KABANATA 24

1021 Words

"Pinagbibintangan mo ba 'ko?" tanong ni Yna kay Prim habang may luha. "Wala akong ginawa kay Mama-" "E, anong nangyari sa kanya?" matapang na putol ng asawa. "Sumakit ang dibdib niya-" "Bakit sumakit-" Hindi niya alam kung saan itutuon ang naluluhang mga mata. Naalala niya kung paano ito magalit sa kanya. "Prim, tama na," baling ni Jaime sa anak na nakapamewang at tumalikod. "Yna?" Sinilip ni Jaime ang mukha nang umiiyak na si Yna. "Anong nangyari?" "P-papa, wala akong kasalanan. Hindi ko ginustong sumakit ang dibdib ni Mama. Hindi ko sinasadyang magalit siya sa akin," pailing-iling niyang wika habang nakatungo. Hinawakan siya ng biyenan sa magkabilang balikat. "Anong nangyari?" "Mawalang galang na ho," singit ni Rosie. Napatingin dito si Jaime. "Ako ho ang kasama ni Yna. Wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD