"Gusto kong maging maayos ang pamilya mo," patuloy ni Jaime. Pikon na sumandal sa kinauupuan si Prim. "Maayos ang pamilya ko," matigas na paninidigan niya. "Maayos ba ang pamilyang umiiyak ang asawa?" Itinikom niya ang mga kamao. "Sa tagal ng pagsasama niyo ni Yna. Ngayon lang kayo nagkaganito. Ano bang nangyayari sa iyo?" "Walang problema sa akin, Papa." "Kung ganoon, sinong may problema?" Bumaling si Jamie kay Prim. Natahimik ang loob ng sasakyan. "Sino ang may problema, Prim?" ulit ng ama niya. "Si Yna?" sagot nito sa sariling tanong. Nilinga niya ang ama na sarkastikong ngumiti. "Noon, ipinagtatanggol mo siya sa Mama mo, Prim. Kitang-kita ko ang pakilam mo sa asawa mo. Nasaan na iyon ngayon?" Hindi siya nakatugon dahil kahit siya ay hindi alam kung saan napunta ang hinahanap

