich: baliw!?
tumayo sya at dinala si mich sa kinakainan nila naiwan si mayet sa sala na na nakangiti sa kanilang dalawa.
Oooooooooppppppppsssss ?!
ITUTULOY ...